Andito na ko ngayon sa cr at nababaliw na yata
"Ano na ba nangyayari sa earth? Kahiya yung kanina ah jusko po kala ko naman parang panteleserye na kalalabasan ng buhay ko awit na yan" kinakausap ko na talaga yung sarili ko sa harap ng salamin
Inis na inis akong sumandal sa pinto kailangan ko magpalamig masyadong nakakakulo ng dugo yung kahihiyan na yun
Pinagsusuntok ko pa ang hangin at nagsisigaw pero yung walang sound ha mahirap na masabihang baliw dito kahit na nasa ikalawang palapag ako at nasa kwarto
Ayy btw gaya nga ng sabi ko ini ispoil ako dito nila lola wahahhaha parang apo na kase yung turing nila saken at mula pa nung bata ako e parati na ko dito nakikikain at tulog mala boarder lang
"Kainis ka Shyne ah" duro ko sa sadiki ko sa salamin "Panget mo kabonding tsk yan kung ano ano kase naiisip mong punyawa ka, nakaka frustrate ka" at tumili pa nga talaga
"Andito na po ko!"
Natigilan ako ng may biglang nagsalita sa labas
Hmm? Pero mag isa lang naman ako dito eh
Nasapo ko ang sarili kong bibig "Hala nababaliw na yata talaga ko kung ano ano na naririnig ko"
"Kyle san ka galing?" rinig kong tanong ni Lola Tarsing mula sa baba
"Sa labas lang po may binili lang" sagot ng kung sino
"Hala sino kaya yun?" Boses ng lalaki yun ah kala ko nababaliw na ko hay totoo pala
Naghilamos nalang ako at kinuha yung towel na naka sabit sa may pinto
Oh? may towel na pala dito dati wala ah aba nag level up ah" tatawa tawa pa kong ipinampahid yung towel
Wala naman akong planong magkulong dito sa cr nila kaya pinihit ko na ang doorknob at pagbukas ng pinto may isang pares ng paa akong nakikita sa sahig nakayuko kase ako e kaya yun ang una kong nakita
Sinong engkanto naman kaya ang may ari nito
Tingin sa paa, tuhod, sa may gitna ng kaniyang mga hit—
Napatakiup nalang ako ng mga mata
uwaaaaa may innocent eyes huhu
Deritso sa may tiyan
waaaaw ulam mouth watering view yuuuuuum
Tingin sa dibdib,
Sarap siguro sumandal jan hayyy...
"Yung laway mo tumutulo"
Napagitla naman ako at napaayos ng tayo ng bigla itong nagsalita
Tingin sa leeg at ito na........
Di ako makagalaw sa aking nakita kahit isang salita ayaw palabasin ng bibig ko
Help meeeeeee! Mama ko huhu
"Anong ginagawa mo dito" sabay namin sigaw sa isa't isa
"Sinusundan mo ko no?! Umamin ka!" bintang ko sa kaniya
"Sinusundan? Sinusundan mo mukha mo at sino ka para sundan kita?"
"Hoy engkanto ka bat ka andito at at bakit wala kang damit?"
Napatingin naman siya sa katawan niya at balik saken kaya bigla kong tinakpan ang mata ko
"Ang galing mo naman bago mo takpan nakita mo na wag kana mahiya tingnan mo na" at mas lalo pang ibinalandra ang katawan