HTGYCT#101: ADVISE FOR NIKKYNICNACS

360 6 5
                                    

Problem:

"Ate may tanong ako ganito kasi yun may crush ako na kaibigan ng friends ko pero yung crush ko hindi ko kaibigan parang nakakasama ko lang siya dahil sa friends niya. Tas gwapo pa siya edi andami kong kaagaw na mas maganda sakin. Tas triny ko yung titignan ko siya tas nakikita ko nakatingin siya sakin tipong may kausap siya tumatawa siya ng nakatingin sakin tas kinakausap niya yung friend niya ayun. Strangers kami na kilala ang isat isa. Ano gagawin ko?"

***

Hi there :) [Ayoko na maglagay ng intoduction, kapagod magtype hahahaha]

Te, wag mong problemahin yan. Kapag ba may tao kang hindi kilala tapos gusto mo makilala, anong gagawin mo? Diba dapat mo sya kilalanin? If you think na strangers pa talaga kayo sa isa't-isa, kilalanin mo muna ng mas maigi.

Bakit ka nga ba nagkacrush sa kanya? Kasi gwapo sya? Pasok sya as ideal man mo? Eh ano ngayon kung pasok nga sya sa taste mo pero hindi mo naman alam kung anong klaseng tao sya?

Tip#1: KNOW HIM BETTER!

Know him better in a way na may interaction na nagaganap sa inyong dalawa. Meaning, mag-usap kayo, like a friendly convo. Mas maganda kasi yung nagsisimula kayo sa pagiging kaibigan. Put some limit to yourself nga lang. Wag kang masyadong pahalata about sa feelings mo para sa kanya, minus yun sa crush mo.

At isa pa, mas maganda kapag may alam ka tungkol sa kanya tapos sa kanya mo mismo nalaman yun. Wag kang mag-ala stalker. Eeeh! Magmumukha kang cheap sa paningin nya. And by that, edi hindi na kayo stranger sa isa't isa.

Well, alam ko naman na hindi madali yung sinasabi ko. Pwede naman kayo magcommunicate through text o kaya through social sites. Pero te,

Tip#2: wag na wag kang mag-initiate ng first move. Wag na wag kang magha-HI sa text o sa FB.
Bakit? Kasi para sakin, uso pa rin yung pakipot ngayon. Babae ka, ikaw dapat yung hinahabol, hindi yung ikaw ang maghahabol. Para sakin kasi, ang pangit tignan if ikaw yung gagawa ng first move. Mas masarap kasi sa feeling na sya na ying magha-HI sayo. Diba? Correct me if I'm wrong.

Pero kapag sa personal na, okay lang na magha-Hi ka sa kanya, at least hindi ka nagmumukhang snober. Ito nga yung ibig kong sabihin sa PUT SOME LIMITS! Timbang-timbangin mo yung sitwasyon. Isipin mo , 'Okay kaya kung kakausapin ko sya? Ano kaya yung reaksyon nya? Kakausapin rin nya kaya ako?' mga ganun.

.

At kung may marami ka mang kaagaw sa kanya na sa tingin mo mas maganda kaysa sayo, wag kang mag-alala. Hindi lahat nakukuha sa beauty, minsan may kasamang magandang attitude yan. It doesn't mean na magpapakabait ka whenever he's around, but be true to yourself. Act like who you really are.

Tip#3: DON'T PRETEND TO BE SOMEONE YOU'RE NOT!

PS. I'm glad na ginawa mo yung isa kong tip, that's a good reaction from him. If he responded to your gaze (choss! Gaze talaga hahaha) ibig sabihin, nag-exist ka sa mundo nya. What I mean is, may chance ka kasi napapansin ka na nya.

PPS. Advice lang naman 'to Niks XD (feeling close ako hahahaha) It's up to you if you'll follow my advise or not, but thank you kasi pinagkatiwalaan mo pa rin ako na mabigyan kita ng kunti tips. Charoot! Hahahaha

PPPS. Please balitaan mo ko kung may progress man sa inyo ng crush mo hahaha. Ge, Thank you be :)

-Bern ♥

HOW TO GET YOUR CRUSH TIPS #101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon