"I'm sorry"
"Please"
"No"
"P-Please"
"Let m...m-me go"
"No!"
"Plea--- "
"REEEEEEEDDDD!"
"aykabay----ARAY!"
"UY!Ayos ka lang?" tanung ni Aira kasamahan ko sa trabaho habang tinutulungan ako sa pagtayo, nagulat ako sa biglang pagsigaw sa pangalan ko ng kasamahan ko din sa trabaho dahilan para mawalan ako ng balanse at ,mahulog sa aking inuupuan.
Ng makabalik sa dating pwesto,hinarap ko agad sa Jheson, kasamahan ko sa trabaho slash ang dahilan ng pagkalaglag ko. "Bat ka nakasigaw? Hindi ako bingi! " biro ko sa kanya.
"OO alam ko Red, informed ako na hindi ka bingi pero hindi ako informed na binabangungot ka na pala sa sulok teh?! My Gosssh! Kung hindi ko pa inakalang may gumagawa ng milagro dito sa store natin hindi ko pa malalamang namasamaan ka na! Akala ko pa naman kung sinong umuungol sa sulok,at excited pa naman akong hulihin sa akto susme! ikaw lang pala!?!Woooh! Kaloka Ka tiii!"
"Anong pinagsasabi mong binaba-" natigilan ako sa sinabi ni Jheson. Ako binabangungot?eh kanina lang na---.
"OO teh kanina lang nakaupo ka sa may sulok habang nagiiventory hanggang sa di mo namalayan nafall into deep sleep ka,up to the point na binangungot ka na." litanya sakin ni Aira. Napakamot nalang ako ng wala sa oras sa aking ulo. HHHHAAAAAYYYYY..... dahilan narin siguro ng sobrang pagod at puyat nung mga nakaraang araw kaya nangyari sakin to.. Kailangan kong magtrabaho para may maipambayad ako sa darating na OJT namin.Gustuhin mang tumulong nina Karen ay tinanggihan ko,marami na silang naitulong sakin,kulang ang pasasalamat para suklian lahat yun kaya pinagpilitan kong ipaubaya nalang nila sakin to.
"UY REEED!" parang hinila pabalik ang naglalakbay kong kaluluwa kung saan sa sobrang pagkagulat. "Bakit ang hilig mong sumigaw?!???"
"Ikaw bakit ang hilig mong matulala? Sabihin mo nga narape ka ba?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jheson "H-Hindi n-noh?!v...v-virgin pa t-to!" pakiramdam ko pumunta lahat ng dugo ko sa mukha. . .
Aira's POV
"Eh yun naman pala eh,bakit kung makatulala ka diyan parang tinalo pa sa lalim ng pacific ocean ang iniisip mo? May problema ba?" tanung ni Jheson, yan din ang matagal ko ng gustong itanung kay Red,simula ata ng pumasok siya dito, bilang sa daliri ng sisiw kung ilang beses ko siyang makitang masaya, madalas tahimik o kaya nasa isang sulok siya,pag hindi naman, parang robot na bigla nalang nagshu-shutdown, laging tulala