Isang umaga,
inutusan ako ni Mama maghatid ng pansit sa kapitbahay.
Hindi ko inaasahan na sa pagkatok ko ng pinto,
daig ko pa ang nastroke nang makita ko si Denver na nakahubad at katatapos lang maligo.
Tanging tuwalya lang ang nakatapis sa pang-ibaba niya.
Natauhan na lang ako ng nagsalita siya at nakita ko ang ngiti niyang parang nakakaloko.
Napahiya tuloy ako at nakalimutan ko nang ibigay ang pansit na dala ko.
Tinawanan niya pa ako ng pagkalakas-lakas.
Dahil sa pagkapahiya,
tumakbo nalamang ako pauwi sa amin.
Nagulat ang mama ko nang makita niyang hawak ko pa rin ang pansit na pinadala niya.
Pinilit niya akong bumalik sa bahay nila Denver.
Hiyang-hiya pa rin ako nang kumatok ulit ako sa kanilang pintuan.
Sa pagkakataong yon, mama na ni Denver ang nagbukas ng pinto.
Iniabot ko ang pansit at pagkatapos ay nagpasalamat.
Pagdating ko sa bahay,
naalala ko ulit yung itsura niya nung pagbuksan niya ako ng pintuan nila.
Tssss...
Di naman maganda katawan niya eh.
Payatot nga siya.
Eh, bakit ko ba yun inaalala.
Haiiixxxtt! Makatulog na nga lang.
Nagising na lamang ako nang may kumakatok sa pinto namin.
Sa sala pala ako nakatulog kaya ako na ang nagbukas ng pinto.
Pagbukas ko ay si Denver ang nakita ko.
Halata ang pagkagulat sa kanyang mukha nang makita niya ako
ngunit agad rin naman siyang nakabawi.
Tinanong niya ako kung nasaan raw ang mama ko.
Sa pagkakaalala ko,
pupunta raw si Mama sa Lola ko.
Hiniling pa niyang samahan ko raw siya sapagkat may mahalaga raw ipinabibigay ang mama niya.
Ayun nga sinamahan ko siya.
Nagpalit muna ako ng damit at pagkatapos ay umuwi na kami.
Nilakad na lang namin ang pagpunta sa Lola ko.
Sa kasamaang palad,
pagdating namin doon ay umuwi na raw ang mama ko.
Nakakainis talaga,
matagal ko pang makakasama ang lalaking toh.
Hi, I'm Chanel, 16 years old.
College na ko sa pasukan :D
pero dahil vacation ngayon, panunuod lang ng T.V. ang libangan ko.
Hindi ako mahilig lumabas ng bahay dahil ayokong makita ang taong kinaiinisan ko..
Si Denver.
Tuwing lalabas ako,
siya ang nakikita ko.
Gwapo siya pero,
eeeerrrrr!!!
I hate him so much!
Napakayabang at presko!
Siya na ata ang pinakaiinisan ko sa lahat ng lalaki.
Pero kahit inis na inis ako sa kanya,
minsan gusto ko parin syang makita,
dahil may lihim akong pagtingin sa kanya.
Pero nakakainis talaga siya,
napakamanhid niya.