6

23 2 1
                                    

Hindi matigil ang pag tulis ng nguso ng katabi ko at kahit na kanina pa natapos ang tawanan ng lahat ay nanatiling matulis ang kanyang nguso habang ang bff naman n'ya ay patuloy itong pinapakalma.

"Ezra, look at me! This is not you." Madramang ani Atlas habang pilit na hinahaplos ang dalawang pisngi nito.

Masama naman s'yang tiningnan ni Ezra kaya agad itong huminto at napanguso.

"Akala ko pa naman mga kaibigan ko, yun naman pala tataluhin din ako!" Parinig ni Ezra sa mga classmate naming kulapo na para bang isang mabigat na pagta-traydor ang kanilang ginawa sa kanya.

Walang pumansin sa kanya at tilang mga bingi na humarap sa harapan ang mga classmate namin at maya-maya lang ay dumating na ang aming lecturer pero kahit na ganun ay wala pa ding tigil sa pag bulong ng kung ano-ano at pag nguso ang katabi ko.

"Oh? May bago kayong classmate?" Mataray na tanong nito sa mga classmate ko habang nakaturo saakin.

"Yes, Ma'am! Sa wakas, may muse na kami!" Malakas na sagot nang kung sino mula sa likuran.

"Muse?" Mataray na napataas muli ang kilay nito saakin.

Galit ata si Ma'am sa mga magaganda. Galit saakin eh.

"Mukha lang escort pero muse namin yan Ma'am!" Malakas na sigaw ni Oliver at nag karoon ng malakas na tawanan.

Napangiwi ako.

Muse muse, isipin mo muna yung jowa mong malungkot dahil ikaw pa ang may lakas loob na gawing low-key ang relasyon n'yo. Tsh.

"You, stand up!" Mataray n'yang utos saakin , agad naman akong tumayo. "What school are you from?" Tanong nito, parang lilipad na ang kilay n'ya kakataas.

"Crestwood Heights International School ho."

"You are from Crestwood?" Muling napataas ang kilay nito saakin, para bang wala akong karapatan na pumasok sa Crestwood.

"So, you must be rich, huh?" Bakas ang sarkasmo sa tinig at hitsura nito. "Dalawang tao lang ang pwedeng makapasok sa paaralang 'yon. Isang matalino at isang mayaman.." paliwanag nito habang naglalakad saaking harapan.

Agad kong nakuha ang gusto n'yang sabihin. Ganun ba talaga nagsusumigaw ang katangahan ko at pati s'ya ay naririnig n'ya?

"Hindi ka naman mukhang matalino kaya siguradong mayaman ka para makapasok dun." Dagdag n'yang muli, napangiwi naman ako. "So tell me, bakit ka umalis sa school ng Crestwood?" Intrigang tanong nito.

"Masyado kasi akong 'mayaman' para sa school na 'yun, Ma'am." Nakangisi kong sagot sa kanya, bakas din sa aking tono ang pagiging Sarkastiko.

Talagang diniinan ko ang salitang mayaman para namnamin n'ya.

Nangunot ang kanyang noo at pasiring na inalis ang kanyang tingin saakin at nag simula nang mag turo.

Magtuturo din pala eh, dami pang commercial. Tsk.

"Loko ka, K-Y! Inaway mo si Ma'am. " Bungisngis na sabi ni Ezra saakin, napangiwi lang ako.

Sa loob ng isang oras ay wala akong naintindihan sa mga tinuro n'ya, hindi kasi ako nakinig at tinatamad akong pakinggan s'ya. Tsk.

Ang sumunod na lecturer ay wala, may meeting daw bigla ang mga teacher.

"Daimler, pwede na ba mag early break? Nagugutom na ako eh." Tanong nung isa naming classmate

Nagkakagulo na ang loob ng room namin, nagtatakbuhan si Ezra at Atlas, naglalaro naman sa cellphone yung iba at nagsisigawan, yung iba naman ay naglalaro ng 'uno cards' nagkakadayaan pa nga.

Ang Classmate Kong AstigWhere stories live. Discover now