Advise for MssJii

265 3 1
                                    

Problem: @MssJii

"Hello po... May crush po ako. At lahat po ng tips niyo ay tamang-tama ako. Super. Pahalata na nga po siya masyado. Tapos manliligaw daw siya. Buti na nga lang po at di ako feelingera msyado at itatanong ko na sana kung seryoso siya kaya lang...

Jinoke Zone po ako! Pagkatapos niya sabihin na manliligaw siya! Sayang nga po e! Ang sweet kasi nung sabihin niya na wag ko siyang bastedin e. huehue.Pero after that #PedeManligawAkoSayoPeroJokeLangZone.. di na po niya ako masyadong pinapansin. Di na sya naupo sa likod ko. Di niya na ako laging tinatawag at di na niya ako tinitingnan. Parang wala na siyang pake sakin. Pinapansin niya naman po ako kaya lang ijojoke time lang ako. Kesa nung una na para akong reyna e.

Kaso po di ako showy. Parang cool lang po sakin kahit kinikilig na ko ng sobra e o nahuhurt.
Aware naman po ako na gusto niya ata ako? Ewan po. Confident naman po ako sa sarili ko pero di lang ako na asa. Kapag nag-oopen up po siya nagusto niya ako, ichinichange topic ko po o di kaya jinojoke ko. Ang awkward kasi. Buti nga po di niya pa alam na crush ko siya e.

Gigive-up na po ba ako? Ano pong dapat gawin?

**
I know this is so late. Ewan kung ilang months na 'to at ngayon ko pa nagawan ng entry. Sorry talaga sa nagpaadvise. Madami akong free time, oo, pero mas iginugol ko kasi sya sa pagsusulat ng bagong story. Sa nagpaadvise nito, I know baka nakalimutan mo ng nagpaadvise ka pala hahahaha. Sorry talaga.

   Anyways, ito lang ang masasabi ko tungkol sa problema mo— O matatawag mo ba talaga yan na problema. Study first! Ugh! Common advises, yes! Eh, kasi yun naman talaga dapat. You're still a student after all. Students like you should focus in your studies first.

Having a crush or an inspiration ay hindi naman makakasira sa pag-aaral natin. In fact, kaya nga tinawag sila na inspirations natin kasi isa sila sa dahilan kung bakit tayo nagaganahan pumasok araw-araw. Nagiging masama lang ito when you'll already have a commitment to someone. I'm not saying na masama magkaroon ng boyfriend o girlfriend, what I'm trying to say is, nagiging masama sya in a way na puro yung jowa mo nalang ang aatupagin mo. There are tendencies na mas mag f-focus ka sa karelasyon mo than in your studies— jan papasok ang masama.

(Break muna! Minsan naiisip ko habang tinatype ko 'to na ang shunga ko. Ewan, para baliktad yung mga advises ko sa mga tips na binibigay ko. Like I want to help na mapansin sila ng mga crush nila pero yung mga advises ko puro "wag muna ganyan,— wag muna ganito." Parang shunga lang, no? Hahahaha. Anyways, back to business. )

Tip#1: Wag mag-assume.

Bakit nga ba umaasa ang tao? Kasi may paasa. Umasa tayo kasi nagpapakita sila ng motibo. Wala namang masama kung umasa tayo e, pero kasi kapag napasobrahan, nagiging assumera ka na nyan. Hindi naman yan pinagbawal ng mundo, pero hindi rin ipinagbawal na wag kang mag-assume. Bakit? Gaya na lang nang sinabi mong manliligaw sana sya kaso joke lang pala. You see, what if di nya sinabi na joke lang pala yun pero deep inside him, he was just joking, edi ikaw ang talo? Ikaw yung nganga jan? Wag na wag ka magpapadala sa kung gaano nila kaseryoso sinabi yun, o gaano kasweet nya sinabi ang mga salitang yun. Mga ganyang lalaki parang icing lang yan, matamis nga pero nakakasakit sa lalamunan. Kaya wag na wag ka magpapadala sa kasweetan nya kasi baka mabigo ka lang. Gaya nalang sa nangyari sayo after ka nya #JinokeZone, snob ang king ina, diba? Tss! Now, kilalanin ang mga paasa! LOL!

Suggestion lang, kung feeling mo naman na may gusto sya sayo (kasi nga confident ka sa sarili mo,) why don't you talk to him? What if he'll say na gusto ka nya, ask him kung seryoso sya. Don't mind your what if's— what if jinokezone na naman nya ako? O what if pinagtripan lang ako?— mga ganon. Confront him. There are possibilities na masasaktan ka sa isasagot nya pero if mahal mo talaga ang tao, kahit masaktan ka man sa huli, handa ka harapin yun. Love is a risky feeling. Risk for it para malaman mo yung totoo.

But if he'll say na #JokeLangUlit, edi sapakin mo na! O kaya tadyakan mo! King inang joke yan! Tss! —Chos!

Hindi mo kasi malalaman yung totoo kung hindi mo aalamin. Minsan ang mga lalaki, pakipot din yan. Akala mo nireregla kung makapag-inarte! Ang sarap bangasan! Tch! Minsan gusto din nila na tayong mga babae ang mag-initiate ng conversation.

I won't advise you to give up kasi naniniwala ako sa kasabihan na"ang taong hindi lumilingon sa kanyang pinanggalingan ay bulag." Joke lang hahahaha. Seryoso na nga ulit hahaha.

Naniniwala kasi ako sa kasabihan na, "do not do unto others... when your mouth is full." Joke lang ulit hahahaha. Seryoso na talaga, promise! Hahahaha.

(Okay, take two!)

I won't advise you to give up kasi naniniwala ako sa kasabihan na, "kapag mahal mo ang isang tao, hinding-hindi mo sya susukoan."

Mag-aral ka nalang ng mabuti para everybody's happy! Hahahaha.

Gegege, bye. :)

—Bern.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOW TO GET YOUR CRUSH TIPS #101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon