It's for the best...
"Ate Red"
Dali dali kong pinunasan ang naglandas na luha sa mata ko. . "Bakit Karen? May problema ba?"
"Mas maganda kung ako mismo ang magtanung sayo niyan, may problema ba?"
Umiling ako sa tanung niya. . "W-wala! May dapat ba kong problemahin?"
"Sige deny pa! Akala mo hindi ko nakita yang pagpupunas ng luha stunt mo!" Nakorner niya agad ako sa sinabi niya pero nakaisip naman ako ng palusot. "Napuwing lang ako"
Pero sa hilatsa ng muka palang niya, mukhang hindi siya kumbinsido. . "Grabe naman yang nakapuwing sayo! Isang trak ata ng buhangin! Sus ah! Mukang tatalunin pa ang Underground River kakapatak kanina oh! Palusot mo Ate Red! Bugok lang ang maniniwala sayo!" Sakto namang dumating ang kakambal niya at si Rico. . Dadagdagan pa ata nitong dalawa.
"Hoy Karen! Bakit namumula mata ni Ate Red?! Inaway mo noh?!" sigaw ng kambal niya. .
"Wag ka ngang sumigaw?! Pa OA ka din ano?! Napuwing lang si Ate Red" pagkatpos ay tumingin sakin si Karen at pasimpleng nginisian ako. .
"Ganun ba? Kawawa ka naman Ate Red, mukang masakit pa mata mo, kita mo namamaga"
"Dapat binababad mo yang mata mo sa plangganang tubig," banat ni Niña
Hindi ko malaman kung matatawa ba ko maaawa sa kanila. . .habang yung dalawa naguguluhang nakatingin kay Karen na halos mamilipit ngayon sa kakatawa. . "Bakit tumatawa si Karen? Nagjoke ba tayo?" Tanung ni Rico kay Niña. . . Si Niña isang iling lang ang sinagot
"Alam niyo pasado na kayo bilang katriplets ni Humpee Dumpee!" Sabi niya sa gitna ng kanyang pagtawa. . Agad na siniko ko si Karen ng mapansing nangununot na ang noo ng kanyang kakambal
"Pumunta nalang kaya tayo ng library" yaya ko sa kanila.
"Hahahaha....Mabuti pa nga! Ng hindi puro shell lang yung dalawa hahahaha" pinigilan kong hindi matawa sa banat ni Karen, yung dalawa halatasa mukha na wala silang ka ide ideya kung bakit mamilipit tong isa sa kakatawa.. "nakatira ata kapatid mo ah" dinig kong bulong ni Rico kay Niña, . . "Asa..walang budget yan ngayon, grounded"
"Ganun. . . Tara na nga!" nauna ng naglakad si Rico samin, sumabay narin sa kanya si Niña dahil pakiramdam daw niya out of place siya samin..
Ng medyo malayo na ang distansiya nila samin, sumeryoso bigla ang muka ni Karen at humarap sakin . . Kinabahan ako. . Mukang tama nga ang sinabi ni Rico noon, mabilis magpalit ng mood si Karen. .
.
"Karen?"
"Hindi ako kasing slow ng kakambal ko o kasing manhid ni Rico, hindi dahil trip mo lang kaya ka napadpad dito, I know you have deeper reaaons, . ." Nanalamig na parang yelo ang mga palad ko. . . Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko alam kung anu ba ang dapat kong sabihin, nanatili lang kami sa ganing posisyon hanggang sa siya na mismo ang uang bumasag ng katahimikan,tinahak niya ang direksiyon saan tumungo sina Rico. . .
"Don't worry, I'm not doubting for anything, nirerespeto ko ang pananahimik mo, but if you're ready, I'm always here" hindi na siya muling lumingon sakin. .
Tandang tanda ko pa, nung panahong mag isa ako at nangangapa sa lahat ng bagay, oras na pakiramdam ko, wala akong kakampi, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun. .
"Gusto mong sumama samin?"
Ang araw na unti unting natibag ang pader na itinayo ko mismo, para maprotektahan ang sarili ko sa muling sakit...
"Salamat"
Tumigil siya pero hindi niya na ginawang lumingon pa. ..
"Hinihintay na nila tayo"
Nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad. . .