CAPITULO 20: I Still Can Make It

12.6K 362 194
                                    

⚠️WARNING: Medyo SPG.

"Kanina pa sila sa loob. Hindi pa lumalabas." sabi ni Taro habang nakatayo malapit sa pinto.

"Nag uusap pa ata.." ngayon si Gian naman sa tabi ko.

Sumandal ako sa sofa sabay buntong hininga. Nandito na kami ngayon sa bahay nila Naomi. Nasa loob si Akira at Nao at kanina pa sila nasa loob mukhang nag uusap pa. And about Justine. Iniwan namin siya doon dahil may pupuntahan pa daw siya. I don't know where he's staying right now.

"Kumain muna kayo...salamat talaga sainyo ah? Naku..hindi ko alam ano ang gagawin pag nawala ang anak ko." si Tita at nilapag ang tinapay at mainit na kape sa lamesa.

"Salamat po, Tita. She's safe po." sagot ko at ngumiti sakanya.

Ngumiti ito sakin at tumingin sa kwarto ni Nao. Bumuntong hininga ito. "Yan bata na 'yan...lumaki mag isa..ang Kuya niyan nagpakita lang sakanya pero hindi na bumalik. Kuya niya tinitingala niya-hays." umiling iling si Tita at tinignan kaming tatlo. "Kaya salamat sainyo kasi may kaibigan siya...huwag niyo pababayaan anak ko ha?" ngumiti siya pero halata ang lungkot sa mukha.

"Tita...tungkol po sa Kuya niya nasaan na po siya?" hindi ko maiwasan hindi mag tanong.

Naomi once told me about him. Na curious ako.

"Hindi namin alam. Hindi ko alam nasaan na si Walter...pero nagpapadala pa naman siya samin ng kapatid niya nga lang hindi niya sinasabi kung nasaan siya at ayaw na umuwi...ay ewan. Naiinis ako sa panganay ko na yan! Hay. Sige na ah. Magluluto pa ako."

Nagpaalam na siya samin at naiwan ulit kami dito. Malakas parin ang ulan sa labas. Kinuha ko ang phone ko para e text si Kinsley. Baka nag aalala na yun. Naabutan kong may mga messages na agad siya sakin.

From: My Mako
Wru? did you find her?

From: My Mako
I'm home na. Any updates? reply naman.

From: My Mako
It's already 10, wru na? I'm waiting for you.

Napasinghap ako at nagtipa ng erereply.

To: My Mako
Uuwi na rin po ako mamaya. Nahanap na namin si Nao🫂

Sent.

To: My Mako
Gusto mo pasalubong?

Baka kasi naiinip na yun o kaya galit na kasi ang tagal ko bumalik kaya dapat may pang lubag loob ako.

Nag reply agad siya.

From: My Mako
You. Ikaw ang gusto kong pasalubong kaya uwi ka na, okay?😡

"Tangina-kinikilig ang gago oh! patingin nga!" mabilis na lumapit sakin si Taro at sisilip sana pero tinago ko na ang phone ko sa bulsa.

"Wala! Wala! Tsk!"

"Tanggal angas ah?! bumabanat ba si Kia? HAHAHAH tingin!!" pagpupumilit ni Taro at kinukuha ang cellphone ko.

"Wala nga!" nakipag-talo ako sakanya.

Natigil kaming dalawa ng bigla bumukas ang pinto. Napatayo agad ako ng makita si Naomi. Siya lang ang lumabas.

"Tulog na si...Akira...uh-"

Mabilis akong naglakad palapit sakanya at hinila siya para yakapin. Bumagsak siya sa dibdib ko. Hindi ko alam bakit gusto ko itong gawin. Pumasok bigla sa isipan ko ang mga sinabi ni Akira kanina. I can't believe Naomi did all of that.

"Pinag alala mo kami! huh?!" sabi ko at hinarap siya. Kita ko ang gulat sa reaction niya. "Bakit ka ba lumabas mag isa? gabi na at alam mo may sakit ka tapos lalabas ka ganitong oras?!" sermon ko pero sa kalmado boses.

I'm Not A Guy (INTERSEX || GXG)Where stories live. Discover now