"Nakakainis naman 'tong araw na 'to, wala na ngang inambag 'yung mga kagrupo ko naulanan pa ako!" Reklamo ko habang pinupunasan ang damit kong nabasa sa ulan.
Kung alam ko lang na ganito ang magiging lagay ko sa bago kong eskwelahan hindi na sana ako lumipat pa.
Itong mga ka-grupo ko pa ata ang hihila sa akin pababa habang sila hinihila ko pataas.
Pinatila ko muna ang ulan kasi baka magkasakit ako at hindi ako makapasok kinabukasan, kahit may payong ako, alam kong hindi kakayanin ng payong ang lakas ng ulan kanina.
"Ma, nakauwi na po ako!" Sigaw ko habang tinatanggal ko ang aking sapatos.
"Naku! magpalit ka na nga ng damit mo baka magkasakit ka niyan" Agad na sabi ni mama ng makita niya akong basa.
Hindi naman ako totally na basang-basa pero basa pa rin kaya kailangan kong maligo para makapagpalit na.
Pagkatapos kong makapagpalit ay dumiretso na ako sa kusina dahil kakain na. Naabutan ko pang nag-aayos ng plato si mama kaya naman tinulungan ko na siyang mag-ayos bago kami magsimulang kumain.
"Anak, may kailangan akong sabihin sa iyo" Sabi ni mama sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Ano iyon, ma?" tanong ko habang patuloy ako sa pagkain dahil nagutom talaga ako 'saka napagod ako kanina
"Kailangan ko kasing lumipat ng ibang lugar ulit, kaso naisipan kong 'wag ka na munang isama sa paglipat ko dahil ikaw lang din ang nahihirapan. Palipat-lipat ka ng eskwelahan anak dahil sa akin, kaya hindi muna kita isasama ngayon. Hayaan mo magpapadala naman ako sa iyo ng panggastos mo araw-araw" Napahinto ako sa pagkain dahil sa sinabi ni mama
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tama nga naman siya, kapag sumama ulit ako sa kaniya sa paglipat niya lilipat na naman ako ng eskwelahan at mahihirapan na naman akong mag-adjust.
"Naiintindihan ko po ma, 'wag niyo na po akong intindihin at malaki na po ako. Tama ka po, ako lang din po ang mahihirapan" Pumayag na ako na hindi muna ako sasama sa paglipat niya.
Sa totoo niyan hindi ko kayang mag-isa pero kinailangan kong sabihin iyon sa kaniya para hindi siya mag-alala sa akin
Pagkatapos namin kumain dumiretso na ako sa kwarto at natulog na
Kinabukasan ay wala na si mama sa inuupahan naming bahay, pero nag-iwan naman siya ng note na mag-iingat daw ako, may nakahanda na rin namang pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay inilagay ko muna sa lababo ang pinagkainan ko at mamaya ko na lang huhugasan dahil mahuhuli na ako sa klase
Pagkadating ko sa classroom ay nahimasmasan ako dahil wala pa pala ang teacher namin.
Pumunta na ako sa upuan ko at nilabas ko ang libro ko dahil magre-review ako kasi may quiz pa kami mamaya sa Electronics
Yes, I'm an STE student, may +1 kaming subject at 5:00pm ang uwian namin, unlike sa ibang section meron kaming Research na subject simula Grade 9. At dahil Grade 10 na ako Research II na ang sa amin.
Speaking of Research... Shocks! naiwan ko yung paper namin sa bahay! ngayon ang checking no'n at patay ako dahil hindi ko nadala
Kung sinuswerte ka nga naman Percelia. Iniwan na nga ng nanay naiwan pa 'yung research paper.
