chapter 1.1

1 0 0
                                    

July 19, 2024

Sa gitna ng magulong lansangan
Ingaygitna ng tao at usok ng sasakyan
Narito ako sa gilid ng matatayok na gusali
Di alam kung saan dadaan muli
Kung sa bawat parte
Ikaw lang ang laman ng kokote

Sa mga pagpatak ng ulan
Sabay ang luhag di mapigilan.
Mga damdaming hindi mawari
Lungkot hindi maikukubli.
Lahat ay tila may sariling mundo
Habang ako'y naninibugho.
Sapagkat bakit parang buhat ko lahat ng pasanin
Mga problemang mukhang ayaw akong lisanin.

Ulan man ay tumila na
Luha ay di na mapigilan pa.
Ngiti mo'y walang katumbas kahit na tala
Walang kapalit kahit na sino pa sila.
Araw ay malapit nang mag tapos
Ngunit damdamin ay di matatapos.

Mag antay parin hanggang sa huli
Kahit pa alam na di magiging iyo muli.
Subukin man ng kahit na ano sinta
Pag-ibig ko sa'yo lang mapupunta.
Meron ka mang iba iibigin
Ang mga isusulat na kanta ay Ikaw lang ang pupunahin.

Malawak man ang mundo mo para saakin
Sa huli susubukan ko paring pasukin.
Sinta mo ma'y di na para sa akin
Ang puso ko'y sa'yo parin.
Martyr man kung tatawagin
Wala namang ibang alam kundi Ikaw lamang ay ibigin.

Mali man sa kanilang paningin
Na Ikaw ay ibigin
Damdamin di na mapipigilan
Sapagkat mahirap nang kalabanin

Sa muling pagkikita sana ay tuparin
Mga pangako saakin.
Aasa paring saakin ka uuwi
Kahit na ang pagod mo'y sa iba na napapawi.
Pag-ibig na mali kung tatawagin
Sa huli, Ikaw parin.

07-19-24Where stories live. Discover now