05 : BACKSTABBER

126 9 0
                                    

SHION'S POV.

MALAPIT nako sa room at inaasahan ko itong wala pang estudyante kasi masyado pang maaga, at alam kong tulo laway pa ang mga yun.

Bago pa man ako maka rating sa classroom namin ay natanaw kona na parang may ilaw na yung classroom namin, pumasok naba sila? Aga naman ata.

Nung makalapit nako ay si Eli lang pala, ang aga niya ah. Naka tutok siya sa laptop niya at may tinatype sa laptop niya. Hindi niya ko napansin kasi sa kabilang pinto ako sa bandang likod ako pumasok para hindi ko siya maistorbo.

Nilapag ko ng dahan-dahan yung bag ko para hindi siya maistorbo, nilapitan ko siya para tignan kong anong ginagawa niya, chismoso na kung chismoso, la kayong pake.

Nakita ko na yung report namin sa
Science, kala koba tapos nayun? May dinagdagan ba siya?

"Ahm... Elianna?" Tawag ko sa pangalan niya.

Gulat niya ko ng nilingon, di niya siguro inexpect na may tao na sa room, tahimik kasi kanina nung siya lang ang nandito.

"Kanina kapa?" Tanong niya.

"Ah, Oo di lang ako nag ingay para di kita maistorbo, kanina kapa andito?"

"Yeah, maaga ako pumapasok para makapag-aral pako, bago umingay yung room at di ako makapag-aral ng maaga," saad nito at may sinusulat sa notebook niya.

"Here, ikaw na, take notes sa report natin, para ready tayo sa mga possible questions," saad niya at inusog yung laptop niya sakin.

Bumalik muna ako sa upuan ko para kumuha ng notebook at ballpen at bumalik narin ako sa tabi niya at nag sulat.

Habang nagsusulat ay napapansin ko na humihikab siya. "Elianna, matulog ka kaya muna, gigisingin nalang kita pag nandito na sila."

Mukhang inaantok na talaga siya, di pumalag e. Nilagay niya yung kamay niya sa mesa at pinatong dun ang mukha niya. Sa gawi ko siya naka harap kaya, kitang-kita ko siya. Maamo yung mukha niya at mukha siyang mabait pag tulog.

Tinanggal ko yung jacket ko at inayos ito sa balikat niya, mukhang pagod talaga siya, ang bilis naka tulog e. Binalik ko narin yung attention ko sa laptop niya ay ginawa ulit yung ginagawa ko kanina.

.............................................

ELIANNA'S POV.

NAGISING ako sa ingay nila, naka close na yung laptop ko at wala ng kabute sa tabi ko, mukhang natapos na siya sa ginawa niya, nasa likod na kasi siya at kasama ang kapwa kabute niya, kala koba gigisingin niya ko pag nandito na mga kaklase namin.

Bweset talaga, nakita tuloy nila akong tulog, tulo laway pa naman ako minsan pag natutulog at pagod na pagod.

Nag-unat ako ng kamay at may nahulog na jacket bigla galing sa balikat ko, kinuha ko yun at tinignan, sa likod ng jacket may naka lagay na SCR na naka lagay.

Isa lang naman ang sure akong naka lagay nito sa balikat ko, walang ibang kundi si Shion, siya lang naman yung kasama ko kanina at amoy pabango niya yung jacket.

Tinignan ko siya at ang loko ngumiti lang, apaka weirdo talaga. Tumayo ako at nilapitan siya. Natigilan siya at yung mga kasama niya sa pagkwentuhan ng lumapit ako.

Inabot ko yung jacket niya, "Thank you." Umalis narin ako pagkakuha niya dun.

Inayos kona yung sarili ko at yung mga gagamitin ko. Di rin nagtagal ay dumating narin yung teacher namin kaya nag start na yung discussion namin.

Parang walang teacher sa harap kasi ang iingay parin nila, wala namang pake yung teacher at nagtuturo parin. Ganito ba talaga dito?

"Ok, class that's all for today." Lumakad narin yung teacher namin, wala manlang announcement na magpapaquiz bukas or even assignment?!

𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon