Chapter 5

307 19 8
                                    


Hindi ko ma-express kung gaano ka-payapa yung naramadaman ko noong nakita ko yung napakagandang sunset

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko ma-express kung gaano ka-payapa yung naramadaman ko noong nakita ko yung napakagandang sunset. It's so perfect and I felt so lucky I get to see this with my own eyes.

Noong mag 5 p.m. na, sabi raw nila Ate Martha na mag ya-yacht kami then swimming. Natuklasan ko lang pala rin na 'Harriet' pala ang pangalan ng family yacht na kinalalagyan naming lahat ngayon. Harriet pala kasi ang pangalan ng great grandmother nila.

Bumalik ako sa villa namin ni Emilia para magbihis, I was about to call her because she's nowhere to be found.

However, she was just in our room, typing on her laptop, while speaking to someone on her phone!

Puro na lang siya trabaho!

Wala akong nagawa kaya nagbihis na lang ako into a bikini pero nagpatong ako ng mini sundress as a cover-up. Isang nakapamewang na Emilia ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng walk-in closet.

Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa tapos nag-aya na siya umalis. Buti naman sasama siya, akala ko magkukulong lang siya sa kwarto namin buong magdamag.

"Dyana! Mukhang malalim yung iniisip mo ah." Nakatingin lang ako sa malayo habang umaandar yung yate. Nasa likod ko na pala si Ate Margaret, hindi ko lang napansin.

"Hindi naman, ate. Ang ganda lang talaga ng sunset." Napangiti ako nang makita ko na may bata siyang karga. Napakacute niya, bilog na bilog yung mukha at sobrang cuddly niya tignan.

"This is Leo nga pala. My child." Pagpapakilala ni ate. "Ayaw niyang suotan siya ng damit eh. Cranky na kasi siya kanina kaya nakadiaper na lang muna.

"Wow, ate. May anak ka na pala. Napakacute niya, grabe." Hindi ko lang ineexpect na may anak na siya dahil mukhang bata pa siya.

"Ako lang 'to, dear. Mukha ba akong batang-ina?" Napahalakhak kami sa sinabi niya. Medyo baliw din pala 'to si ate.

"Gusto mo ba siya buhatin?" Tanong niya. Sa sobrang cute niya, baka nga kanina pa lang kinuha ko na siya sa nanay. Pero buti na lang nag-offer si ate.

"Pwede, ate?"

"Oo naman." Nilagay niya yung lampin sa balikat ko tas ibinigay niya na sa akin si Leo. Hindi naman iyakin yung baby at napakabango pa. "Ayan, para makapagpractice ka na pag nagkababy na kayo ni Emilia."

Feeling ko namula pisngi ko doon.

"Oh siya, sige, puntahan ko pala muna yung daddy niyan. May ibibilin lang ako. Balik ako agad, promise!" Sabi ni Ate Margaret bago niya kami iwan.

Tahimik namang nakasandal sa balikat ko si Leo. Medyo mabigat siyang baby pero kaya naman. Napakacute niya sobra kaya hindi ko napipigilan na halikan yung pisngi niya pero binabalik ko rin naman siya sa balikat ko para hindi maiyak.

Haba ng pilik-mata niya tapos bilog na bilog yung mata. Kinakabahan nga ako eh, baka kasi sipunin siya since wala man lang siya pangtaas.

Nagburp bigla ang baby, kaya naisipan kong biruin.

Mystic ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon