"Aziii" Tawag sakin ng kaibigan ko, si Kira. Nilingon ko siya. At nang makita ko na nakangiti na siya ay napangiti din ako. Ewan ko ba't nakakahawa ang kanyang ngiti.
"Oh? Bakit? " Takang tanong ko.
"Wala, tara punta tayo kina Kim! " Aya niya na ang tinutukoy ay ang kaibigan namin na si Kim. Isa sa mga kaklase namin sa paaralan ng Xavier University.
"By the way Azi, I found a guy na sobrang sweet! Gosh, ewan ko kung makakatulog pa ko nito!" Pagku-kwento niya. Sometimes naaawa ako sa kanya eh, every week iba-ibang lalaki ki-ne-kwento niya sakin. Like noong isang linggo yung brusko yung type niya ngayon naman sweet, hindi na ako magdududa kung next week bitter naman ang sa kanya.
Pero minsan naaawa ako diyan eh, all of the boys are thinking that girls like her aren't worth it! Na hindi pwedeng mahalin, na gagawin lang laruan. But she doesn't care about that. Or should I say hindi niya lang sinasabi sakin or samin ang mga pi-noproblema niya. Sinasarili niya lang. But I know that she will tell that to us, sooner or later.
Natigil kami sa pag-uusap nang may mabangga ako, nahulog tuloy lahat ng dala kong books.
Lumuhod ako para kunin yun, pero lumuhod din siya para pulutin din yun. I looked up to him. And I feel like tumigil sa pag-ikot ang mundo. Naramdaman ko ang palad niya, mainit ang naging hatid sakin nun. And when our eyes met, I could feel the amusement in his stares. I could feel my cheeks heating up.
"Sorry miss" Sabi niya na nakapagbalik sa katinuan ko. Wait? Ba't parang hindi naman tumigil ang mundo?
I looked up to his face again. He is too tall for me to reach him, sa height kong 5'7, pakiramdam ko ang pandak ko pa din.
"Are you okay miss? Bakit namumula ka? " Ang tanong niya na nagpainit ng mukha ko, hindi dahil sa hiya, kung hindi dahil sa inis! How dare him embarrassed me in front of everyone? On the hallway? Huh? Who is he again?
"Yes, I'm okay, at kung bakit namumula ako? Dahil yun sa galit! Galit dahil hindi ka patingin-tingin sa daan! Wala ka bang mata? Ha? Pag itong mga libro ko nasira ihahampas ko talaga to sa mukha mo hanggang sa masira na talaga siya!" Masungit kong sigaw at nag-walk out. Gosh nakakahiya yun!
Rinig ko pa ang bulongan ng mga tao. Miski sina Kim napatingin din samin.
"Hey girl! What's with that face? " Pag-uusisa ni Kim. Hindi niya nakita ang nangyari kanina.
"Nakabangga lang naman niya si Kaizer Jace Ledesma" Pagsasalo ni Kira.
"Wait? Omg! Kaizer? Gosh! You're so lucky, girl! " Exaggerated na sigaw ni Kim. Wow? Oa lang?
"Oa mo Kim, anong lucky lucky ang sinasabi mo diyan ha? Ikaw ba mapahiya sa maraming tao plus sa hallway pa at bonus na break time! Lucky ba yun ha? Lucky yun? " Inis kong sabi tsaka padabog na umupo sa upuan. Nandito kami sa may cafeteria sa labas, sa ilalim ng punong mangga.
"Relax ka lang dyan inday Azi! Let me explain this to you! Lots of girls wanted or wished to touch at least Kaizer's shoe! Imagine na hindi lang shoe niya ang na hawakan mo! Even his entire body! Tapos sabi pa nitong si Alicia eh nag-eye-to-eye contact daw kayo! What a lucky girl! " Oa niyang sabi.
"Anong touched? Ha? Ehh nakabanggaan ko nga pa-touched-touched ka pa! Tsaka nakakabad-trip kaya! May kalakasan pa ang sigaw niya" Pambabara ko.
"Ano ba kasi ang sigaw niya? " Kyuryosong usisa naman nitong si Jela.
" 'Are you okay miss! Ba't namumula ka? ' oa diba! " Exaggerated kong gaya.
Napahalakhak naman ang apat na bruha. At ako pa talaga ang nakakatawa?
Inis ko silang tiningnan isa-isa. "And what's funny?" Inis kong tanong.
"Nothing" They answered in chorus. Wow! Todo deny na talaga!
"By the way, anong oorderin niyo?" Singit ni Alicia. "I'll order no need to worry" She smiled at us obviously fake.
"Anything" Tamad na sagot ni Kira.
"Same as Kira" Sagot naman ni Kim.
"Kung ano kay Kim ganon din akin" Sabat din ni Jela.
Nakikita ko na ngayon ang inis sa mukha ni Alicia. Ikaw ba naman, nagmamagandang loob ka na nga oorderan ka pa ng 'anything'.
"Don't tell me anything din ang oorderin mo?" Pambabara naman ni Alicia nung magsasalita na sana ako.
"I'm not a copy cat, that's why I wouldn't order anything! And 'anything' isn't even on the menu" I said, nambabawi kanina dahil sa pang-aasar nila.
They all looked at me, obviously annoyed. I smiled to myself, thinking craziness. I know what to order.
"I want something na may emotional intelligence, na alam kung ano ang magiging impact ng pagpapahiya niya sa isang babae in a public place, especially hallway. And for my drink, I want something na green flag na hindi marunong magpahiya! Yung without ice ha! Para naman kahit papano hindi magiging cold ang relationship namin!" Malakas kong sigaw at pinaparinggan ang lalaking kakadating lang kasama ang kanyang mga tropa, na ang mas nakakamalas naman ay nasa tabi ng table na inuukopa namin ng mga kaibigan ko. No other that Kaizer Jace Ledesma.
Rinig na rinig ko ang mahihinang tawa ng mga bruha kong kaibigan. Obviously inaasar ako. Ako yung nang-asar kanina eh, ba't naaasar na naman ako ngayon? Ang hirap talaga kapag short tempered ka!
"Okay dokey maam! Your order will be served in no time! Walang ganon na lalaki! " Pagsasabay naman ni Alicia. Knowing na kabarkada lang ni mr. Emotional Unintelligent.
Ewan ko ba kung ba't ako naiinis. At kung saan ako naiinis wala lang di ko lang maintindihan ang sarili ko.
~
Dumating na si Alicia, dala ang mga order namin. 3 large burger, 1 fries, 4 coke in can, 1 avocado shake? Kanino naman yan?
"Here's your order ma'am" Ani ni Alicia at isa-isang binigay ang mga snack. Sa kanya ang fries at sa tatlo naman ang burger.
"Asan akin? " Paghahanap ko.
"Ay ma'am sorry po pero unavailable ang ganoong lalaki!" Pagpaparinig niya sa kabilang table. Naramdaman ko naman ang tingin ng mga tao. Lalo na ang nakakamatay na tingin ng mga lalaking nasa malapit sa akin. "Pero ma'am may promo ho kami, one poging daddy! Na matalino't mayaman" Dagdag nito. Nagkatinginan lang ang tatlo at halos hindi masubo ang burger nila dahil todo tawa. Or should I say, mahihinang tawa na ni ang pwet nila ay hindi makakarinig.
"Asan? " Pagsasakay ko, "tsaka magkano? "
"Ayon oh! " Aniya sabay nguso. Sinundan ko ang nguso niya at nakatingin sa lalaking ngi-nuso niya. Si Kaizer, na nakatingin samin at nakangiti.
His Hazel Brown eyes, we're so perfect and enough to melt you down. His long fingers that's enough to cup your face and to run through you.
I stopped scanning him when my friends were shipping us. Gosh! Ano ba ito? Narinig ko pa ang sabay-sabay na pagtikhim nila.
"At ano naman ito?" Tanong ko kay Alicia na kakalapag lang ng shake sa harap ko.
"Avocado shake" Aniya. They all know how I hate avocados. Ewan, basta may past ako niyan. Something na hindi ko na maalala.
"Ba't walang yelo? Tsaka bakit avocado? You know how much I hate avocados! " Ani ko. She laughed a bit.
"Yan lang ang green, tsaka diba sabi mo without ice? Ayan! Pinalagyan ko kay Ate ng lukewarm water para ma-init-init pa" Aniya at saka ngumiti na parang proud na proud siya sa sarili niya. Gosh! Pwede na siya bigyan ng medal. Best in katangahan na may pagkagaga, major in super masunurin, kaya pati hindi mo inutos susundin! Wow! Apaka impressive talaga ng Alicia namin!
______________________________________
~jean :)

YOU ARE READING
Fate Series 1: Unbelievable fate of us
DiversosYazzi Kenna Rodriguez, also known as Azi, a joyful type of girl who loves to be loved and to love. Met Kaizer Jace Ledesma, also known as Kaizer. A guy who got really similar to Azi. Would these two lovely things click to each other? Knowing that b...