I remember it was the sixth of September the first time I met you.
Nanatili akong nakatayo sa gitna ng apat na sulok ng kuwarto sa bagong condo na nilipatan ko. Tinitingnan ang buong lugar. Nagkalat ang iilang mga kahon sa sahig habang nanunuot pa rin ang amoy ng bagong pinturang bahay. Nakaramdam ako ng magkahalong pananabik at lungkot.
Moving to a new city was supposed to be an adventure, a fresh start, but it felt isolating right now. Napabuntong-hininga na la'ng ako.
As I unpacked the last few boxes, my phone buzzed on the table. Wiping the dust off my hands, I picked it up and saw the familiar name on the screen.
'Mama'
Hindi ko naiwasang mapangiti at sinagot ito, "Hello, 'Ma. Kumusta po?" bati ko at sumandal sa table.
"Ayos la'ng naman kami rito. Kumusta ang nalipatan mo? Nakapag-ayos ka na ba ng mga gamit mo?" Nandoon pa rin ang pamilyar na lambing sa boses niya na yumayakap sa akin para sandaling maalis ang lungkot na nararamdaman ko.
"Kalahati pa lang po ang naaayos ko, bumalik pa po kasi ako sa kabila para tingnan kung may naiwan pa akong mga gamit," sagot ko at muling napabuntong-hininga. I wish I could have left everything there and start anew.
"Oh, kumusta ka naman, anak?" Si Papa iyon. Siguradong naka-loud speaker ito sa kabilang linya.
Bago pa man din ako makasagot ay nagsalita na si Lola, "Ayos ka lang ba, ijo? Galing dito ang Tita Cecille mo kanina, nagluto pa nga siya ng lumpiang shanghai dahil akala niya e' dito ka na lilipat. . ."
I chuckled softly, trying to ignore their question. "Sinasabi niyo lang po ata 'yan para umuwi ako ngayon ng bahay, 'La, eh," napangiti ako nang marinig ang halakhak nito. Kung magkasama la'ng kami ngayon alam kong kukurutin ako no'n. Lagi ko kasi siyang inaasar.
"Aba, e' malamang at gusto ka namin bumisita rito sa bahay, miss na miss ko na kaya ang paborito kong apo!"
"I'll come by soon, 'La, I promise," I said, trying to keep my voice steady. The truth was, I had moved to put some distance between myself and everything that reminded me of the past few months.
"Nagpakilala ka na ba sa mga kapitbahay mo? May mga kaibigan ka na ba riyan, ha?" Lola's voice was light, but I knew her too well. She was fishing for something, hoping maybe I'd found a new start, something or someone to help me move on.
"Hindi pa po ako lumalabas ng bahay, 'La,"
"Oh, ang mabuti pa tumuloy ka na sa pag-ayos ng gamit mo at nang makapagpahinga ka na rin. Alagaan mo palagi ang sarili, apo, ha? 'Yan din ang lagi kong dasal sa Panginoon, na makayanan mo ang lahat. . ."
I swallowed hard, pushing back the memories that threatened to surface. Ipinikit ko ang mga mata, "Opo, Lola. Salamat po."
We talked a bit more about family and what was happening back home. She told me about her garden, kung gaano na ito ka-lago ngayon at kung ano na lang daw ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko ang mga 'yon. I just let her voice wash over me, a comforting reminder of home and stability in a world that felt anything but stable.
BINABASA MO ANG
Until August
RomanceSeeking a fresh start, Lucas moves into a new condo and unexpectedly finds solace in his neighbor, Augustine. As they grow closer, Lucas begins to heal, but he soon realizes Augustine is quietly bearing her battles before vanishing without a trace. ...