"Bitawan niyo ako mga pangit!" Pagpupumiglas ko sa mga nakahawak sakin.
"Tumahimik ka bata!" Sigaw naman nong isang pangit.
Isinakay nila ako sa puting Van dalawa lang ang inutusan ni Ronaldo na patayin ako pero wala parin akong laban dahil sa mas malakas sila kaysa sakin na isang 10 years old lamang.
"San niyo ako dadalhin?!" Pagalit na Tanong ko sakanila. Yung isa ang nag drive at nasa tabi ko naman itong isa na walang buhok, in short Kalbo.
"Itatapon ka namin HAHAHA" tawa noong isa na walang buhok at sumabay pa yung nag dradrive.
Inirapan ko lang sila. Pag ako nakatakas kayo ang itatapon ko!
Kailangan kong makaligtas sa masamang panaginip nato. Kung panaginip lang sana...
Kailangan ako ni mommy, I need to save her from that demon. Hindi ako pwedeng mamatay kahit gusto ko man. My mom needs me.
Wala akong nagawa, pinipigilan ko nalamang ang mga luha ko sa mata. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon mom needs me.
Tumingin na lamang ako sa labas. Ramdam ko ang kirot sa puso ko. Wala na si daddy, pinatay sya sa mismong harap ko. Hindi ko na napigilang umiyak nang palihim. Ang bata bata ko pa para maranas ang lupit nang mundong ito, pano ako mabubuhay? Kung yung mismong nagpapalakas sakin ay wala na. Magiging mahina nalamang ba ako?
Pero hindi... hindi pwede, my mom need my help, I need to save her dahil ayokong pati sya ay mawala.
Kailangan kong mabuhay. Hindi man ngayon, pero ipinapangako kong kukunin ko si mom sa demonyong iyon. At ako ang papatay sa demonyong pangit na iyon. Sa ngayon ay wala pa akong sapat na lakas pero pangako mommy, I will take you, I will save you and kill that 'ugly creature Ronaldo'. Just hold on mom...
Pinunasan ko ang luha ko sa mata. Nag cecellphone iyong kalbo na nasa tabi ko habang yung driver naman ay sumisipol pa habang nagmamaneho. Kailangan ko pang mabuhay! Anong gagawin ko?
"Hoy Baldo! Saan nga pala natin to dadalhin?" Rinig kong nagtanong iyong kalbo. Sumagot naman iyong driver.
"Patayin saka itapon sa dagat, yon ang utos ni Boss" sagot naman nong isa. Bobo ang lalaking ito, tinanong siyang 'saan dadalhin' pero 'patayin at itapon sa dagat' ang sagot niya.
"E saan nga?!" Iritadong tanong ni manong kalbo.
"Sa dagat nga kasi!" Iritadong sagot naman ni 'bobong driver'. Ayan cge, maging bobo kayo, madali lang kayong mapatay niyan!
"E saan bang banda?! Saang dagat?!" Sabi naman ni kalbo. Ginulo pa niya ang ulo niya, akala niya siguro ay may buhok sya. Sasabunutan niya sana ang sarili niya e, pero wala pala syang buhok. Kawawa naman. Kalbo na nga malilimutin pa. Epekto siguro nang pagiging kalbo. Napailing nalang ako.
Nag lipana na nga sa mundo ang mga bobo. Buti naman at ipinanganak akong matalino.
Ang hirap kaya! Nabuhay kang bobo, mamamatay ka pang bobo!
"Basta may alam akong dagat, doon walang katao tao " sagot ni manong driver, na bobo.
Bumuntong hininga naman si manong kalbo. At may kinuha syang bag na nasa tabi niya. Laking gulat ko nang may kinuha sya sa loob nang bag. Isang suklay?
Aanhin niya ang suklay? Nakalimutan niya atang wala syang buhok? Napakunot naman ang noo ko.
Laglag ang panga kong tinignan si Kalbo.
Sinuklay niya ang ulo niya?! Walang buhok iyon! At anong masusuklay niya? Ang kinis nang ulo niya, kung titig nan ay natitiyak kong pati langaw ay madudulas sa sobrang kinis nito.
BINABASA MO ANG
DEMON ALIYAH ( Demon #1 )
RomanceShe's a demon, she can kill you using her hands or using her Katana. Try to mess with her--cuz you will face your 𝐷𝑒𝑎𝑡ℎ. 𝘼𝙡𝙞𝙮𝙖𝙝 𝙃𝙚𝙡𝙡𝙚𝙣𝙖 𝘿𝙚𝙢𝙤𝙣