CHAPTER 3
"Ate ko! Seryoso ka?!"
Si Ara naman e! Gabing-gabi na, ang lakas pa ng boses! "Oo nga! Magkapatid sila! Pero 'wag mo sasabihin sa iba please!" I pleaded.
Hindi ko kasi matiis na hindi sabihin kay Ara! I mean, yung part lang naman na mag kapatid sila yung info na nasabi ko. And I trust that Ara won't tell anyone.
Umupo s'ya ng maayos sa higaan ko at hinarap ako. "So you mean. Andreu Grey, tas si Ian, Arthur Ian, is for real brothers talaga?! As in?!" Ang kulit naman! Napa sapo nalang ako sa noo at nagtalukbong sa kumot. Pilit tinatanggal iyon ni Ara para makakuha pa ng information, pero hindi s'ya nag tagumpay.
"Wala kang sasabihan kahit ni isang kaluluwa, Ara." Binaba ko ang kumot ko at pinaningkitan s'ya ng mata.
Nag taas s'ya ng kamay n'ya na parang nanunumpa. "Promise, peks man! Mamatay ka man!" She shouted parang bata. I immediately threw a pillow at her which made her laugh. She also left my bed and went to the door, she knocked on the wooden door three times.
Iba talaga pag superstitious ang kaibigan tas siraulo at the same time!
"Nakita ko s'ya sa restaurant una palang actually. Pero akala ko, representative lang s'ya or nagta-trabaho s'ya under nung tito ni Grey!" She looked at me with a wide smile.
"Yun pala, kapatid ang artista! Tas tumakas sa inspection for you! Can you believe it?!" She exclaimed to much, parang sasakit na yung ulo ko sa sigaw n'ya.
Bihira ko s'ya nakikitang ganito kaya hinayaan ko nalang.
Dumapa s'ya sa kama n'ya at yumakap sa unan at humarap sakin. "Ano tingin mo sakan'ya, G-able ba for you?"
"Hindi ko masabi," I hugged my pillow and started to think. "Siguro for now, comfort person yung tingin ko sakan'ya. Hindi pa sure kung trip kong patulan. Wala pang three months." I answered while staring at the ceiling. I heard her giggled kaya tumingin ako sakan'ya.
"Natututo kana, keep it up!" She smiled at humarap sa phone n'ya.
"Pag feel mo na nagiging crush mo na s'ya, sabihan mo ako ah." Pahabol n'ya habang nag sko-scroll sa phone.
"Medyo crush ko na s'ya, pero crush lang yan, mawawala din yan." I giggled. Humarap s'ya saakin at umirap. "Yan din sinabi mo sakin kay Cholo noon. Ano ka ngayon?" She sarcastically said. Inismiran ko nalang s'ya. Gusto ko na kasi si Cholo noon! Hindi na crush. Kay Ian, tine-testing ko pa kung ano mararamdaman ko sakan'ya. Testing?! Ano yan, mic?
I shook my head and chuckled dahil sa sinabi ng utak ko. I was about to turn off my lamp nang nag-notif ang phone ko. It's Ian! I immediately smiled at inopen ang direct message. My smile suddenly faded.
aian.augustin: quiet kalang sa kanina ah ;)
I felt guilty kaagad! I mean, okay lang naman siguro yon diba? Kapatid thing lang naman nasabi ko, plus, I know Ara won't chikabelles it to anyone. I nodded at my own thoughts at nag message pabalik.
solianachvs: aye aye sir!
I bit my lower lip, trying to contain myself from telling Ara again na wala s'yang pwedeng pagsabihan ng nalaman n'ya from me. Para na kasi akong sirang plaka n'yan! Nagtalukbong nalang ako sa kumot at sinubukan kong matulog. It's okay self! Yun lang naman ang nasabi mo. I smiled by myself and dozed off.
YOU ARE READING
Right person, Right time
RomanceThere's no such thing as "right person, wrong timing".