ℂ6

32 11 0
                                    

"What's happening here?!"

Oh lord! Katapusan naba namin?

Ang Dilim nang presensya ni Hella ngayon at mukang makakapatay na talaga sya nang kaibigan.

Napatigil naman si Riedel at napatingin sa nagsalita.

Sa totoo lang ay ayaw ni Riedel ang nagkakasugat sya. At nagwawala iyan pag hindi nagamot kaagad ang sugat, baka daw kasi magka infection. Napailing nalang ako.

Nagtago naman sa likod ko si Hanzel si Rylan naman ay hindi nakagalaw. Nakatingin lang kami kay Hell, nagaabang sa kong anong gagawin niya. Kung papatayin man kami ngayon ni Hell... ayos lang, Atleast mamamatay akong maganda at sexy ayos na.

"Anong nakain mo at pinagbabasag mo ang mga Vase na yan huh?!!" Galit na sigaw ni Hell habang nakaharap kay Riedel na ngayon ay namumutla na sa sobrang takot.

Napahawak naman si Hanzel sa braso ko sa sobrang gulat, ako naman ay nanatiling tahimik kahit sa loob ko ay natatakot ako sa presensya ni Hella ngayon.

"I'm sorry H-Hell" yun nalamang ang nasabi ni Riedel at lumuhod pa. Napabuntong hininga naman ako.

Takot kami kay Hell... yun ang totoo, she's a truly demon who has existed as a killer in this world. Walang pinipiling tao iyan... pwera nalang sa lolo niya at sa kapatid niyang nasa Korea. Walang takot sa katawan si Hell pagdating kay kamatayan, pero sa lolo niya? Malaki ang takot niya.

Kahit kaibigan kami niyan, kaya parin niya kaming patayin. Kaya takot kami...

"Arhh! Istorbo kayo nang tulog!" Inis na umalis si Aliyah sa harap namin. Nagkatinginan naman kaming tatlo.

Yun lang? Hindi niya ba sasaktan si Delta?

"Pasalamat ka Delta at pagod ako! If not, your dead!"

Napatayo naman ang balahibo ko sa katawan dahil sa lamig nang boses niya. Napahawak nang mahigpit si Hanzel sa braso ko, hindi ako gumalaw sa kinatatayoan ko.

Masamang magalit si Kamatayan...

Nang tuluyan nang makaakyat sa taas si Aliyah ay napaiyak naman si Riedel dahil sa takot niya, dinaluhan naman namin sya.

Nakakatakot ang presensya ni Hella, maramdaman mo lang iyon ay mapapaluhod ka nalang. Buti naman at nakayanan ko ang presensya niya kanina at hindi ako napaluhod.

Iyak lang nang iyak si Riedel. Kung hindi ko lang nasaksihan iyon kanina ay paniguradong magtataka ako kong bakit umiyak itong si Riedel. Ngayon ko lang kasi nakitang umiyak ito dahil hindi mo talaga makikitaan nang kahinaan ang kanitong klaseng babae dahil sa astig at tapang nito... pwera nalang kong magkasugat.

"Shhhh... tahan na Riedel " Hanzel said habang pinapakalma si Delta. Bumibilis kasi ang paghinga ni Riedel at mukang nahihirapan nadin syang huminga.

"Ito ipainom niyo ito sakanya " nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Rylan sa likod ko nakapagay sa bulsa ang isang kamay niya at yung kabila naman ay may hawak na maliit na bote.

DEMON ALIYAH ( Demon #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon