02: MURMURS

143 12 0
                                    

ELIANNA'S POV.

NASA school nako at nagbabasa ng libro, ang problema ay ang ingay nila sa likod, di ako maka focus.

I groaned and covered my face with the book I was reading, this is so frustrating.

"Di ba pwedeng tumahimik kayo? Kita niyo namang may nag-aaral," inis kong sigaw sakanila.

"Ms. Valdes kung magiging parte kayo ng section namin, you should get use with it," saad naman ng isang lalaki.

Ilang araw na kami dito pero, yung Liam, Caleb at yung Shion palang kilala ko, and I'm not planning to, di naman kami magtatagal dito.

"Tigil niyo nayan, were sorry Elianna, magsuot ka nalang ng earphones para hindi mo kami masiyadong marinig," saad naman ni Caleb. Buti patong isang to, may sense ka usap.

I rolled my eyes and sat down in my chair and put on my earphones and start reading again.

Dumating narin yung teacher namin sa science, at nag discuss lang ng topic namin.

"Ok class, bago mag end ang class natin, may ipapagawa akong report sainyo next week niyo na ito irereport," imoprma ni ma'am. "Each group will have three member, but since all of you are twenty in total, there will be one group that has two member in it, to make it fair I'll choose the member".

Sinabi na ni ma'am ang magiging ka grupo namin, and of course hindi kami magkagrupo nila Isa, last akong natawag kaya dalawa lang kami at si Shion ang ka grupo ko. 

Since yung topic namin ay tungkol sa mga bulkan, binigyan kami ni ma'am Santos ng mga pangalan ng bulkan na gagawan namin ng report, yung napunta samin ay yung Bulkan Mayon.

Pagkatapos ibigay ni ma'am Santos yung activity namin ay natapos narin yung oras at lunch time na.

Nung natapos kona maayos yung mga bag ko ay nalilito ko silang tinignan ng makita ko silang busy lahat may ginagawa, yung iba tinatakpan nayung mga bintana, may ibang ginigilid ang mga mesa at upuan, may naghahanda rin ng speaker, mic, at portable drum pad sa harap.

"Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Cass sa lalaking na inaayod yung mat sa gitna.

"Yeah and why are they preparing a band set up?" Tanong ni Isa at tinuro yung ibang nasa harapan.

Tumayo yung lalaki at nag pagpag ng kamay. "Naghahanda kami para sa lunch break jamming namin".

"Hindi niyo ba gagawin yung report?" Tanong ko.

Umiling yung lalaki, "Hindi, sa section nato may rules kami, pag break time break time, walang gagawa ng school works, kung gusto niyo welcome naman kayo sumali samin," imbita ng lalaki.

Isa and Cass looked at me like their asking permission. "If gusto niyo you can, but I'm not joining sa canteen lang ako," saad ko at umalis narin ako.

NASA canteen nako at sinundan ako nila Cass at Isa, I know they wanted to join them.

"You know, you can join them if you want, diko naman kayo pinipigilan," saad ko.

"No thanks, sasamahan ka nalang namin," saad naman ni Isa.

"Alam niyo, gusto ko yung rule nila na pag breka time, break time, walang halong acads," saad naman ni Cass.

Iba talaga yung section nayun, sa Class A kasi, pag break time is nagmu-multitask sila kumakain habang gumagawa ng report at nagaaral.

"Btw have plans this weekend?" Tanong bigla ni Cass habang kumakain.

"Aside from doing the group report, then I'm free all weekend," saad ni Isa.

𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon