8

22 0 0
                                    

Keigh Waigh's POV

Mabilis akong umatras nang akmang susugudin sana ako ni Deadpool kaya naman hindi n'ya ako naabutan ay bumagsak s'ya sa sahig.

Hindi talaga ako pumapatol sa babae dahil alam ko ang lakas ko pero nung makita ko ang pamamahiya nila kay Camilla ay hindi ko nakayanan ang presyon ko at agad akong sumugod sa babaeng pato. Ang haba ng nguso n'ya at kulay pulang-pula pa, pato'ng me pambili ng lipstik!

Dadaan lang sana ako dito sa cafeteria dahil mangongolekta lang ako ng lintik na basura pero dahilsa nangyari ay nahinto saglit. Babalik na lang ako sa pangongolekta mamaya, pagkatapos nito. Pero kahit ginagawa ko ito ay hindi ibig sabihin nun ay tanggap ko nang makitang basurera, mas gugustuhin ko pa ngang ma-guidance kesa mangolekta eh pero ang problema ay wala ang magulang ko, walang pupunta saakin kapag nagpatawag. at mas gugutuhin ko nang mangolekta ng basura kesa mangolekta ng abuloy para sa lamay ko dahil tiyak na iyon ang mangyayari kapag si Kuya ang dumalo saakin.

"Ang lakas ng loob mong pagbantaan si Abby! Transferee ka dito kaya hindi mo alam na daddy n'ya ang major sponsor dito!" Galit na sumbat pa nung isa pang babae, mukha s'yang mais. Kulay dilaw ang buhok n'ya maging ang labi n'ya, idagdag pa yung brace n'yang kulay dilaw ang rubber.

"ah, s'ya yung anak ni Governor Fernandez?" Inosenteng tanong ko sa kanila at mayabang naman silang tumango. "Balita ko kurakot 'yun ah." Nakangisi kong dagdag. Mabilis na umugong ang tawanan at bulungan.

"How dare you call my father like that!" SIgaw ni Deadpool

"Balita ko nga lang e diba? Narinig ko lang 'yon, malay ko ba kung totoo." Kunyaring sagot ko. "Oy, Miss. Mag sorry ka ke Camilla." maangas kong utos kay Pato

"And why would I do that?" Mataray n'yang sagot saakin.

"Dahil ginawan mo s'ya ng mali."

"S'ya ang gumawa saakin ng mali! Binunggo n'ya ako kaya natapunan ako ng juice!"Tili n'ya saakin.

"Tinapunan mo naman s'ya ng pagkain!" Balik kong sigaw sa kanya. Napaatras naman s'ya. takot s'ya e, baka masampal ko ulit s'ya. "At saka, bakit s'ya lang ang sinisisi mo?! S'ya lang ba may mata? Kung alam mo naman palang babangga s'ya sa'yo edi dapat umiwas ka! Mas bobo ka pala eh!" Inis kong dagdag

Maarte s'yang napasinghap. "Did you just call me bobo?!"

"Ay di mo nadinig?" Sarkastikong tanong ko "Oo, bobo ka." Pag uulit ko pa, namnamin n'ya ang kabobohan n'ya.

"Sa susunod na awayin mo si Camilla, ako ulit ang makakalaban n'yo." Banta ko sa kanila nang hindi na sila sumagot saakin

Humarap na ako kay Camilla na namumula pa din ng ilong dahil sa pag iyak, kawawa naman si Camilla Kulit.

"Tara na, Camilla. Hayaan mo na yang mga pangit na 'yan. Inggit lang 'yan sa beauty mo, palibhasa kasi mga beast sila." Masama ko pang tiningnan muli ang tatlo na masama din ang tingin saakin.

Inalalayan ko na s'ya palabas ng Cafeteria pero agad din akong nahinto ng may maalala ako.

"Teka lang, Camilla.." Mahina kong sabi sa kanya

Umikot ang paningin ko sa loob ng Cafeteria at nang makita ko ang hinahanap ko ay mabilis akong lumapit sa table kung saan s'ya naka upo.

"May kailangan ka, Keigh-- Ay! Gago!"

Ang Classmate Kong AstigWhere stories live. Discover now