32

1.2K 100 57
                                    


🥀

ALISSANDRA LEAL GO

Isang buwan na kaming walang matinong date at pagkikita. Palagi nalang nauudlot, minsan pa ay nasa opisina nalang kami at doon nag uusap.

Ngayong buwan ay madami dami kaming gagawin sa school, which means mas mababawasan nanaman yung oras ko at oras niya. Kaya pala matagal matapos ang proyektong ginagawa nila ay mayroon pa silang proyekto sa ibang bansa. Balak niyang umalis ng bansa pero umayaw siya kahit na payag naman ako kaya ayon mas nahihirapan siya ngayon.

Ang sabi niya ay ayaw niyang malungkot ako kaya dito nalang daw siya sa pinas. Ayoko ding kasama niya ang lalakeng yon.

"Hey what's wrong?" tanong ni jinggoy

"Wala inaantok lang" walang ganang sagot ko

Inakbayan niya ako sabay titig sa akin.

"Lemme guess si madam iniisip mo no?" nilingon ko siya at inirapan

"Hindi kaya"

Ngumiti siya at tinusok pa ang pisngi ko "Sus..mahal ka non busy lang talaga kasi lumalaki na business nila"

"Pero nawawalan na siya ng oras sa akin" malungkot na sabi ko

"Siyempre gusto ka niyang bigyan ng magandang buhay kaya nag papakahirap siya mag trabaho"

"Alam ko naman yon pero gusto ko din ng bebe time yung pang matagalan sana, hindi yung thirty minutes lang busy nanaman siya" reklamo ko

"You have to understand her buddy, CEO ba naman jowa mo attorney pa"
yeah attorney at CEO samantalang ako estudyante lang.

Estudyanteng pasaway, paano niya ako ipag mamalaki. Kaya siguro hindi niya masabi sabi sa iba na kami na. Ang tagal na namin pero patago parin.

Sa isiping iyon mas nalungkot ako. Kailan kaya niya ako maipag mamalaki?. Kailan niya kaya masasabi sa buong mundo na akin siya?. Kailan niya sasabihin sa iba na kami na?.

"Oh malungkot ka nanaman tigilan mo na ang pag iisip ng kung ano ano" biglang sabi ni jinggoy "Halika lilibre kita tutal wala pa naman siya para sunduin ka" nag pahila ako sa kanya.

Dinala niya ako sa isang magandang restaurant.

"Hi sir any reservations?" tanong ng waitress

"Yeah under Jinggoy Ehstrada please"

Tinignan ng waiter ang listahan niya. Nang makitang may pangalan si jinggoy doon ay hinatid niya kami sa may magandang pwesto.

Ang bilis naman nito makapag pa reserve. Binigyan kami ng tig isang menu.

Steak lang ang kinuha ko at juice samantalang siya ay dessert lang. Masaya ang naging pag uusap namin hanggang sa hindi ko namalayan ang oras.

"O ano nag enjoy ka ba?" tanong ni jinggoy habang pinag bubuksan niya ako ng pintuan.

"Siyempre libre yon mag eenjoy talaga ako"

Tinawanan niya ako bago siya tuluyang pumasok. "San kita ihahatid?" tanong niya

"Malamang sa bahay ko san pa ba?"

"Ah akala ko sa ano" parang nanti trip pa siya a

Minutes of driving ay sa wakas nakarating nadin sa bahay.

"May nag hihintay ata sayo" biglang sabi ni jinggoy

Agad kong niligon ang tinitignan niya at nandoon yung kotse ni maam.

Nakatayo siya sa may gilid ng sasakyan niya halatang kanina pa nag hihintay.

SHIT!!!

Napalingon si ma'am sa sasakyan ni jinggoy. Hinawakan naman ni jinggoy ang kamay ko at ngumiti siya.
"Wag kang kabahan oy" sabi niya at binitawan na ako.

I Love You So Much, You'll Know It Where stories live. Discover now