PART 3

21 1 0
                                    

PART 3

Lumabas ako ng bahay para mabawasan ang inis ko.

Alam ko namang hindi aamin yung kapatid ko kahit pilitin ko.

Lalabas na ako ng gate namin ng biglang

"Hoy, ano yang hawak mo? Akin yan ah!"

Si Denver,

binabasa ang diary ko!

Hindi niya 'ko pinansin.

"Hoy akin yan!"

sabay agaw ko sa diary ko.

"Edi sayo na!"

at binitawan na niya ang diary ko.

"Bakit mo ba kasi binabasa toh?"

"Eh yung kapatid mo kasi,

sabi basahin ko."

"Eh akin to eh."

"Edi sayo na, inaangkin ko ba?"

"Nakakainis ka talaga!"

Siraulo talaga to, tinawanan pa ako.

"Alam mo naniniwala ako sa the more you hate, the more you love."

"Pake ko?"

"Ang cute mo talaga pag nagagalit ka. Tignan mo tumutulis pa yang nguso mo. Hahaha!"

"Pede ba tama na."

"kaya mahal na mahal kita eh."

Huh? Totoo ba yun narinig ko? Ang bilis naman ata. Mahal agad?

"oh ano speechless ka na dyan."

"di ko kasi alam noon kung pano mo ko mapapansin eh."

"di ko alam pano ko makikipagkaibigan sayo lalo na ang sungit sungit mo."

"e naisip ko pag inasar kita

papansinin mo na ko."

"Nakakainis ka talaga!"

"Oh, bakit? Gusto mo ligawan pa kita?"

"Magpapahard to get ka pa e alam ko na."

"Ewan, bwisit ka."

"Bwisit na kung bwisit. Sanay na ko sinasabihan mo ko niyan."

"Feeling ko nga ang sinasabi mo

bwisit ka, mahal kita."

"Assuming ka talaga."

"Oo dati pa.

Nag-aassume lang naman ako na mamahalin mo din ako."

My gosh! Sinabi na niya!

"Ano, wala ka pa rin bang sasabihin?"

Naalala ko yung status niya sa fb niya.

"Di'ba naka-in a relationship ka? Sa FB?"

"Ayie, tinitignan mo profile ko? Siguro tinititigan mo  picture ko dun no."

"Tse, asa ka pa."

"Haha. Gusto mo ba talaga malaman?"

Di ko siya sinagot.

"Matagal na kami ng girlfriend ko."

Napatingin ako sa kanya.

"Hindi pa nga lang niya alam na girlfriend ko na siya. Hahaha."

"Baliw, di mo pa ata niligawan e."

"Baka kasi di mo ko sagutin e."

wooohhhh!! (blush!)

"Edi subukan mo ng malaman mo."

Sabay takbo ko pauwi samin.

Diretso ako sa kwarto ko.

"Grabe, this is it! Eto na talaga! :D"

Sabay akap ko sa unan ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I HATE YOU (I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon