"Malayo pa ba? Masakit na ang paa ko e" reklamo ni Hanzel.
"Shut up! Malapit na!" Iritadong sagot naman ni Rylan.
Kunti nalang talaga mapapatay ko na tong babaeng to sa sobrang arte.
Tahimik lang akong naglalakad habang nakasunod kay Rylan. Sya lang naman ang may alam kong nasaan ang Room namin e.
"We are here" Rylan informed us. Tumingin ako kay Hanzel, at kita ko naman sa mata niya ang saya. Paikaika pa kasi syang maglakad hanggang ngayon dahil sa nangyari kagabi.
"Finally! Makakaupo narin sawakas!" Saad naman ni Hanzel, inirapan ko lang sya. Si Kyrie naman ay tahimik lang sa likod ni Hanzel na parang may inoobserbahan.
Hindi naka bukas ang pinto kaya kumatok muna si Rylan. May nagsalita naman galing sa loob.
"Come in" sabi nang kung sino kaya agad na binuksan ni Rylan ang pinto. Pero hindi pumasok si Rylan kaya nagtaka naman ako.
Laking gulat ko nang biglang may nahulog na pintura galing sa taas nang pinto. Buti nalang at hindi agad pumasok si Rylan, tiyak na mababasa sya non.
Sabay namang napamura ang dalawa sa likod ko. Pero kalmado lang ako at si Rylan, ayokong ipahalatang nagulat ako doon. Pero kung tutuosin ay alam na namin ang mga ganitong bagay, ano pa bang aasahan mo e mga anak nang mga kilalang Mafias, Assassins and drug lords at mga kilalang Businessman ang mga Students dito. Mga Spoiled brat talaga.
Tahimik lang ang mga istudyante sa loob, kami naman ay nanatili lamang nakatayo sa labas habang nakaharap sa nakabukas na pinto.
"What the F?" Rinig kong Saad nang kong sino sa loob. Bakas sa boses niya ang inis at panghihinayang.
"Sayang naman" sabi pa nang isa.
Tss, pinagplanohan talaga nila huh? Buti nalang at magaling makiramdam si Rylan. Napailing nalang ako, first day palang namin dito, ito na agad ang bubungad samin?
"Hindi ata ako makapaghintay na pumatay a" I heard from Hanzel, iritado ang boses niya.
"Dadanak ang dugo nang mga tao dito, pag ako ang binangga nila" Rinig ko naman galing kay Kyrie. Walang halong biro ang pagbigkas nila non, kaya masasabi kong totohanin talaga nila ito. Kahit ako din naman e.
But I still control myself, baka mas malala pa ang magawa ko at ipasunog ko pa tong buong University nang maramdaman naman nila ang tunay na impyerno.
"Ano pang ginagawa niyo dyan mga ija?" Sabay naman kaming napalingong apat nang biglang may nagsalita. Tingin ko ay sya ang professor namin.
"Yung mga Spoiled brat Students nyo, nagkalat" Sarkastikong saad ni Rylan. Napasinghap naman ang mga istudyante sa loob, napakunot naman ang noo nang Professor.
Lumapit sya nang kunti at tinignan ang loob nang room, nang makita niya ang pintora sa bandang pinto ay agad syang napabuntong hininga at napailing.
"Ito na ngabang sinasabi ko" Sabi ni Prof at tumingin nang masama sa mga Students sya. Walang paki ang mga Students niya kahit titigan pa niya ito nang masama.
"Class! if you have a new Classmate, please do respect them! Be mature! Hindi na kayo mga bata!" Sigaw nang Professor. Napairap nalang ako, tingin niya pakikinggan sya nang mga istudyante ito?
Bored lang na nakatingin kay Prof ang mga Students.
Tumingin samin si Prof.
"Pumasok kayo at magpakilala " sabi nang Prof kaya hindi narin kami nagdalawang isip na pumasok.
Unang nagpakilala ay si Rylan.
"Hi, I'm Casper Avalon " pakilala ni Rylan. Agad namang nagbulungan ang mga lalaki at babae.
BINABASA MO ANG
DEMON ALIYAH ( Demon #1 )
RomanceShe's a demon, she can kill you using her hands or using her Katana. Try to mess with her--cuz you will face your 𝐷𝑒𝑎𝑡ℎ. 𝘼𝙡𝙞𝙮𝙖𝙝 𝙃𝙚𝙡𝙡𝙚𝙣𝙖 𝘿𝙚𝙢𝙤𝙣