Aerwayna's POV
"Ate Dagat, laro po tayo." Ani sa'kin ni Achlys.
"Ako! Ako! Sali din ako!" Segunda Ni Avery.
Nginitian ko silang pareho sabay tango. Achlys and Avery were younger than me, and they love playing so much.
"Sige, tara, doon tayo sa tabing ilog maglaro." Aya ko na nagpalaki ng ngiti nila.
Pagkalabas namin sa bahay ay bumungad sa'min si daddy na kaka-uwi lang kasama si ate Liviana. Sinalubong naman siya ng dalawa kong kapatid habang ako ay nginitian lang sila.
I love my dad, but he doesn't feel the same way with me, and that's okay. Love is stronger than hatred anyway. Umaasa akong mamahalin niya rin ako.
"Where are you going, princesses?" Malambing na tanong sa kanila ni daddy. Sana... Ganyan din siya sa'kin, sana magawa niya rin akong kausapin na puno ng lambing.
Hindi yung...
"AERWAYNA!"
"Líntik naman oh! Ano nanaman bang kalókohan 'to, Aerwayna?!"
"Gumala ka nanaman! Wala ka na talagang nagawang matino!"
I'm just 13, so why?
Why do I have to experience this?We're five, so why?
Why does it always have to be me?If I've done everything I can, then why?
Why can't dad see it?"Ate Dagat, and we, are going to play po." Excited na sabi ni Achlys na nagpaiba ng timpla ng mukha ni daddy, and then suddenly, I felt a fang on my chest.
Bagamat nag iba ang ekspresyon niya ay nagawang ibalik ni daddy ang ngiti sa mukha.
"Ganon ba? O'sige, huwag kayong lalayo masyado, okay?"Sana... Magawa ko ring sumaya habang kausap si Daddy.
Naunang naglakad ang dalawa kaya naiwan ako kay daddy na ngayon ay ang sama ng tingin sa'kin.
"Létse," anas niya sabay pasok sa loob. Tinamaan niya pa ang balikat ko, pero hindi siya huminto sa paglalakad.
Bigla ay nangilid ang luha ko.
Lagi na lang kasing ganito. Lagi na lang iba ang trato niya sa'kin. Pansin ko 'yon pero hindi ako umiimik kasi baka pagod lang talaga si daddy, baka... Mahal niya rin ako.
"Aerwayna," napalingon ako kay ate Liviana ng marinig ang boses niya. Nang magtama ang tingin namin ay napa-iwas agad ako sabay punas ng namumuong luha sa mata ko.
"You don't need to hide it from me, Dagat." Mahinahong ani ate Buwan pero alanganing ngiti lang ang naibigay ko sa kanya.
"Ayos lang naman ako ate... magiging maayos din ako," I said, almost a whisper. Tinignan niya ako ng may pag-aalala bago marahang tumango.
"Ikaw din, Kayanin mo din ate. Kayanin natin." Wika ko sabay ngiti ng matamis na nagpaluha din sa kanya na pinunasan niya agad..
My sister is such a softie, but... She was forced to be tough and independent.
Lima kaming magkakapatid at lahat kami ay babae. Si ate Liviana ang isa sa mga takbuhan ko tuwing masama ang trato sakin ni daddy.
Ilang taon na rin ang nakalipas mula nong sinimulan niya akong saktan ng mental at pisikal, pero naninibago pa rin ako. Siguro dahil hindi naman siya ganito dati.
He used to be sweet and loving; he treats me like a princess back then—not until a guy appeared outside our mansion on my 8th birthday.
I was clueless back then, but I remember how my father's eyes filled with anger and disgust; he was forcing himself not to shed a tear and kept trying not to burst out.
YOU ARE READING
TSL 3: When the Sun Sets
RandomMaria Aerwayna Stonesteel, ang middle child ng pamilyang Stonesteel at kinikilala bilang kahihiyan ng pamilya. In short, she's the blackhole of the family. She, who loves to watch the sunset and always believes that another day that is full of hope...