Chapter 12 Tampuhan

116 6 3
                                    

This chapter is dedicated to my wowa na sinusuportahan talaga ang story ko.thanks and lovelots wowa.mwah ~

YANNY'S POV

"Class dismiss!",wika ni Sir at lumabas na ng room namin.

1:30 palang pero dinismiss na kami.May conference daw kasi ang mga teacher kaya uwian na!

"Kambal,Alex,mall muna tayo",yaya sa amin ni Jez habang nag-aayos kami ng gamit namin.

"Sorry.Di ako makakasama ngayon,may praktis kami ng 2pm hanggang 6pm eh",pagpapaumanhin ni Alex.

"Ah sige.Ikaw kambal?Okay lang?",

"U-uh.Y-yeah.Yeah!",pumayag na rin ako kasi wala naman akong gagawin.

"Di ko muna kayo mahahatid sa mall ha,30 minutes na lang eh",wika ulit ni Alex.20 minutes kasi ang byahe mula dito hanggang sa pinakamalapit na mall.

"Ay hindi Alex!Okay lang",sabi ko sakaniya at ngumiti ng pilit.Oo.Pilit lang kasi nakakatampo na siya.Pagkatapos kasi ng foundation week ay naging regular na ang practice nila kasi next month na ang laban nila tapos marami pang baguhan na kailangan pa ng maraming practice gaya niya kaya bihira niya na kaming ihatid sundo.At 2 weeks na ang nakalipas.Hindi na rin siya nagtutor kasi nga late na siya umuwi kaya kami nalang ni Jez ang pumalit sa kaniya at syempre,sa amin na din yung pera.Tapos yung cupcakes bussiness namin,nasimulan na namin last week.Ayos naman,ang madalas mag-order mga schoolmates namin o kaya mga kapitbahay namin.

Pagkaayos namin ng gamit namin ay lumabas na kami ng classroom.Dumiretso na sa gym si Alex at dumaan muna kami ng locker ni Jeziel.Pagkatapos ay lumabas na kami ng school at nagjeep papuntang mall.

Ayiieee.Oo.Nagjejeep na kami ni kambal.Haha.

After 20 minutes,nasa mall na kami ni kambal.Tinext ko na rin sila Kuya at Manang na pupunta kamI ng mall.Wala na naman kasi sila Mom.

"So saan muna tayo kambal?",tanong niya sa akin.

"Kain muna tayo.pizza gusto ko ngayon",yaya ko sa kaniya.Gutom na kasi ako eh.Kaya pumunta kami greenwich at nag-order.

"Pansin mo si Alex this past few weeks kambal?",tanong niya sa akin habang kumakain kami.

"Ha?",

"Lagi na siyang busy sa pagiging varsity.Madalang na lang natin siyang makasama.Nakakatampo na",sabI niya at nagpout pa.

"Pabayaan mo muna.Choice nya yun eh.Malapit na rin ang laban so dapat suportahan na lang natin siya.Okay lang yan",and then I smile.Smile na pilit.

"Sabagay.Sana matapos na ang laban nila para may time na ulit siya sa atin",malungkot niya pa ding sabi.

"Sana nga",sagot ko naman."So saan tayo next?",pag-iiba ko ng topic.

"Tom's world tayo!",yaya niya kaya pagkatapos naming kumain,pumunta na kami ng TW para maglaro.Suki kami ng TW kaya meron kami nung TW card,dun namin iniipon yung tickets namin para pag dumami,mapapapalit namin ng mga malalaking bagay.Ganun.

"Doon tayo kambal",turo ko sakaniya dun sa piso machine.Yung maghuhulog ka ng piso dun tapos dapat mahulog yung piso para makakuha ng tickets.Basta ganun na yun.

After an hour,napagod din kaming maglaro kung san-san ni Jez kaya pinabilang na namin ang tickets at pinalagay sa card namin.

"Shopping tayo kambal",yaya niya sa akin.

"Sige.Tagal na rin naman nating di nagshopping eh",wika ko kaya pumunta kamI ng department store.

Pumili kami ng kung anu-ano ni kambal.Pero in the end,isang white pants,blue blouse and white sandals lang nabili ko.Pati rin si Jez,konti lang ang nabili pero nag-enjoy naman kami.

My Imaginary GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon