PART 2
Nilakad na lang namin ang pagpunta sa Lola ko.
Sa kasamaang palad,
pagdating namin doon ay umuwi na raw ang mama ko.
Nakakainis talaga,
matagal ko pang makakasama ang lalaking toh.
Syempre,
lakad ulit kami pauwi.
Walang imikan.
Walang nagsasalita,
hanggang naisipan kong magtanong.
"Bakit ba lagi mo 'kong inaasar?"
"Ang sarap mo kasing asarin eh! Hahahah."
"Hmp! Nakakainis ka naman.
Ganyan ba talaga ugali mo,
o baka naman sa akin ka lang ganyan?"
"Hahaha! Paspecial ka, gusto mo ikaw lang?"
"Ano nga?"
"Hindi, gan'to din ako sa kapatid ko."
"Ah, ok."
"Bakit mo natanong?
Siguro may gusto ka sakin noh? Hahaha!"
"Tse! Assuming ka din eh!"
"Sayo lang naman ako nag-aassume."
"na?"
"nag-aassume na
talaban ng pang-aasar ko. Hahahaha!"
"Bwisit ka!"
"Hahaha! Kala mo kung ano? Ikaw pala assuming eh!"
Oo,
nagaassume ako na mamahalin mo din ako.
Yan ang sabi ng isip ko.
Hindi kasi magawang bigkasin ng bibig ko.
Hapon na nung makarating ako sa amin.
Hindi pa talaga ako hinatid.
Iniabot niya ang ipinabibigay raw ng mama niya at dirediretso sa bahay nila.
Tsk!
Edi sana hinintay na lang namin mama ko di 'ba.
Gusto lang siguro niya 'ko makasama.
Hay nako Chanel,
wag assuming!! Hahaha.
Kinabukasan,
nagbilin ang mama ko na ako na raw ang sumundo sa kapatid ko mula sa summer class nito.
Makakatanggi ba 'ko.
Bago magsundo ay dumaan muna ako sa pisonet para magonline.
Matagal ko na ring di nabubuksan ang FB ko.
Pag-open ko,
meron akong friend request at message.
Nagulat ako nang makita kong si Denver ang nag-add sa'kin.
Infairness,
ang cute ng profile picture niya,
halatang edited. Hahaha.
Inopen ko na din ang message na galing din sa kanya.
Hi miss
sungit. Hahahah!
Tsk,
hanggang dito ba naman nang-aasar pa din siya hahaha.
Inopen ko yung profile niya.
In a relationship siya?
Arghh..
Eh bat ba 'ko naiinis?
Nag-out na lang ako.
Pagdating ko sa school ng kapatid ko,
si Denver na naman ang nakita ko.
Siya na lang ba tao sa mundo at siya na lang lagi nakikita ko.
Kasama niya kapatid ko.
"Chazz lika na."
Tawag ko sa kapatid ko.
Paglapit ng kapatid ko,
inirapan ko si Denver.
"Bat mo kasama yung lalaking yun? Diba sinabihan ka na ni Mama na wag ka sasama sa hindi mo kilala."
"Si Kuya Denver yun ate. Kakausapin ko ba siya kung hindi ko siya kilala?"
Oo nga nuh?
"Aba, at sumasagot ka pang bata ka."
"Pag hindi sumasagot nagagalit. Pag sumasagot nagagalit pa rin. Haayy, ewan ko sayo ate."
At ayun,
walk-out ang drama ng kapatid ko.
Habang naglalakad,
hawak ko ang phone ko nang biglang may magtakip ng mata ko.
Di pa nasiyahan,
pati ilong ko tinakpan!
"Bwisit, ang baho ng kamay mo! Sino ba 'to?!"
Sabay tanggal ko sa kamay na halos ipagdiinan na niya sa mukha ko.
Paglingon ko,
si Denver ang nakita ko.
Wala na bang ibang tao sa mundo at siya lang talaga ang laging nakikita ko?
"Alam mo bwisit ka talaga!
Argggghhh! Nakakabwisit ka!
Hindi ka na nakakatuwa alam mo ba yun?"
Ayun, tinawanan pa ako ng loko-loko.
"Pwede ba tigilan mo na ang pang-aasar sa'kin. Hindi na 'ko natutuwa sa'yo!"
"Pero ako tuwang tuwa pa sa pang-aasar ko sa'yo. Hahaha!"
Sabay takbo.
"Bwisit talaga yun, hmp!"
Inayos ko ang buhok kong nagulo.
Nakita ko ang kapatid ko na nakangiti habang nakatingin sa akin.
"Oh ikaw, anong tinitingin-tingin mo?"
Tinawanan lang niya ako.
Pag-uwi namin ng bahay,
hinanap ko ang diary ko.
Arghhh! Asan na yun?
Nilagay ko lang yun dito eh.
San na naman kaya napunta yun?
"Ma, nakita mo ba yung notebook ko dito?
Yung kulay pink na may hello kitty?"
"Hindi anak, wala akong ginagalaw diyan."
Kainis talaga.
Asan na yun?
Pagpunta ko sa sala,
nakita ko ang kapatid ko na pinipigil ang tawa.
Tsk,
may ginawa nanaman atang kalokohan to.
Kainis talaga.
Lumabas ako ng bahay para mabawasan ang inis ko.
Alam ko namang hindi aamin yung kapatid ko kahit pilitin ko.
Lalabas na ako ng gate namin ng biglang
"Hoy, ano yang hawak mo? Akin yan ah!"
Si Denver,
binabasa ang diary ko!