BEGINNING

23 5 0
                                    

....

"Shi-shi. Bang!" sigaw ng isang batang babae.

Malakas ang naging tawa nito ng mahanap ang huling nakatago. Nasa loob sila ng gubat at naglalaro ng tago-taguan kasama ang apat pang bata sa kanilang bayan.

"Mabuti nalang at hindi ako naging taya simula kanina" masayang pang aasar ng batang nahuli sa kanyang mga kalaro

"Madaya, napakagaling mo parin magtago" natawa silang lahat sa turan ng batang lalake

"Shi shi" tawag nito sakanya

"Hmm?" nakahiga ito sa damuhan habang hinihingal

"Meron bang meryenda sainyo? Nakakapagod. Ang sarap pa naman magluto ni auntie Felie" saad nito na sinang ayunan naman ng iba nilang kalaro

"Siguradong maghahanda si mama pag nakita kayo" tumatawa niyang sagot at naglakad kasama ang mga kalaro pauwi sakanilang bahay

"Sana ay may mamon ulit" hagikhik ng pinakamaliit sakanila

"Baka naman ang gusto mong sabihin ay sana andyan si kuya Archer, Sabrina" pang aasar ng medyo may kaputian na babae sa kaibigan

Naging rason naman ito upang mag ingay ang anim na bata sa kakatawa. Malapit na sana sila sa tahanan nito ng bigla silang mapahinto sa nakita

Anim na bandido ang nasa loob ng  tahanan nito. Malalaki ang katawan at may mga bitbit na patalim. May katangkaran din kung kaya't masasabi mong mga higante ang mga ito kumpara sa kanila.

"ITAY!" Sigaw niya ng mapansin nya kung sino ang kaharap ng mga lalakeng ito

Lumingon sakanya ang mga bandido. Kusang nagsiatrasan ang kanilang mga paa ng ngumisi sakanila ang mga ito

Kung ikukumpara ang kanilang mga laki sa mga ito ay masasabing kayang kaya silang tirisin nito

"Shivani! huwag ang anak ko!" sigaw ng kaniyang tatay at mabilis na tumakbo papunta sakanilang pwesto.

Isa isang tumulo ang kaniyang luha ng makita ang sugatan at puno ng dugo na katawan ng kaniyang itay. May mga nanonood at nakatingin na mga kapit bahay ngunit walang naglalakas ng loob na tulungan sila. Marahil ay natatakot ang mga ito sa mga bandido.

"itay. Itay" umiiyak na pinasadahan niya ng tingin ang katawan ng kaniyang tatay na nakatalikod sakanila.

"dadalhin din ba natin ang mga bata?" Umugong ang boses ng isa sa buong bahay.

Gumapang ang takot sa buong sistema niya

"Tumakbo na kayo, Anak" akmang susugod ito sa mga bandido ng hilahin ng isa ang leeg niya at sakalin gamit ang malalaki nitong palad.

Umikot ito habang nasa ere parin ang kanuyang tatay  at iniharap ito sa mga kasamahan niyang bandido. Akmang lalapit sya sa mga ito ng bigla niyang matutop ang kaniyang bibig sa sunod na nakita

Itinaas ng isa ang kaniyang mahabang espada at iginuhit ito ng marahas sa likod ng lalakeng nasa ere at sakal sakal ng isa niyang kasamahan. Tumalsik ang sariwang dugo sa maruming kalsada

Binitawan nito ang sugatan na katawan ng lalake at hinayaang bumagsak sa kalsada kung saan tumalsik ang sarili nitong dugo.

Sa kabilang banda, lahat ng nakapanood ay hindi nakagalaw sa kanilang mga pwesto dahil sa nasaksikhan. Akala nila ay dito na ito magtatapos at aalis na ang mga bandidong ito

Ngunit isang tinig ang nagpatigil sa lahat

"I" Napalingon ang lahat sa batang babae na nakatayo sa tabi ng nakahandusay na katawan ng sariling ama

"I shall kill you all" Gumapang ang kaba sa mga nanonood dahil sa mabigat na presensya na bumalot sa buong bayan

At napako ang kanilang mata sa nag mamay ari ng kakaibang presensyang ito

Ang kaninang umiiyak na mga mata ng batang ito ay wala ng bakas ng sakit at paghikbi.  Napalitan ito ng madilim na ekspresyon.

Ang buong katawan nito ay napapalibutan ng itim na  kapangyarihan na gumagapang at kumakalat sa buong paligid.

"Anak" nanghihinang bulong ng lalakeng nakahiga sa maruming kalsada. Pinipilit na abutin ang bunsong anak at pigilan ito sa gustong gawin

Napangisi ito ng makitang  naghihirap at nagmamakaawa ang mga bandido dahil unti unti itong kinakapos ng hininga habang patuloy na kumakalat ang maiitim na bagay sa buong paligid

Ganon na lang ang sigaw ng mga nanonood ng makita ang mga kaibigan ng batang ito na matumba sa sahig at naghihirap sa pag hinga. Ilang minuto lang ay nararamdaman na rin nila ang kanilang pang hihina na tila hinihigop ng itim na bagay ang kanilang mga buhay

Ngunit tila walang naririnig ang bata. Tila wala ito sa sarili

"Anak" kasabay ng tinig ng isang ginang ang pagkawala ng itim na bagay na bumabalot sa buong paligid

Umiiyak nitong niyakap ang batang babae at tila bumalik ito sa sarili

Muli itong umiyak, nilingon nito ang amang nakahiga sa kalsada ngunit malamig na ang katawan nito

Humahagulhol itong lumingon sa kaniyang kapatid ngunit natigilan sya ng iwaksi nito ang kaniyang mga kamay


Nagtataka niyang nilingon ang lahat. Ang kaniyang mga kaibigan. Ngunit hindi pakikiramay ang kanilang nasa mga mata.


Kundi takot. Galit. At pagkasuklam


Gayon nalamang ang sakit ss kaniyang puso ng tumakbo palayo sakanya ang lahat. Nagtatanong ang kaniyang mga matang lumingon sa kaniyang kapatid at inay

Ngunit mas ikinadurog ng puso niya ng sampalin sya ng kaniyang nag iisang kapatid at saka ito naglakad palayo sa kanilang lugar

"Ma?" hikbi nito

"Shh. Wala kang kasalanan"

------

A/N: I didn't know why I wrote this. This is lame, hindi plinano, hindi maayos. I just want to write kung anong nasa isip ko. Again, this is lame

Descendants' LegacyWhere stories live. Discover now