Chapter 3

24 8 10
                                    

Aerwayna's POV

 
 
Namayani ang katahimikan sa buong dining room. Wala ni isa ang nagsasalita o nagtangkang gumalaw man lang.
 
"W-What marriage?" Pagbasag ko sa katahimikan at kunot noong binalingan ng tingin si Mr. Klein.
 
"You don't know?" Gulat na tanong sakin ni Mr. Klein na inilingan ko naman.
 
"Oh, well, that's unfortunate. Would you mind explaining it, Mr. Stonesteel?" Ngiting ani ni Mr. Klein na tinanguan naman ni daddy.
 
I looked at AteAte Aniva and AteAte Livi, and they both looked worried. Avery and Achlys look unbothered; they look so clueless about what's happening.
 
Mom also looked unbothered, as if she already expected those words from Mr. Klein. So, she knew. She knew, and yet she didn't bother telling me!
 
"Aerwayna," pagtawag ni daddy sakin kaya nilingon ko siya. Wala pa man ay nangigilid na ang luha ko.
 
"Aerwayna, for the sake of our company, we've decided to arrange your marriage with the young master of Klein's family for a partnership deal."
 
"Meaning that I have no choice but to marry him." Ako na ang nagtuloy sa sasabihin ni daddy at tinuro si Lucas na siyang katabi ko lang ng upuan sa bandang kanan.
 
"That's right." Ani ni daddy na ikinabagsak ng balikat ko at siya ring pagtulo ng luha ko.
 
"N-No, no, I don't accept this!" Pagtanggi ko habang umiiling. Patuloy pa rin sa pagagospagagos ang luha ko.
 
"Aerwayna, lower down your voice. Respect your father." Gusto kong matawa nang marinig ang sinabi ni mommy.
 
"R-Respect? Ha, you expect me to respect him after this? You expect me to respect him after he arranges my marriage without consulting me?! Without even asking for permission or opinion?! What the he—!" Napatigil ako ng bigla akong sampalin ni daddy.
 
"Dad!" Sabay na sigaw nila ate Livi at ate Aniva. Narinig ko rin ang mahinang hikbi ng dalawang ko pang kapatid, pero hindi sila pinansin ni daddy.
 
"Never raise your voice at this house, Aerwayna." Seryosong ani ni daddy.
 
"Now, now, settle, down, young lady. Why don't you take a seat first and finish your foods while your dad and I talk?" Wika ni Mr. Klein bago tumayo at ganoon din si Lucas.
 
Hindi na ako sumagot at pinanood lang silang lumabas sa dining room. Wala pang isang minuto ng umalis sila ng bumagsak ang katawan ko sa upuan dahil sa labis panghihina.
 
"Aerwayna! Aerwayna! Are you okay?!" Nag-aalalang lumapit sakin si ate Aniva kasabay si ate Livi.
 
"A-Ate..." Gumaralgal ang boses ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na humagulgol.
 
"Ate, ayoko... ayoko po nito," nagmamakaawa kong sabi habang umiiyak.
 
"S-Shhh, huwag ka nang umiyak, Dagat. Walang may gusto nang nangyari." Pagpapatahan sakin ni ate Aniva habang hinahaplos ang likod ko.
 
"We will convince and talk to dad about this, Dagat. Don't worry, we'll try our best." Desididong ani ni ate Livi.
 
Niyakap nila akong pareho hanggang sa bumitaw si ate Aniva at hinarap ni mommy na tahimik na kumakain na para bang wala lang sa kanya ang nangyayari.
 
"Mom? You knew something about this; why didn't you tell us?" May halong inis na tanong ni ate Aniva. Hinawakan naman siya ni ate Livi at bahagyang umiling para pakalmahin siya.
 
I know ate Aniva, ayaw niyang pinaglilihiman. Ayaw niyang nadedehado kami sa mga magulang namin.
 
"It's not my responsibility to tell you what I know, dear." Ngiting ani ni mommy na ikina amang naming pareho.
 
"Mom! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!" Galit na anas ni ate Aniva.
 
"Keep your tone down, Gevierniva." Kalmadong ani ni mommy at pinunasan ang labi niyang nabahiran ng sauce.
 
Napasinghap naman si ate Aniva at nakaka insultong tumawa.
 
"Ha! I can't believe you right now, mom." Wika niya at padabog na lumakad paalis.
 
"Ate Give, wait!" Pasigaw na saad ni ate Livi at sinundan si ate Aniva.
 
Naiwan ako kasama si mommy at ang dalawa ko pang nakababatang kapatid. Umayos na ako ng upo at pinilit na kumain kahit nawalan na ako ng gana.
 
Ilang minuto kaming tahimik ng magsalita si mommy.
 
"Avery, baby, leave for now. Your ate Dagat and I will talk. Take Achlys with you." Utos ni mommy na sinunod naman ni Avery.
 
Kinuha niya ang kamay ni Achlys at umalis kaya muling namayani ang katahimikan. Wala man nagsasalita samin ay alam ko na kung saan papunta ang pag-uusapan namin.
 
Nang malapit ko nang maubos ang kinakain ko ay nagsalita na si mommy.
 
"Accept the agreement." Gusto kong tumawa ng malakas nang marinig ang sinabi niya. She's not asking nor pleading; she's ordering as if I have no choice but to obey.
 
"I don't want it." Sagot ko habang nasa plato pa rin ang tingin. Ramdam ko ang masama niyang tingin, pero hindi ko 'yon pinansin.
 
"And why?"
 
"I don't need any reason to dislike something. I don't want to get married, that's it." Matapang kong sabi at nilingon siya. Nang magtama ang tingin namin ay ngumisi naman siya nang nakakainsulto.
 
"Who do you think you are to disobey my order?" Biglang sumeryoso ang mukha niya at namukadkad ang magkahalong takot at kaba sa dibdib ko.
 
"I am your daughter." Sagot ko kahit sa loob loob ko ay hinihiling ko na sana ay makaalis na ako.
 
"Well, alright. That's your choice." Ani niya at kasabay non ay ang pagpasok nila daddy kasama ang mga Klein at ang mga kapatid ko.
 
What now?
 
"Hon, they will be staying here for tonight. Prepare our guest room." Bungad ni daddy kay mommy.
 
"Oh, sure, I'll ask the maid to help me with it." Ngiting sagot naman ni mommy sa kanya.
 
"Aakyat na po ako sa kwarto ko," paalam ko nang mapansing wala pa silang balak umalis. Nakita kong ngumiti si Mr. Klein at may ibinulong kay Lucas, pero hindi ko yon pinansin at tuluyang umalis sa dining room.
 
Payapa akong nakarating sa kwarto ko at pagkahiga ko pa lang ay agad ako nakatulog dahil sa labis na pagod.
 
Onti-onti akong nagmulat ng makarinig ng mga boses sa labas mismo ng kwarto ko. Kinusot ko ang kaliwa kong mata bago lingonin ang wall clock sa kwarto ko.
 
Nangunot ang noo ko nang makitang ala una pa lang ng madaling araw.
 
Who the hell is arguing in front of my room?
 
Bagamat antok na antok ay tumayo ako at dahan dahang lumapit sa pinto. Pipihitin ko na sana ang door knob pabukas ng marinig ko ang boses ni ate Aniva.
 
"Dad! Are you really serious about Aerwayna's marriage?!" Inis na anas ni ate Aniva.
 
"Do I look like I'm kidding around?" Malamyang sagot ni daddy sa kanya. "Look, business is business." Dagdag pa nito.
 
"B-Busines—what? Dad, Aerwayna's only thirteen for Pete's sake! How can you do this to her? You're ruining her life!" Boses nama ni ate Livi ang narinig ko.
 
"And she ruined my life." Namayani ang katahimikan ng marinig ang malamig na sagot ni daddy.
 
Kusang nanggilid ang luha ko sa hindi malamang dahilan. Pilit kong inalala ang nangyari 5 years ago nagbabaka sakaling may mahahanap akong sagot pero wala talaga.
 
Wala akong maalalang may ginawa ako para sirain ang buhay niya gaya ng sinabi niya ngayon.
 
"By what, dad?" Binasag ni ate Aniva ang katahimikan. "How did Aerwayna 'ruined' your life? By expecting love from you? By begging for your attention? By pleading for your time? Tell me, dad, because I'm fucking confused right now.".
 
"Watch your words, Gevierniva. You're under our roof." Biglang sumingit si mommy sa usapan.
 
"Does this 'roof' of yours really is a safe place for me? For us? Because I don't think so."
 
Napasinghap ako ng makarinig ng isang malakas na pagsampal. Sunod sunod na tumulo ang luha ko, hindi dahil sa pagiging emosyonal kundi dahil sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nag-aaway sila ngayon sa labas ng kwarto ko.
 
Mom's right, I should have accepted the agreement. I mean, what will I lose, right? I might have a fine life with Lucas if ever, and I'll be free. I'll be away from this... home.
 
But, no matter how guilty I feel, there's something inside me that's telling me not to agree with it.
 
Ang gulo. Ang gulo gulo. Bakit kailangang maging ganito ka-komplikado ang buhay ko? Bakit hindi pwedeng sumaya na lang ako? Ano bang ginawa ko para maging ganito? Ako ba? Ako ba ang mali? Ako ba ang may kasalanan? Hindi ko alam, gulong gulo na ako.
 
Nang marinig ang papalayong yapak nila ate Aniva ay agad akong napaluhod sa sahig habang sunod sunod na tumutulo ang luha ko.
 
Sinandal ko ang likod ko sa pinto sabay yakap sa binti ko at doon humagulgol.
 
Ang bigat bigat ng dibdib ko. Parang nasa balikat ko ang mundo.
 
"That's alright, Aerwayna. Everything will be alright." Pagpapatahan ko sa sarili ko dahil walang ibang gagawa non para sakin kung hindi ako lang.
 
Gustohin ko mang lapitan sila ate Aniva at ate Livi ay hindi ko magawa. They already had their own problems; I don't want to be a burden.
 
In this house, I have no one but myself and myself only. Well, that's alright, I guess. No one's really going to be there for me anyway. Even the strongest can be the weakest one when they are at their lowest.
 
***
 
"You're late, Aerwayna." Nagulat ako ng salubungin ako ng masungit na boses ni Sin sa tinambayan namin kahapon.
 
 
"A-Ahh... I'm sorry?" Wala sa hulog kong sabi at tumawa naman siya.
 
 
"Biro lang, bakit antagal mo naman dumating?" Tanong niya sakin.
 
 
"Bakit? May usapan ba tayo kung anong oras dapat pumunta dito?" Taas kilay kong tanong at nagkunwaring naiinis.
 
 
Natigilan naman siya at parang nasindak na ikinatawa ko naman ng marahan.
 
 
"Biro lang din," ani ko at ngumuso naman siya na ikinangiti ko.
 
 
"Pangit mo magbiro." Pabulong niyang usal na ikinalawak ng ngiti ko.
 
 
"Kanina ka pa dito?" Pag-iiba ko ng usapan bago naupo sa tabi niya. Bali, may malalaking bato dito sa tambayan namin at yung pinakamalaki at malapad ang inuupuan namin ni Sin dahil iyon ang pinaka makinis.
 
 
"Oo, inagahan ko pa naman dumating kasi akala ko maaga ka darating." Parang nanunumbat niyang ani.
 
 
"Edi sa susunod magset ka ng oras, huwag mo nga akong sumbatan!" Suway ko sa kanya. Natigilan naman siya at napatingin sakin.
 
 
"A-Ano?" Naiilang kong tanong dahil isang buong minuto na siyang nakatitig sakin.
 
 
Nang magtama ang tingin namin ay onti-onting sumilay ang ngiti niya.
 
 
"May na-realize lang ako." Aniya na ikina kunot naman ng noo ko.
 
 
"Ano naman 'yon?"
 
 
"Na ang ganda mo. Ang ganda mo, Aerwayna."

Natigilan ako ng marinig ang linyang iyon mula kay Sin. Onti-onti kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin.

"A-Ano ba? Tigilan mo nga ako!" Kunwaring inis kong anas kahit na sa loob loob ko ay nahihiya ako.

"Nahihiya ka ba?" Nanunuksong ani ni Sin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tigilan mo nga ako, Sin, kapag hindi kita matansya ay baka mabato kita ng bato." Pabiro kong banta. Nagkatinginan kami at sabay na natawa.

At sa oras na 'yon, nakalimutan ko ang mga problema ko. Nakalimutan ko ang mga nangyari kahapon, ang mga nangyari kaninang madaling araw. Lahat yon nawala, lahat yon ay nabura. At iyon ay dahil kay Sin.

Dalawang araw pa lang kaming magkakilala ni Sin pero ang gaan gaan na ng pakiramdam ko sa kanya.

Siguro dahil siya ang kauna unahan kong kaibigan.

Sin, if God sent you here to heal me, to heal my inner peace, my open wounds and broken heart, I'll be so grateful.

I might sound selfish but I hope... I hope that we can stay like this. No pain, no problem, just smiling and laughing. Talking and comforting.

I've been hoping to have someone to talk to, someone I can laugh with and I guess God already heard my prayer.

TSL 3: When the Sun SetsWhere stories live. Discover now