After ng outing na iyon hindi na naging magaan ang atmosphere. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang kausapin si William na hindi naiilang dahil sa nangyari nung last. Napansin ko na rin na pinipilit ni Sabel ang maging masaya sa kabila ng nangyari. Pero hindi ko na siya narinig pa na sinisingit sa usapan si William. Dati kasi ay nagiging routine na niya iyon. Ngayon hindi na. Pero nag-aalala ako na baka pati sa akin ay pinipilit nalang niya ang sarili niya. Nag-aalala ako na baka may alam siya kung bakit hindi siya kayang magustuhan ni William.
Ilang linggo na namin siyang hindi nakikita. Dahil iniiwasan namin siya. Hindi man sabihin sa akin ni Sabel pero alam kong umiiwas na siya na mag-krus ang mga landas nila. Alam kong nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. Hindi niya man sinasabi pero halata naman sa kilos niya. Lalong-lalo na sa mga mata niya.
Pero hindi iyon naging hadlang para hindi ko ipaalam sa mga magulang ko ang plano ko na magtrabaho sa gabi. Hindi sila pumayag dahil hindi naman daw kami naghihirap sa pera para maghanap pa ako ng trabaho.
Hindi naman kasi iyon ang gusto ko. Gusto kong magtrabaho para matuto. Na hindi madali ang buhay. Kaya hindi ko sinasabi sa kanila na nagtatrabaho ako ng part-time sa coffee shop ni Fern. Four hours lang naman ang oras ng trabaho ko doon kaya hindi naman gaano kahirap. Isang araw lang ang day-off ko tuwing Sunday.
Nasa bahay ako ngayon. Tapos na akong gawin ang mga projects ko. Sabado naman kasi. Kaya nung natapos na akong gumawa ng projects ay nagbihis na ako ng maisusuot sa trabaho. Simpleng white plain-shirt lang naman tapos naka insert sa high-waist na pants ko, at saka naka white shoes lang din ako.
Siniguro ko naman na hindi ko maaabutan sina mommy o daddy sa ibaba baka kasi hindi ako makaalis.
Pagkalabas ko ng kwarto, nagulat ako nung nagkasalubong kami ni Jm at may dala pa siyang alak. “Oh? Saan ka pupunt---”
“Shhh.” Saway ko sa kanya at tinakpan ang bibig niya. “Don't tell my parents na aalis ako.”
Lumayo ako sa kanya at napabuntong-hininga siya. “Saan ka na naman pupunta? Gabi-gabi na kitang napapansin na umaalis ka ah?”
“Nagtatrabaho ako.” Mahinang sabi ko sa kanya.
“Saan?” Isang boses na naman ang sumingit na halos malagotan ako ng hininga dahil akala ko si daddy iyon pero nagtama ang mga mata namin ni William. “Saan ka nagtatrabaho?”
“Shh! Hinaan mo nga ang boses mo!” Mahinang saway ko sa kanya. “At saka ano namang mapapala mo kung sasabihin ko?!” Hindi niya ako sinagot kaya tinignan ko si Jm. “Kapag hinanap ako nila mommy at daddy, sabihin mo natutulog na ako ah?”
“Saan ka ba nagtatrabaho kasi? Para hindi na ako mag-aalala.”
“Sa isang coffee shop na pagmamay-ari ng kaibigan ko.”
“Anong pangalan?”
“Basta! Bakit pati 'yon kailangan mo pang malaman?!” Inis na sabi ko sa kanya sa mahinang boses.
“Para nga hindi ako mag-aalala.”
Napabuntong-hininga ako. “Coffeeteria ang name.”
“Ay, alam ko 'yon! Sa itaas nga nun ay bar eh! Basta alam ko 'yon!”
“Edi wow. Sige na, aalis na ako. Uuwi ako mamayang...” Napatingin ako sa phone ko. 7pm na. “... mamayang 12am.”
Bumaba na ako ng hagdan at lumabas ng bahay. Binuksan ko na ang pintuan ng kotse ko na nakaparada lang sa harapan ng bahay namin. Akma na sana akong papasok sa loob ng kotse nung nakita ko si William na seryoso ang mukha na nakatingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/373288776-288-k192814.jpg)
YOU ARE READING
Is It Bad That I Don't Cry? (IDBIHES#3)
Historia CortaChimberly Grace Santos is a woman who always considers someone's opinions and always finds a way to stay positive. She's kind to everyone and always thinks maturely in every situation. College came, and everything changed when she met this bad boy w...