CHAPTER 8

9 1 0
                                    

CHAPTER 8

Goodluck



Maingay ang gymnasium dahil sa mga cheers ng students from different departments. This is the first day of the intramurals. Ilang weeks rin nagprepare for this very day kaya maraming excited. Maliban sakin. Wala akong tulog kasi isa ako sa mga officer and a first year representative at that. After ng midterms nagmeeting agad yung mga officers then proceed sa mga gagawin.

"Tubig, Bing." abot ni Yanna sakin ng isang water bottle. Kinuha ko iyon at nagpasalamat. Nanunuyo na talaga kasi ang lalamunan ko dahil narin sa dami ng tao at init ng lugar.

"GO BLAZING DRAGONS!" sigaw pa ni Jane na halos wala ng boses dahil sa kakasigaw. May mga balloons rin kaming hawak at pompoms para i-cheer yung dept namin.

"Ang init na! Jusko hindi parin nagsisimula! Pasko ba hinihintay nila?" inis na usat ni Riya. 

"What day nga yung cheerdance competetion? Excited na talaga akong makita si Addie! Ilang weeks din hindi natin nakasama si bakla kasi super busy niya." si Yanna.

"Day 4 yun, same sa ibang dance competetion and day 5 yung Ms and Mr Intramurals then announcing of the champions." paliwanag ko sa kanila.

"Anong sports ba ang maglalaro ngayon?"

"Nakita ko volleyball, basketball, soccer, and tennis lang yung nabalitaan ko."

Malaki ang University kaya marami ring mga sports, kahit nga itong gymnasium namin may kalakihan rin pero napupuno parin sa dami ng students. I am not an athletic type of person. Sinubukan ko noon sa badminton pero wala talaga akong talent sa sports, maybe I'm not just cut out for that. Hindi rin ako active sa ibang activities lalo na sa dancing kasi wala naman akong talent sa mga ganyan. Ginawa lang talaga ako ni Lord para dagdag pabigat sa mundo. 

Naghiyawan muli ang mga tao sa gym ng magsimula na ang program. Every colleges ay may kaniya-kaniyang cheers, hindi naman nagpatalo ang team namin. Parang mamawalan na nga ako ng boses dahil kakasigaw rin, pero mas marami ang tawa ko kaysa sa sigaw. 

"Tangina, Bing! Magcheer ka wag kang tumawa!" inis na sabi ni Riya kahit natatawa rin siya. Nakita kasi namin si Zen sa di kalayuan kaya kumaway kami sakanya pero pinakyuhan niya kami kaso nakita ng isang prof yung ginawa niya kaya pinagalitan siya. 

"Tanga kasi ni Zen, ano akala niya nasa mall lang tayo?" tumawa pa ng malakas si Yanna. Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa. Sa totoo lang hindi na kami nakikinig sa mga ganap, may sariling mundo kami rito kagaya rin ng ibang students.

"Hindi sasali si Ean, diba Third?" kuryusong tanong ni Ahn ng mabanggit ng emcee na may laro mamaya ng volleyball.

"Hindi. Hindi pa maayos yung injury niya." napatango-tango lang kami. Gusto ko sana talagang magtanong sa injury ni Ean pero parang ang chismoso ko naman nun. Mas mabuting magtanong ako mismo kay Ean o hintayin na si Third ang magsabi ng kusa.

Nang matapos intro sa program ay lumabas na kami sa gym. Maglunch muna raw kami para makanood kami ng game mamaya. Maraming mga booths kaya marami ka ring perang mawawaldas, medyo may kamahalan rin. Nagshawarma rice ako ganun din si Third , yung mga girls naman ay hindi pa nakakabalik. 

Napatingin ako sa mga dumadaan ng mahagilap ko si Addie kasa sila Kiyo...? Okay na sila? Dala ni Kiyo ang bag ni Addie pati narin ang isang malaking tumbler. Napansin din ni Third sila kaya itinaas ko ang isang kamay ko para mapansin nila kami at si Liam pa talaga ang unang nakakita. 
Si Liam, Jay, Vasco, at Kiyo na nasa tabi ni Addie, sila lang ang magkakasama. Bakit wala siya? 

"Bat may kulang? Ah si Seth pala." rinig na rinig ko ang bulong ni Riya na kakabalik lang. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang ito sakin na para bang nang-aasar. Umiling na lang ako at umayos ng upo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taste of Cherries (El Dulce #1)Where stories live. Discover now