Chapter 7: Reconciliation

62 6 0
                                    

I was busy scrolling through my phone. Nakatambay ako ngayon sa Twitter. Binabasa ko ang isang article, isa siyang blind item patungkol sa isang sikat na miyembro ng ppop boygroup na nasangkot raw sa gulo sa isang club.

May mga mangilan-ngilan akong nababasa sa comment section na mga pangalan ng iba't ibang personalidad na kabilang sa mga P-pop groups na ikino-comment ng mga netizens. Hindi ko maiwasang kabahan nang mabasa ko sa ilang mga comments ang pangalan ni Kuya Phoenix.

@user1: I think it's Phoenix from LUMINOUS5.

@fangirl123: No! That can't be. Mabait ang aming baby. Never pang nainvolve ang kahit na sinong members ng LUMINOUS5 sa ganiyang klaseng issue. Scratch that!

At mahigit five thousand people ang nag-reply sa comment na iyon. May mga nagdedebate, may mga sumasang-ayon, at may mga nagtatanggol sa pangalan ng kapatid ko, pilit na iginigiit na hindi siya 'yon.

May namuong luha sa mga mata ko. I heard Kuya Lysander mentioned that it's the first time na ma-involve sa gulo si Kuya Phoenix. I couldn't help but to blame myself. Kung hindi sana ako sumama sa club at hindi sana ako nakipagsayaw kay Ian ay hindi sana mangyayari ang gulo na 'yon. Now Kuya Phoenix is getting into trouble.

I heard a knock on my room's door. "Willow, anak, papasok ako." malumanay na sabi ni mama mula sa labas ng kwarto ko. Nakauwi na sila ni Mr. Tanaka galing Italy. Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa aking unan at mabilis na pinunasan ang luhang namuo sa mga mata ko.

"Ma," agad akong yumakap sa kaniya pagkaupo niya sa gilid ng kama ko. She gently caressed my back. Hindi ko na napigilan pa. My lips quivered at ang luhang kanina kong sinusubukang pigilan ay sunod-sunod na kumawala sa mga mata ko. "Sorry po. Dahil sa akin napaaway ang mga kapatid ko," humihikbi kong sabi.

"It's okay, anak. Wala kang kasalanan. Naging overprotective lang ang mga kapatid mo. Sinabi na sa akin nila Phoenix at Kai ang nangyari. Lysander was still mad, pero dahil yun sa pag-aalala sa iyo," kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Mama faced me and gently wiped the tears streaming down my cheeks. "Your brothers love you so much, anak, kahit di ka pa nila kadugo. I know this is new to you. May mga naghihigpit na sa'yo, may mga nagbabawal, at may mga nagbabantay na sa bawat gagawin mo. Just remember na ginagawa lang nila iyon dahil mahal ka nila."

Mas lalo akong naiyak sa sinabing iyon ni mama. Tama siya, hindi ako sanay. Naging maluwag sa akin si mama kaya hinahayaan niya lang akong gawin ang kahit anong gusto ko pero kahit ganun, nanatili akong responsableng anak. Hindi ko inabuso ang kalayaang ibinigay niya sa akin noon.

"Ma, Kuya Lysander is disappointed in me," para akong batang nagsusumbong.

Maghapon akong hindi kinibo ni Kuya. Bagaman saglit na panahon palang kaming nagkakasama, nasasaktan parin ako na hindi na siya yung Kuya Lysander na strikto pero malambing at palaging concerned sa akin. He's giving me the cold shoulder.

"It's normal for him to feel that. Hindi man niya direktang sinabi, alam kong sobrang nag-alala sa'yo ang Kuya mo. Just make it up to him, alam kong hindi ka niya matitiis. Lysander is just like his dad, kaya alam kong kaunting lambing lang ay kakausapin ka ulit non," she reassured me. Sunod-sunod akong tumango. God, sobra kong namiss si mama. Isang buwan ko siyang hindi nakasama.

"Ma, dito ka magsleep sa tabi ko. I missed you." I requested at muli siyang niyakap nang mahigpit. I heard her chuckled.

Ilang araw na ang nakalipas magmula nong nangyaring gulo sa club. Humupa na ang issue sa internet. Luckily, hindi naman kumalat at hindi namantsahan ang pangalan ni Kuya Phoenix. Kai apologized to me. At naiintindihan ko naman kung bakit niya nagawa yun. Tama si mama, mahal na ako ng mga stepbrothers ko bilang tunay nilang kapatid. At ipinagpapasalamat ko iyon.

BROTHERS IN LUVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon