30

1.3K 97 79
                                    


🥀

ISA

THREE DAYS!!

THREE FVCKING DAYS

Tatlong araw na siyang busy but I have to understand her because I want her to focus on her studies.

She's on a field trip and she has to stay there for a week. Malapit na akong sumunod sa kanya. This time I think I'm regretting resigning. Hindi ko siya makita at mayakap.

Ang nakakainis pa ay ang kasama niya araw araw ay ang raf na yon at Jinggoy. Napa praning na ata ako.

I keep on reminding her to focus but it's me who can't focus. Raf's always sending me a picture with that guy. Bakit ba kasi siya pa ang nautusan kong mag check ng mga business namin sa lugar na yon. It should've been me but because of the meetings and some of business stuffs I can't be with her.

Although we talk everyday but it's always a secret. I want to show her to the world. I want flex her but I can't and it's making me crazy because everyday she's becoming more and more beautiful.

Masiyado siyang maganda gusto ko na siyang itali sa tabi ko.

Today I have four meetings again, hindi nag tutugma ang oras namin. Kapag gabi naman ay pagod na siya. Mag uusap kami pero hindi na tumatagal ng ilang oras dahil nakakatulog agad siya. Sa umaga naman ay busy sila ng mga ka klase niya.

"Good morning Isa" Imee greeted me pag pasok niya sa opisina ko.

"What are you doing here?" naiinis na tanong ko

"Woah early in the morning pero mainit na ang ulo mo. Ganyan ba pag walang kiss?" nang aasar na tanong niya

Kiss my ass, I know I can have that once she got home

"C'mon tell me why are you here"

Umupo siya sa harapan ko at may inilapag na folder. "You forgot that we have a meeting today, ako na ang nag kusang pumunta dito para ipaalala sayo" natatawang sabi niya

FVDGE!!

HOW CAN I FORGET THAT!??

"Sorry about that" pinakalma ko ang sarili ko kahit na naiinis parin

"It's okay ganyan talaga pag kinukulang sa kiss" pamimikon niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Umupo kaming dalawa sa sofa at sinimulan ang meeting.

Lumipas ang isang oras ay sa wakas natapos na. We agreed on the rules and financials.

"I have to go Isa I still have another meeting" paalam niya

"Yeah take care" she kiss me on the cheeks bago siya umalis.

Humiga agad ako sa sofa at kinuha ang cellphone ko. I want to call her. I dialed her number and good thing she answered immediately.

"Hi baby" I smiled at her.

She really calms me

"Hi love" she greeted back

I Love You So Much, You'll Know It Where stories live. Discover now