chapter 3 : My Darling Freshie

27 1 1
                                    

Chapter 3 : My darling Freshie

Infairness. Ang gwapo gwapo niya talaga. Kung wala lang si RJ, eh, inlababo na ako dito. Kaso, sunget.

Yung mukha niya, parang half pinoy, half something. Blue ang mga mata, as in deep blue talaga at my gaaaadd. Yung buhok! Susme, brown na brown. Gwapong gwapo!

“H-ha? Naglolokohan ba tayo Miss? Anong Kuya Tapioca?” Gusto kong tumawa sa expression niya. Para bang gusto nang lumayo sa akin. Akala ata mental ako. Excuse me noh? Ang talino ko kaya?!

“Eh, hindi ko alam pangalan mo Kuya. Kaya Kuya Tapioca nalang ang tawag ko.” Ngumiti nalang ako ng nakakaloko.

He looked incredulous for a moment. “ Seryoso? Pwede bang kuya pogi nalang ang itawag mo?”

“Ano ka sinuswerte? Atsaka, hello? Ba’t pogi? Ang hangin ah?!?”

Umiling na lang siya, then he smiled slightly. Juskooo. Nakakasilaw.

Eh, diba, merong crooked smile si Edward Cullen? Patay na patay si Bella nun.

Eh, si Kuya Tapioca naman, may half smile that could have lit up the dark side of the moon. Weird na kung weird, malandi na kung malandi, closeminded na kung closeminded, pero hello? Ang obvious kaya?

Mas malinaw pa sa sikat ng araw na ang gwapo gwapo niya. Hindi naman ako bulag noh! Pero, I have a weird feeling. Para bang may barrier agad. Ewan. Inexplainable.

Ba’t ngayon ko lang siya nakita? At yung pagtatagalog niya, para bang, may accent. Hmm. Exchange student? Weh, pang anime naman nun.

Transferee? Pang anime din yun.

Hmmm.

“Miss? Yung uniform ko.baka magkalimutan pa tayo…” kahit ganun ang sinabi niya, hindi siya parang bored na. I do not know. Ang hirap I explain. Hindi siya nagmamadali.

“Eh Kuya Tapioca, kunin ko muna, jan ka lang.”

Kinuha ko yung uniform sa classroom. Nakita kong pinalilibutan na naman si RJ ng mga babae. Hoi! Akin yan, chupi kayo.

Susugurin ko na nga eh, kaso…

“Oi! Me papables sa labas! Sinong hinihintay nito?!”

“Boyfriend ko yan”

“Sus ang lakas mangarap”

“Ako una nakakita, kaya akin yan”

Ermergerd. Eh?! Hindi bagay si Kuya Tapioca noh! Hinde yan pwedeng ankinin!

“Sorry Kuya ah? Oh, eto nah. Promise, mabango at malinis talaga yan. Ako pa mismo ang naglaba niyan! Napuyat pa nga ako eh…”

“Sa susunod kasi, Miss Tapioca, wag kang maging clumsy. Nadadamay ang mga tao sa katangahan mo.” Full blown ngiti na ang ginawa niya.

Maraming nagtilian at nag gasp sa may likod ko. Hmph! Mga echoserang frog!

Pero yung pagkasabi niya, para bang, sort of endearment? Ni hindi mga nagalit eh. Pero ininsulto pa rin ako. +_+

Oh sige na. siya na ang perpekto.

Wait! Hep hep hep! Anong Miss Tapioca!!???!

“Grabe rin mag loading nang utak mo no? natulala ka for 5 seconds. Ganyan ba talaga ako kagwapo,” tumawa siya, at umalis.

Oh sige na. ako na ang speechless.

Eh ikaw rin naman, anong mararamdaman mo ha? Ikaw kaya ang nasa posisyon ko, matatameme ka talaga ng bongang-bonga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chocolate KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon