Chapter 17

155 8 0
                                    

Hello! I accidentally deleted Chapter 17, I'm so sorry! I had to rewrite it, fortunately, I can still remember its core parts. I unpublished the entire story too because it feels weird to publish a story that had a missing part. Just a disclaimer, the writing style might be a little different from the first. The events are all the same, just a different delivery since I forgot how it was exactly written! I hope that's okay! Thank you so much for reading. 💌

-thrillexpired

-

Ilang araw ko nang iniiwasan si Prof

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang araw ko nang iniiwasan si Prof. De la Vega. Pagkatapos ng klase niya, ako agad ang pinakaunang lumalabas ng room. Hindi na para magpanggap ako na ayos lang ang naging pag-amin niya sa akin.

May asawa na ako at mahal na mahal ko siya.

Kailangan ko nang patayin ang nabubuhay na damdamin ni Prof. De la Vega sa akin hangga't maaga pa.

Lalabas na dapat ako ng room nang biglang may humarang na lalaki sa akin na naka-abang sa pintuan.

Si Ethan pala ito, nakangiti siya sa akin at may hawak na bouquet ng tulips.

Jusko po! Napakadami kong iniisip tapos dumagdag pa siya! Kailangan ko na makatakas sa lalaking ito agad!

"D-dyana, hello."

Inabot niya sa akin ang bouquet ngunit nanatili lang na nasa likuran ng likod ko ang mga kamay ko. Hindi niya ba alam na tulips ang pinaka-ayaw kong bulaklak sa lahat?

"Ano 'to, Ethan?"

Wala akong panahon sa ganitong mga bagay! May asawa na ako, bakit ba niya ako binibigyan ng problema?

Napansin ko na nagtitinginan na sa amin ang mga tao sa hallway at naglalabasan na sila ng mga cellphone upang kuhanan siguro kami ng video. Jusko po! Hindi pa nga ako nakakarecover sa nakaraang problema ko tapos may panibagong gulo na naman akong pinasok!

"Gusto sana kitang ligawan, Dyana. 'Wag kang mag-alala dahil malinis ang intensyon ko sa'yo."

Nakangiti siya sa akin at lumabas ang dimples niya. Akala niya siguro ay papayag ako.

Mas nasstress ako lalo dahil dumarami ang mga tao na gustong makisawsaw at makinig sa pribadong usapan na tulad nito. Hindi ko naman kasalanan kung mapahiya si Ethan dahil pinili niyang ipagtapat ang ganitong bagay sa pampublikong lugar.

Wala na ba siyang hiya sa katawan niya?!

"Hindi pwede eh. I'm already seeing someone, Ethan. I hope you respect that."

Mystic ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon