Prelim's finally over. Naipasa ko naman ang lahat ng subjects ko. Examination's over, at ngayon, isang major event naman ang paghahandaan naming mga estudyante sa university-ang Intramurals.
"I heard hindi raw makakalaro ang mga varsities sa sports kung saan sila varsity, but they can play in other sports where they are not varsity," saad ni Kiisha habang nakatutok sa harap ng kaniyang cellphone at busy sa pagtatype doon.
"Yes, it's the norm here. Kaya mag-eenjoy lang tayo sa pag-visit sa mga booths ng various organizations. I'm looking forward to the marriage booth," ani Caithlyn habang hinahalo ang kaniyang spaghetti.
"Marriage Booth? Bakit? Gusto mo bang ikasal? Kanino?" natatawang tanong ni Kiish.
"Sira! Excited ako makita kung paano magsitakasan sina Kai at Phoenix, if ever makaka-attend siya. Sayang nga si Kuya Ly, he's the SP President kaya isang beses lang siya pwedeng ikasal due to his busy schedule," ismid ni Caithlyn sabay nguso, her lips curling into a playful pout.
Bigla kong naimagine ang senaryo na iyon, na ikinakasal ang mga stepbrothers ako. I almost laughed, envisioning Kai and Kuya Phoenix frantically dodging the 'wedding' chasers.
"Diba ikinasal kayo ni Kai last year, on your Senior High Days?" lingon ni Caith kay Kiisha. Napansin ko ang pasimpleng pamumula ng pisngi niya at unti-unti siyang naging balisa dahil nawala na ang atensiyon niya sa kaniyang cellphone.
May mga namuong konklusyon sa isipan ko matapos makita ang naging reaksyon ni Kiisha, but I will not assume things early, lalo na at wala naman akong patunay na totoo itong kutob ko. But I can't help but smile. Kiisha and Kai together? They'd undoubtedly be a perfect match.
"Ewan ko ba kung sino ang may pakana nun! Grrr, h-huwag mo na ngang ipaalala 'yon. N-nakakahiya!"
Sumubo ng spaghetti niya si Caithlyn bago tumingin sa kisame habang winawagayway sa ere ang kaniyang tinidor. "Anong nakakahiya? Nadapa ka lang naman in the middle of your walk in front of many-" hindi na naituloy ni Caithlyn nang biglang takpan ni Kiisha ang bibig nito gamit ang mga kamay.
"Stop it, Caith! Nakakahiya kay Willow!" pulang-pula na si Kiisha ngayon.
Natatawang pinalis ni Caithlyn ang mga kamay ni Kiisha. "Fine. Fine. Eto na, naka-zipper na ang bibig ko," pagsuko ni Caithlyn at itinuloy nalang ang pagkain ng kaniyang spaghetti na malapit nang maubos.
Kiisha pouted at me. I chuckled. Sobrang cute talaga niya lalo na yung mga mata niyang sobrang inosente. "I didn't hear anything," kunyare kong turan. But the truth is, nagets ko ang sinabi ni Caith.
"Kiish," may grupo ng mga babaeng lumapit sa table namin dito sa loob ng cafeteria. Pare-parehas silang magaganda at may well-toned body.
"Hi Willow, Caith, hiramin muna namin itong friend niyo ah," Hara said in a friendly tone. Siya yung babaeng nakausap namin ni Kiisha nung nagregister siya sa cheerdancing club.
We smiled at her as a response.
"Sure! Basta pag ihahagis niyo sa ere itong kaibigan namin, make sure na masasalo niyo siya, ah," biro ni Caithlyn na tinawanan ng lahat.
"Girls, I need to head out first. We'll perform at the opening ceremony of the Intramurals, so we need to practice," sabi ni Kiisha habang nagsisimula na siyang ayusin ang kanyang mga gamit. We waved goodbye as they left the cafeteria.
Sa paglabas ng kanilang grupo ay siyang pagpasok naman ng Student Parliament Officers. I saw Kuya Lysander in the middle and beside him was ate Diana, his secretary, and Kuya Franco, the Vice-President, and the rest officers ay nasa likod.
Mukhang kakatapos lang ng meeting nila kaya sabay-sabay silang magla-lunch dito sa cafeteria or maybe dito nila balak ituloy yung kanilang meeting. Tinitigan ko ang mukha ni Kuya Lysander. Nagsisimula nang mag-appear ang eyebags sa mga mata niya ngunit ni hindi manlang nabawasan ang kaniyang kagwapuhan ng kahit na 0.001%. Katatapos lang ng prelims examination pero naging sobrang busy rin kaagad si Kuya.
BINABASA MO ANG
BROTHERS IN LUV
Novela JuvenilWillow Amethyst Flores has always lived a simple life, despite her extraordinary talent and beauty. She was raised alone by her loving mother, she never knew her father and thought much about the missing piece of her family puzzle. But everything ch...