"Huy 'te, kamusta paper natin?" Lumapit sa akin si Marga, kagrupo ko sa Research namin
"Okay naman, kaso naiwan ko sa bahay 'yung paper natin. Nagmamadali kasi ako dahil late na rin ako" Tinigil ko ang pagbabasa at hinarap siya
Bigla siyang napatayo at tiningnan ako ng masama na parang may ginawa akong malaking kasalanan
"Ano?! Naiwan mo?! Paano tayo makakapagpa-check niyan kung naiwan mo?!" Sigaw ni Marga sa akin na pumukaw sa atensyon ng iba naming kaklase
"Hindi ko naman sinadya Marga" nakayuko kong tugon
Hindi ko naman talaga sadya 'yon, hindi ko rin naman ginusto. Saka wala naman siyang inambag doon, kung makasigaw 'to. Si OA
Tinalikuran niya na ako pero 'yung mga tingin ng kaklase ko ay nandoon pa rin
"Hi everyone, every two and every three! I have good news, guys. Wala tayong teacher ng 1st and 2nd subject" Pagkasabi noon ni Pres ay nagsihiyawan sila. Napangiti naman ako ng kaonti
Dahil wala naman ang teacher namin ay napagpasyahan kong lumabas muna at magpahangin dahil hindi ko kinaya ay sigaw ni Marga sa akin kanina
Pumunta ako sa garden ng school, walang masyadong tao ngayon dahil oras ng klase nila. Kami lang siguro ang walang teacher ngayong umaga.
Umupo ako sa may damuhan at sumandal sa malaking puno. Naisipan kong umidlip muna, nag-alarm na rin ako baka matuloy na ang aking idlip sa tulog at hindi makapasok sa 3rd subject namin.
"Long A!"
"Nasa B na 'yung isa!"
"Ingat may camper diyan!"
Malalakas na sigaw ang aking narinig kaya ako nagising sa aking pagkatulog
Nilingon ko ang mga estudyante na naglalaro ng online games. Ang lalakas ng mga boses nila akala mo nasa palengke!
Nilapitan ko sila para bawalin na masyado silang maingay.
"Ah, hi? Can all of you low down your voice? Masyado kasing malakas" Pakiusap ko sa kanila ng nakangiti
"Pasesnya na Miss, sige hihinaan na namin" Sabi ng isa ng hindi ako nililingon, nginitian ko muna sila kahit hindi nila makikita bago ako bumalik sa aking pwesto
Paidlip na sana ako ng may narinig na naman akong sigaw
Talaga naman oh!
Pinuntahan ko sila at nakita ko silang tumatawa. Mukhang nanalo ata sila ah
"Nakiusap ako sa inyo 'di ba? na kung pwedeng hinaan niyo ang mga boses niyo? hindi ba kayo makaintindi?" Mataray kong sabi sa kanila at napahinto sila sa kanilang pagtawa. Tiningnan muna nila ako mula ulo hanggang paa, nalaman siguro nila na isa akong STE dahil sa uniform namin na iba sa mga regular class.
"Pasensya na Miss, mahina na 'yon baka sadyang malakas lang ang pandinig mo" Sabi ng isang lalaki na hindi maayos ang damit niya at wala pa siyang necktie na suot.
Mga cutting class ata 'tong mga 'to e
"If you're thinking na nagcut kami ng class, you are wrong." Maya-maya ay may nagsalita na isang babae sa likod ng mga lalaki, lumihis naman ang mga nakaharang sa kaniya at nakita ko ang isang babae na nakapang boy cut at naglalaro.
Tinigil niya ang paglalaro saka siya tumitig sa akin.
"I think you're a new student here in our school. Because if you're not, you should know that this place is only for my club" Tumayo siya at inayos niya ang kaniyang suot na uniform
Napalunok ako dahil ngayon lang ako nakakita ng isang babae na mas pogi pa sa lalaki!
"Garden 'to ng school kaya wag mong angkinin!" Matapang na sigaw ko sa kaniya
Lumapit siya sa akin at tinitigan ako sa mata. Hindi na ako nakagalaw at para akong nasemento sa kinalalagyan ko ngayon
"Hindi ko 'to inaangkin, sadyang akin na 'tong garden na 'to dahil binili ko 'to" May diin na sabi niya bago niya ako lagpasan
Ang mga lalaking naglalaro kanina ay napayuko saka ako iniwan
Para akong nanghina sa nangyari.
Iba ang kabog ng puso ko simula ng makita ko ang babaeng iyon
Ano kaya ang pangalan niya?
YOU ARE READING
Start The Play (Streamers Series #1)
Storie d'amoreA teenager who hates playing online games because she thinks it's a distraction to her study. Meet Percelia. A girl who loves to study, her goal is to become a valedictorian in their class. But when the time came, she needed to transfer to a school...