This was originally written way back August 2021, inayos ko lang at dinagdagan pero di ko binago to preserve kung ano man ang kabaliwang naiisip ko in the past. Hope you enjoy.
"Maaaaaaaaa!" sigaw ko ng makauwi na ko
"San ang sunog san ang sunog?!" tarantang takbo ni Mama papuntang sala na may dala dala pang planggana ng tubig
"Ma! Anong gagawin mo jan? Inilipat na ba ang lababo sa sala kaya dito ka maghuhugas ng plato?" maang maangan school of acting
"Bwesit na bata ka" agad niyang nilapag ang planggana sa mesa at hinubad ang tsinelas
Aba syempre baka anak ako ng Nanay ko kaya agad na akong kumaripas ng takbo paakyat ng kwarto habang patawa tawa
"Bumaba ka rito anakkangpating na bata ka!" nanggagalaiting sigaw niya sakin
"Suuuuuu, Ma, tumahimik kana jan baka isipin ng mga cctv jan sa labas e kung anong plot na naman ng tsismis, saka di ka naman pating e!" Di naman talaga siya mukhang pating e
Hayst buhay parang layp pagod ako pero ayukong matulog wala naman akong maisip na gawin kaya eto nagpagulong gulong nalang ako sa kama ko
"Shyneeeeee! bumaba ka dito may iuutos ako" biglang sigaw naman ni Mama sa kung saang parte ng bahay namin
Juskoooodai makasigaw tung si Mama parang nasa kabilang kalye ako ah
Kakadating lang may utos na agad
"Shyneeeeee ano ka ba! Magbihis kana jan at may iuutos nga ko sabi e"
"Ano yun!" mama ko naman talaga oo
Wag kayo di uso usapang soft-spoken dito dapat talaga sigawan
Syempre dahil dakilang mabait akong bata at masunurin nagbihis ako at bumaba na
"Kanina pa kita tinatawag ah ano bang pinag gagagawa mo talo mo pa pagong ah" singhal niya sakin ng makitang nakababa na ko
"Ano ba kase yun Ma?"
"Ibili mo ko dun ng toyo"
"Toyo lang walang suka?" yan siya uutos utos di kinokompleto
"Suka na rin"
"Suka lang walang sibuyas?"
"May sibuyas pa tayo dito"
"Sibuyas lang walang bawang?"
"Pwede ba wag mo na kong pilosopohin pa at baka di na kita bigyang pang load" pagbabanta niya sakin
"Ayy basic Ma" mwehehehehe
"Anong basic?"
Tssss si Mama apaka hina
"Malamang kay papa ako hihingi at para lang malaman mo ma ni isang beses di mo pa ko binigyan ng load" habang pinapilantik pilantik pa ang mga kamay
"Sana ipinutok ka nalang sa—"
Di ko na pinatapos ang sasabihin niya naku naman talaga "Hoy, Ma minus points yan sa langit"
Syempre ayun nakakuha ako ng prize hehe isang batok at isang pingot
"Child abuse na yan ma I have the right na i report ka" humahangos hangos pa ko baka maawa siya sakin