“THIS MEETING is adjourned!” maawtoridad na wika ni Dominic sa mga empleyadong dumalo sa monthly meeting ng El Greco Advertising. “And next month, just make sure na mas magandang report ang maibibigay ninyo sa akin, ha?”
“Y-yes, Sir!” halos sabay-sabay na tugon ng mga ito, halatang nasisilong sa mabalasik niyang tinig dahil halatang mainit ang kanyang ulo.
Nang isa-isa nang maglabasan ng conference room ang mga ito at tuluyan nang napag-isa ang binata, hinarap naman niya ang mga pipiraman papeles bago lumabas.
Eksaktong alas-dose ay kaharap naman niya sa isang kilalang restaurant ang ka-lunch meeting niya sa araw na iyon.
Isang business deal na nagkakahalaga ng multi-milyong piso ang pipirmahan nila ng ka-meeting ngayon.
“Nice doing business with you, Mr. Hilario,” pormal ang mukhang wika ni Dominic nang tumayo at kinamayan na ang kausap.
“The pleasure is mine, Mr. El Greco,” nakangiti naman itong nakipagkamay sa kanya.
Alas-dos ng hapon kausap naman ni Dominic ang board of directors ng El Greco Empire. Nag-uulat siya sa kanilang presidente ng mga kaganapan sa hawak niyang advertising company sa nakaraang tatlong buwan.
“Well, all we can say is congratulations,” nasisiyahang wika ni Ariston matapos marinig ang quarterly report ng binata. “Talagang hindi kami nagkamali nang ilagay ka namin bilang OIC ng kumapanya.”
“Thank you, Uncle. Anyway, I think I should take my one week vacation now. Nai-briefing ko na si Morris sa mga gagawin niya sa office habang wala ako. I think he can make it too. Kahit na bago pa lang siya sa pag-asiste sa akin sa kumpanya, maraming katangian ko ang taglay niya.”
“Well, that’s nice to hear. Alam naman namin na kapag ikaw ang nag-train, he can do it with flying colors.”
“Thank you, Uncle.”
Pagkagaling sa opisina ng board of directors ay bumalik sa opisina niya si Dominic. Inalam sa kanyang may edad ng secretary ang mga susunod niyang meeting na kailangang matapos within three days bago siya magbakasyon.
“Ah, you have a lunch meeting tomorrow with Mr. Tan, three PM ay kay Mr. Zobel. The following day ay magpipirmahan na kayo ng kontrata ni Mr. Cruz para sa renewal nila, and at two o’clock ay si Mrs. Natividad naman ang ka-meeting ninyo. Anyway, on the third day ay hindi ko na kayo ginawan ng appointment. Maliban sa mga papeles na pipirmahan n’yo ay wala na kayong ibang gagawin. Darating si Sir Morris sa bandang hapon kaya magkakausap pa kayo.”
“That’s good! Maasahan talaga kita, Mrs. Jacob. Don’t worry, may pasalubong ako sa iyo pagbalik ko,” halatang nasisiyahan si Dominic sa napaka-efficient na trabaho ng kanyang kalihim pero kaydamot pa rin nang ngiti sa kanyang mga labi.
Iyon si Dominic El Greco, perfectionist, metikuloso, workaholic, seryoso, istrikto, suplado, bossy, at higit sa lahat, naka-set-up na ang kanyang utak na ang tao ay dapat na mabuhay ayon sa magagandang plano sa kanyang buhay.
He had set everything by the rules. Kailangang maraming patakarang susundin para umasenso, at gusto niya pati ang mga taong makakatrabaho niya ay may magagandang plano rin sa buhay nito, or else, they can’t get along with him.
“MOMAY, ang mga halaman ko, ha? Make sure na regular mong madidiligan at maii-spray-han ng insecticide, baka pagdating ko ay maraming tuyot na dahon iyan. Ang kuwarto ko, regular mong lilinisin. Kapag nanikit na ang alikabok, mas mahirap linisin.” At marami pang bilin si Dominic sa kanyang mabait na katulong na tanging kasama niya sa mala-mansiyong bahay na iyon na siya mismo ang nagpatayo at gumasta.
At ang perang ginamit ng binata para matupad ang kanyang pangarap na bahay ay galing mismo sa kanyang pinagpaguran.
Nang matanggap niya ang nakatalagang trust fund para sa kanya, he made his own millions nang magtayo ng sariling kumpanya ng computer. Maliban pa roon ay napapamahalaan niya ang advertising company ng El Greco Empire at napagsabay niya ang pagpapalago sa dalawang kumpanya.
At iyon ay dahil sa oraganisadong takbo ng kanyang utak. Wala siyang bisyo, walang kiyeme pagdating sa trabaho, at higit sa lahat, he won’t mixed business with pleasure.
Hindi siya kagaya ng ibang kabinataang El Greco na kabi-kabila ang girlfriend.
May steady date siya, si Mariane na kagaya niya ay workaholic din kaya nagkakasundo sila na magdi-date lang kung kailan may time para sa isa’t isa.
At kung hindi naman magtagpo ang free time nila, it’s okay pa rin dahil wala naman silang commitment sa isa’t isa.
Kagaya ngayon, mas type ni Dominic na magbakasyong mag-isa sa kanyang rest house sa La Union, hindi na niya iyon ipinaalam kay Mariane dahil wala naman siyang balak na isama ito.
“O, kumusta rito sa rest house?” agad na tanong ni Dominic sa katiwalang si Mang Rico.
“Okay naman ho, Sir. Napuno ko na nga pala ng pagkain ang freezer na kagaya nang bilin ninyo. Kung may gusto pa kayong ipabili, sabihin lang ninyo. Kung gusto naman ninyo ng fresh sea foods ay regular na dumadaan ang mangingisdang si Mang Joseph. Kung gusto ninyo ay sa kanya na lang kayo kumuha.”
“Sige, okay na. Ipapatawag na lang kita kapag may kailangan pa ako.”
“Sige ho.”
Nang umalis na ang katiwala para pumunta sa kubo nito ay agad na nagpahinga si Dominic.
Nakaplano na ang mga gagawin ni Dominic sa isang linggong bakasyon niya sa kanyang rest house.
Sa unang araw nang pagdating niya ay magpapahinga muna siya, matutulog, sa pangalawang araw ay mag-ii-scuba diving siya at papalaot sakay ng kanyang lantsa, sa ikatatlong araw ay mag-je-jetski siya… etc.
Sa ikapitong araw ay maghapon lang siyang magpapahangin sa teresa ng rest house, mag-e-enjoy sa pagtanaw sa malawak na karagatan at sa madaling-araw siya babalik sa lungsod.
Perfect! Tiyak na mag-e-enjoy siya kaya sa pagbabalik niya sa subsob-ulong trabaho sa dalawang kumpanya na pinamamahalaan ay magiging masigla na naman ang kanyang pakiramdam.
Itutuloy….
thanks for reading .. please follow me here in wattpad thanks and enjoy reading !!
Chloe magsipoc albangco ^_^