04: THEME PARK

127 9 3
                                    

ELIANNA'S POV.

UMAGA na at kakagising kolang at bumangon nako agad ginawa na ang morning routine. Pinakain kona si Snow at naligo narin ako.

Wala akong gagawin ngayong araw kundi magpahinga, at gawin ang gusto ko kundi ang mag basa ng libro.

"Nak di kaba magpapahinga kakaaral?" Tanong ni nanay Elma ng makita niyako sa sala na nagaaral.

"Hindi po, wala rin naman akong gagawin".

"Bakit di kayo gumala nila Isa".

"Kasama po nila mga kaklase namin papunta sila ng theme park," saad ko nasa libro parin ang attention at nagsusulat.

"Bakit dika sumama?"

"Ayoko po".

"Alam mo nak, di masama ang magpahinga at mag enjoy, di ka naman mamatay kung hindi ka makakapag aral ng isang araw man lang," saad ni nanay na napa tigil sakin. "O siya sige, ma iwan muna kita at tatapusin kolang ginagawa ko".

Nung umalis na si nanay ay bigla ko naalala yung sinabi ni Shion na hindi masam mag enjoy, wala e, na sanay nakong libro lang ang kaharap ko.

Umiling nalang ako at binalik ng ginagawa kong pagsusulat. Habang nagsusulat ay tinawag nako ni nanay para kumain ng tanghalian.

Tumayo nako at inayos ang mga gamit ko sa coffee table, babalikan ko nalang to. Naglakad nako papunta sa dining table.

Nakita kong naghahanda na ng pagkain ang mga maids sa mesa, nakuha ng isang maid ang attention ko ng makita ko siyang naglapag ng tray na may platong wala ng laman sa counter bar, kay kuya ata yun, buti naman at kahit papano ay kumakain na siya.

Umupo nako at nagbuntong hininga, ako lang ang kakain, namimiss kona yung dating maingay ang hapag pag kakain na kami, yung tipong magkukulitan pa kami ni kuya tas papagalitan ni mommy at papakalmahin naman siya ni daddy para hindi pa stress kasi kukupas daw ang beauty niya.

Masaya kami nuon hindi kolang alam ano talaga ang totoong nangyari at sa isang iglap nalang ay nagbago ang lahat.

Strict si mommy, inaamin ko yun pero hindi pareho ng ganito, dati kahit sa maliliit na achievements lang namin ay masaya na siya, nagbago lang nung naghiwalay sila ni daddy.

Habang kumakain ay biglang tumunog ang cp ko, tinignan ko ito, it was a text message from... Shion?

From Shion Ramirez:
Hi Eli, about dun sa sinabi ko kahapon sana pagisipan mo and your more welcome to join us.

To Shion Ramirez:
I told you I'll think about it, and hindi tayo close para tawagin moko sa nickname ko.

Ano kala niya ganun kami kami ka close para pwede na niya akong tawagin sa nickname ko? The audacity of this man.

Tinawanan niya lang message ko, ang galing talaag mang asar ng kabute nato, mana sakaniya ang kapwa niya kabute.

........................................
SHION'S POV.

Tinawanan kolang yung message niya, alam kong galit na siya sakin hahahah, ang cute pa naman niya pagnagagalit.

Sumandal ako sa upuan ko at tumingin sa kisame at iniimagine ang mukha niya na naiinis.

"Hoi, para kang tanga diyan," saad bigla ni Cheng na pumasok bigla sa kwarto ko na walang paalam.

I think I should lock my door, there are trespassers here. Napahilot nalang ako sa sintido ko ng bigla na silang isa-isa na pumasok sa kwarto ko at ginuguloang mga gamit ko.

Ang mga patay gutom na sina Seb, Elijah, at Zach ay nilalantakan ang mini fridge at ang shelve ko na puno ng chips sa kwarto. Ang iba naman ay comportableng umupo sa bean bag ko at yung iba naman ay naglalaro sa ps5 ko.

𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon