Chapter 2

25 10 5
                                    

Aerwayna's POV

 
 
Ilang araw na ang nakalipas simula ng nangyari sa'kin. Mas nakakagalaw na ako ngayon hindi tulad nong isang araw na halos daliri ko na lang sa kamay ang naigagalaw ko dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.
 
 
And as for Avery, ayon, walang maalala kung paano siya nawalan ng malay pero si daddy laging pinipilit na ako ang may kasalanan. Bahala siya.
 
 
"Dagat, saan ka pupunta?" Napalingon ako kay ate Aniva ng marinig ang boses nito.
 
 
"D'yan lang po sa tabing ilog." Sagot ko sabay tingin sa paanan niya at nakitang naka suot siya ng 3 inches heels.
 
 
"Aalis ka po?" Puna ko sa suot niyang heels.
 
 
"Ah, no, I'm just checking this out." Sagot niya at sinipat sipat ang heels niya na tinanguan ko naman.
 
 
"Maganda ba?" Nakangiti niyang tanong sakin. Ngumiti ako pabalik bago dahan dahang tumango.
 
 
"Maganda ate, bagay na bagay sayo." Sinsero kong sagot na ikinalawak ng ngiti niya. Lumapit siya sakin ay niyakap ako.
 
 
"Salamat Dagat, 'wag kang lalayo, ah? Bumalik ka rin kaagad bago pa dumating si daddy." Paalala niya sakin na tinanguan ko naman.
 
 
Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at aalis na sana ako ng may maalala.
 
 
"Ate Aniva, required ba talagang naka heels kapag modeling?" Tanong ko na ikinatingin niya sakin.
 
 
"Maybe, bakit mo natanong?"
 
 
"Wala lang... sabi mo kasi dati you hate wearing heels dahil sumasakit ang paa mo." Napatigil si ate sa sinabi ko at naging pilit ang ngiti niya sa'kin.
 
 
"What do you mean? I'm not into modeling; I just love exploring fashion." Ani niya na tinanguan ko na lang.
 
 
That was a wrong call, Aerwayna.
 
 
"Una na po ako, ate." Paalam ko sabay labas ng bahay at dumiretso sa ilog malapit sa bahay.
 
 
Ang totoo ay naaawa ako saming magkakapatid, bukod kasi sa hindi magandang trato ni daddy at wala rin kaming kalayaan na piliin ang aming kasiyahan.
 
 
Kumbaga pati pangarap namin ay pinapakialaman nila, 'yon nga lang ay sila lang ako apektado don at hindi ako.
 
 
Tumigil na kasi ako sa pag-aaral at ang nais ko lang ay kaginhawaan. Hindi ko man makuha sa aming tahanan, nararamdaman ko naman 'yon tuwing ako'y titingin sa kalangitan.
 
 
Pag dating ko sa ilog ay napangiti ako ng makitang malapit lapit ng lumubog ang araw. Sunset is my favorite scenery here. It's my safe place and my comfort zone.
 
 
Wala naman akong ginagawa dito kung hindi panoorin ang langit at ang ilog. Minsan nanghuhuli din ako ng isda, pero tumigil din noong nalaman ni daddy.
 
 
Most of the time, ay nakatulala lang ako. Wala naman akong iniisip na problema, and that's one of my problems. Pfft, gulo 'di ba?
 
 
Ewan ko ba. Siguro kasi simula pagka bata ay hindi ako masyadong expressive when it comes to my feelings, tapos tuwing may problema ay imbes na solusyonan, kinakalimutan ko na lang.
 
 
Kaya siguro laging mabigat ang dibdib ko kasi may mga problema akong hindi ko alam dahil kinalimutan ko na. Akala ko okay na'ko. Akala ko wala akong mga problema. 
 
 
Tinakasan ko lang pala. 
 
 
Yung hinaing ng puso ko na hindi ko pinapakinggan dahil ayoko, mas gugustohin kong mabigat ang dibdib ko kaysa balikan ang mga problema ko.
 
 
"Hayyy." Napabuga ako ng hangin. Nakakapagod palang mag-isip, nakaka bigat ng dibdib at the same time nakakasakit because of a sudden realization.
 
 
"Hi,"
 
 
"Ayy putakte—aray ko po!"
 
 
Nagulat ako ng may magsalita sa likuran. Sa sobrang pagkabigla ko ay nakalimutan kong hindi pa naghihilom ang ibang sugat at pasa ko, kaya ang ending ay namali ako ng galaw at kumirot ang mga sugat't pasa ko.
 
 
Habang iniinda ko ang sakit ay nakarinig ako ng tumatawa, kaya nilingon ko ang gumawa non at sinamaan ng tingin.
 
 
"Happy mo naman." Sarcastic kong puna. Napatigil naman siya at pasimpleng naubo na ikinatawa ko. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti.
 
 
"Sorry at nagulat ata kita. Ako nga pala si Sin." Pakilala niya sabay lahad ng kamay.
 
 
Umayos muna ako ng upo bago abotin ang kamay niya.
 
 
"Aerwayna, but you can call me Dagat." Ngiti kong sagot.
 
 
"Bakit Dagat?" Curious niyang tanong sabay bitaw sa kamay ko.
 
 
"Aerwayna means ocean." Simple kong sagot sabay balik ng tingin sa ilog.
 
 
"Ocean? E bakit nandito ka sa ilog?" Biro niya at napatawa naman ako ng marahan.
 
 
"I love watching the sun set, and ito lang ang alam kong lugar maganda ang view." Sagot ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa tubig.
 
 
"Bago ka lang ba dito?" Tanong niya ulit.
 
 
Pumulot ako ng maliit na bato sabay itsa sa tubig bago sumagot.
 
 
"Not really, nandito na ako simula ng isilang ako. Sadyang....." Ayaw akong palabasin sa bahay ni daddy. "...hindi lang talaga ako gala."
 
 
"Oh? E bakit ang dami mong sugat?" Natigilan ako sa sunod niyang tanong. Paano—teka nga.
 
 
"Bakit ba tanong ka ng tanong eh hindi naman tayo close?" Kunwaring masungit kong tanong at lumapad ang ngiti niya.
 
 
"Ang lalim kasi ng iniisip mo kanina. Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka lumilingon."
 
 
"Ah, sorry. Lutang lang talaga ako minsan habang hinihintay ang paglubog ng araw kasi wala naman akong ibang ginagawa." Paliwanag ko na tinanguan niya naman.
 
 
Umasta siyang may iniisip at makalipas ang ilang minuto ay tumingin siya sa'kin at ngumiti.
 
 
"Bakit?" Tanong Ko.
 
 
"You love sunsets, di ba?"
 
 
"Hm," tipid kong sagot.
 
 
"May alam akong lugar kung saan makikita mo ng maayos ang paglubog ng araw." Excited niyang sabi. Nakaramdam din ako ng excitement, pero hindi ko 'yon pinahalata.
 
 
"Saan naman? Baka malayo ah. Hindi ako pwede tsaka ilang minuto na lang ay lulubog na ang araw."
 
 
Ngumiti lang ulit siya sabay kuha ng kamay ko at sabay kaming tumayo.
 
 
"Maabutan natin kung tatakbo tayo!" Sabi niya sabay tawa at hinila ako. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo, kasama siya habang hawak niya ang kamay ko at sabay kaming natawa.
 
 
Ilang minuto ang tinakbo namin hanggang sa makarinig ako ng hampas ng alon, tinignan ko kung saan nanggaling 'yon at namilog ang mga mata ko sa nakita.
 
 
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa'kin ni Sin at dahan dahang lumapit ng kaonti sa tubig. Sakto kasi ang dating namin sa paglubog ng araw.
 
 
Ilang beses ko nang nakita ang sunset, pero ito ang pinaka-maganda para sa'kin. Ilang minuto ko, 'yon pinagmasmasdan hanggang sa nahagip ng mata ko si Sin na naka tingin sa'kin habang naka-ngiti.
 
 
"Bakit?" Tanong ko ng magtama ang mga mata namin.
 
 
"I think alam ko na kung bakit Dagat ang pangalan mo." Ngiti niyang ani. Hindi ako nagsalita at hinintay ang sasabihin niya, mukhang napansin niya naman, 'yon kaya nagsalita na ulit siya.
 
 
"Katulad ng mga mata mo ang dagat." Aniya na nagpa kunot ng noo ko. Hindi ko kasi naintindihan.
 
 
"Alam kong talagang mag re-reflect sa mata natin ang nakikita natin pero kakaiba ang iyo. Kung pagmamasdan ng mabuti ang mga mata mo, para na rin akong nakatingin sa dagat, wala man ang tunog ng mga alon pero... makikita ang kagandahan at kapayapaan."
 
 
My heart skipped a beat.
 
 
In my 13 years of existence, no one compliments my blue eyes. People called it weird because it's so rare to have this, but him... He didn't hesitate, complimenting it.
 
 
"Aerwayna, pwede ba tayong... maging magkaibigan?" Walang pagdadalawang isip akong tumango sa tanong niya.
 
 
"Oo naman, masaya akong maging kaibigan ka." Ngiti kong sagot. "Alam mo kung bakit?"
 
 
"Hm?"
 
 
"Because you are going to be my first friend beside my sisters." Tila natigilan siya sa sinabi ko at ang kaninang ngiti ko ay naging pilit.
 
 
"So, wala ka pang nagging kaibigan kahit isa?" Tanong niya at tumango ako.
 
 
"I'm glad I get to be your first friend, Aerwayna. I'll treasure you." Bigla ay nakaramdam ako ng kaginhawaan sa puso ko.
 
 
His words touch my heart, and they bring peace to my mind.
 
 
So this is what it feels like to have a friend.
 
 
Nagkwentuhan pa kami saglit ni Sin bago ako nagpaalam umuwi dahil hindi ako pwedeng abutan ni daddy na wala sa bahay.
 
 
"I need to go home now, Sin. Thank you for... accompanying me." Sinsero kong sabi na ikinangiti niya.
 
 
"Sure, gusto mo bang ihatid na kita?" Ani niya sabay tayo. Iniabot niya sakin ang kamay niya at tinulungang tumayo.
 
 
"Hindi na, kaya mo naman." Pagtanggi ko sa alok niya habang pinapagpagan ang suot kong dress.
 
 
"Sige, mag-ingat ka, ha? Let's talk again tomorrow. See you when I see you, Aerwayna!"
 
 
"See you, Sin."
 
 
Lumakad na ako papalayo at hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. Napakasarap pala sa pakiramdam na may kausap ka. Na may kaibigan ka.
 
 
Dahil sa pag-iisip ko sa nangyaring tagpo namin ni Sin ay hindi ko na napansing nasa tapat na ako ng bahay at nakitang nakatayo sa pinto si ate Liviana.
 
 
Nang makita ang pagdating ko ay tumakbo siya sakin at nag-aalala akong tinignan bago yakapin.
 
 
"Aerwayna! Where have you been?!" Puno ng pag-aalala niya tanong sakin.
 
 
"I just watched the sunset, ate Livi." Sagot ko at bumitaw naman siya sa pagkakayakap sakin.
 
 
"You never come home late like this." Puna niya at nakaramdam naman ako ng hiya.
 
 
Totoo ang sinabi niya, madalas ay pagkalubog ng araw ay uuwi na ako, pero ngayon ay medyo madilim na nang makauwi ako.
 
 
"Dad's already here." Mahinang wika ni ate Livi na nagpatigil sakin.
 
 
"W-What? B-But it's still early for him to be here." Ani ko. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon.
 
 
Hindi malabong saktan ulit ako ni daddy kahit hindi pa masyadong magaling ang sugat at pasa na natamo ko mula sa kanya noon.
 
 
"A-Ate..." Natatakot kong tawag kay ate Livi habang nanggigilid ang mga luha ko.
 
 
Tinignan niya ako ng may pag-aalala bago pilit na ngumiti.
 
 
"Don't worry, I think he won't be able to hurt you." Sabi niya na ikinatigil ko.
 
 
"What? How? You know, dad, ate. Even mom can't stop him sometimes." Nanlulumo kong wika.
 
 
"We have a visitor, and they are planning to stay here tonight." Ani niya at doon lang ako nakahinga ng maluwag.
 
 
"Sino da—?"
 
 
"Aerwayna, Liviana! Pumasok na kayo dito!" Sabay kaming napalingon ni ate Livi nang marinig ang sigaw ni ate Aniva.
 
 
Hinawakan ni ate Livi ang kamay ko at sabay kaming lumakad papasok.
 
 
"You're here and... you're late." Pareho kaming napatigil ni ate Livi ng marinig ang seryosong boses ni daddy.
 
 
"D-Daddy..." Pabulong kong wika dahil sa takot na nararamdaman. Nabaling ang tingin ko sa dalawang taong naka-upo sa sofa at nakatingin sakin.
 
 
Isang matandang lalaki pero kita pa rin ang ka-gwapuhan at isang binatang sa tansya ko ay tatlong taon ang tanda sakin, may hitsura rin siya at tila namana niya 'yon sa matandang katabi niya.
 
 
"Hello there, young lady." Nagulat ako nang tumayo yung matanda at batiin ako. Hindi ko kung ano ang dapat kong gawin kaya ngumiti na lang ako.
 
 
"Luciandro, are you not going to introduce us to this beautiful lady?" Ani ng matanda habang nakatingin kay daddy.
 
 
Nagulat ako ng bigla akong lingonin ni daddy ng may ngiti at kinuha ako mula sa pagkakahawak kay ate Livi.
 
 
Pinaki-usapan ko si ate Livi na 'wag niya akong bitawan sa pamamagitan ng mata ko, pero nagpilit lang siya ng ngiti.
 
 
Hinawakan ni daddy ang kamay ko dahilan para makaramdam ako ng pagka-ilang.
 
 
"Mr. Klein, this is my third daughter, Maria Aerwayna. She's currently thirteen." Ngiting ani niya sa matanda bago balingan ako ng tingin. "Aerwayna, this is Mr. Klein and his grandson, Lucas."
 
 
"Good evening, Mr. and young master Klein. It's a pleasure to meet you tonight." Magalang kong sabi at marahang nagbow.
 
 
If I'm not wrong, Klein is one of the top business tycoons. Is he here for a partnership, maybe?
 
 
"It's a pleasure to meet you too, lady Aerwayna." Ngiting ani niya at nagpilit din ako ng ngiti.
 
 
Aaminin kong naiilang ako. Sa dami ng naging bisita dito sa bahay, ngayon lang may nagkaroon ng interest sakin at ito rin ang unang beses na ipakilala ako ni daddy sa kanila.
 
 
"Ah, here's my grandson, Lucas Klein, the soon-to-be CEO of Klein's enterprise." Excited na pagpapakilala sakin ni Mr. Klein kay Lucas na ikinakunot ng noo ko.
 
 
Oo, hindi na ako nag-aaral pero hindi ako tanga para hindi malaman kung saan papunta ang usapang 'to.
 
 
"H-Hi," nahihiyang bati sakin nung Lucas.
 
 
"Hello," bati ko pabalik at ngumiti ng peke, pero binawi ko agad yon ng diinan ni daddy ang pagkakahawak sa kamay ko.
 
 
"Let's get straight to the point, shall we?" Si daddy na ang nagsalita at doon ako nakaramdam ng matinding kaba.
 
 
Ngumiti si Mr. Klein at magsasalita na sana siya nang marinig namin ang boses ni mommy.
 
 
"Hey, are you guys done? It's time for dinner." Ani ni mommy habang nakadungaw ang ulo sa dining room.
 
 
"How about we eat first and let's talk about our partnership there?" Wika ni Mr. Klein at wala namang ibang nagawa si daddy kung hindi ang pumayag.
 
 
Nang maupo kaming lahat sa dining table ay nanibago ako at alam kong pati mga kapatid ko ay ganon rin ang nararamdaman.
 
Matapos kasi ang 8th birthday ko ay hindi na kami muling nagkasabay sabay sa pagkain sa hapag.
 
 
Halos lahat kaming lima at nangangapa at nakikiramdam ngayon. Tahimik kaming nakain lahat ng biglang magsalita si Mr. Klein na ikinagulat ko ng husto.
 
 
"Since everyone is present right now, let us all talk about Aerwayna and Lucas's marriage."

TSL 3: When the Sun SetsWhere stories live. Discover now