59

9 2 2
                                    

[narration]

Napasabunot ako ng buhok katapos ko masend 'yong sandamakmak na kadramahan sa gc namin. Siguro ay humalagapak na sa kakatawa si Harvey tas River, ang sarap pag-untugin.

“Ano? Tara?” biglang sulpot ni Eleonore, nakabihis na pero ganoon pa rin babaeng-babae pa ring tingnan. Nakasuot ng beige na dress na medyo hapit kaya kita ang kurba ng katawan niya. Agad akong umiwas ng tingin.

“Napa-arte nito! Akala mo naman first time makakita ng babae na ganito suot!” mahina niyang sinapak braso ko pero hindi pa rin ako makatingin.

Kasi ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon lalo na't kaming dalawa lang dito sa classroom, nasa gymnasium lahat kasi may after party.

“Hindi ka naman basta babae lang,” rason ko sabay kamot ng ulo at naglakad na rin papalayo. Hindi maganda 'to.

“Hoy! Pakyu ka talaga nang-iiwan ka!” rinig kong sigaw niya. Bumagal ako sa paglalakad para maabutan niya ako.

“Kairita ka hoy! Tara na!” sigaw niya habang nauna na sa akin maglakad habang ako naman ay wala sa sariling napahinto. Sakto namang nilingon niya ulit ako.

Nasa hallway kami ngayon at 'yong ilaw galing sa loob ng classroom nagbibigay ng ilaw sa amin dito sa labas. Unti-unti akong hinarap ni Eleonore na may kunot sa noo, sa gilid ng mukha niya tumatama 'yong ilaw galing sa loob. Ngumisi siya habang ako naman ay abot langit ang kabog ng dibdib. Napaawang ang aking labi at napagtantong gusto ko si Eleonore.

Hindi ko lang maintindihan sarili kung bakit naaliw ako sa kaniya, naiinis kapag nang-aasar siya, kinakabahan kapag may nagawa akong mali sa kaniya o nakalimutan kong bilhan siya ng yakult pati sting, natatakot tuwing napapaaway siya at nasusugatan, naiinis sa pagiging madam niya sa'kin pero hindi naman ako nagrereklamo kasi ginusto ko rin naman.

'Yong pustahan sa bilyaran nakalimutan ko na. Parang gusto ko nalang na palagi siyang manalo, kasi sa simula naman natalo na ako nang unti-unti ako nagpakalunod sa kaniya.

“Hoy! Tumutulo laway mo!” asar niya sabay tawa, nakangiti ako ng lihim.

━━━━━━━━━

sa may sta. claraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon