[narration]
“Ser magaala-syete na hahanapin ako ni tita Milen, katakot non,” sabi ko habang nakatingin sa relo ko.
“Uwi na tayo?” tangang tanong ni Arrow habang may hawak pa ring tako. Kumuha ako ng chitchirya tapos diretso subo sa bibig. Ngumuya muna ako sabay lunok ng kinain bago sumagot. Umasim naman ang tingin sa'kin ni boy tako, nga naman napaka-arte neto.
“Alanganaman hintayin na sumugod si tita dito? bobo mo rin,” sagot ko sabay kuha ulit ng chitchirya.
“ 'Yang bibig mo,” problemado niyang sabi sabay iling-iling. Daig niya pa si papa panda sa pagiging problemado sa'kin, tatay lang gano'n?
“Akin na bag ko pati na rin 'yong sa'yo,” utos niya. Agad ko naman binigay bag niya. Ako naging tagabitbit ng bag niya habang siya naman nalaro. Sa totoo lang magaling siyang maglaro kaso madali mairita kapag tinatrashtalk.
Nangangati na 'yong kamay kong maglaro kaso hindi ako makalaro sa susunod na kapag si Arrow na kalaban ko. Sa ngayon tiis-tiis lang sa panonood.
Kinuha ni Arrow 'yong bag namin ng walang kahirap-hirap. Edi siya na malakas, ang sakit na ng balikat ko kanina pa ang bigat ng bag niya pota. 'Yong bag niya nakasukbit na sa dalawa niyang balikat habang 'yong akin hawak-hawak niya.
“ ‘Yong wallet ko kunin mo nasa bulsa lang 'yon,” agad na kuminang ang mata ko. Kaya natitiis ko kaartehan nito kasi galante.
“Oh,” abot ko ng itim niyang wallet. Tinitigan niya 'yon ng ilang segundo bago dumapo sa'kin 'yong tingin niya.
“Ikaw na maghawak ang dami ko nang dala,” nakasimangot niyang sabi sabay walk out. Sinusumpong na naman ng kaartehan.
“Aalis ka na ar?” sigaw no'ng kalaro niya kanina, tumango lang si boy tako habang diridiretso pa rin ang lakad.
“Pasensya na sa kaniya ha? May dalaw 'to ngayon,” paghingi ko ng pasenya tumawa naman 'yong lalaki sabay tango. Patakbo kong hinabol distansya namin ni boy tako.
Nang makaabot kami sa labas saktong may jeep na papunta malapit sa santa clara. Agad kaming sumakay ni Arrow. Hindi naman masyadong puno kaya okay lang. Naka-upo ako sa may dulo ng labasan habang katabi ko si Arrow. Nasa harapan niya 'yong bag namin habang nakatingin sa harapan. Napansin ko ang matangos niyang ilong ta's mahahabang pilik mata, nakaside view eh.
Agad kong nilibang ang sarili sa mga nakasakay. Karamihan mga studyante rin galing sa ibang school ta's 'yong iba mga normal na pasahero. Hingable pa naman ang amoy sa loob. Buti nalang malakas pabango ni boy tako, pwede na.
“Sa may santa clara kami kuya,” paalam ng kasama ko sabay andar ng jeep.
━━━━━━━━━