Page 04

414 15 1
                                    

~Aeri Yves point of view

Nasa kwarto ako ngayon at kanina pa hindi makatulog. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, para akong pinapasukan ng napaka-raming paru-paro sa tiyan.

Pa fall kasi si Miss Porsché eh.

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko, kanina ko pa tinatanong ang sarili ko kung gusto ko ba si Miss?

Ang galing kasi ni Miss sa mga mix signals eh may boyfriend siya and soon to be fiance na niya.

~Flashback

"What more if i call you mine?" namula ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi niya.

Nakakahiya mag blush sa harapan niya. Tumahimik na ako at hindi na ako nagtangka na sumagot dahil baka hindi ko kayanin.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay sobrang tahimik ko na. Nagulantang ako sa mga pinagsasabi ni miss ngayong gabi eh.

"Ako na po maghuhugas Miss."

"No, you should go to your condo na. I think you need to rest now." tumango naman ako at pinanood siyang ilagay sa sink yung mga pinagkainan namin.

Pumunta na ako sa sofa para kunin ang mga gamit ko. Nasa likuran ko lang siya at mukhang ihahatid pa ako sa pintuan niya.

"Thank you sa dinner miss." sambit ko sakanya.

Hindi siya nagsalita at astang lalabas na sana ako pero bigla niya hinila ang kamay ko at nilapat ang labi sa labi ko.

Hindi ako nakagalaw dahil sobrang nagulat ako sa ginawa niya.

Her eyes are closed while my eyes widened in shocked.

Walang gumalaw sa halikan namin, we stunned to move.

When she opened her eyes, todo iwas siya ng tingin saakin.

"I'm sorry." she murmured.

Ngumiti lang ako at yumuko.

"Mauuna ako miss, Good night and Thank you again." hindi ko na siya hinintay na sumagot at lumabas nalang ako.

Napasandal pa ako sa pinto niya habang nasa labas na ako.

Hinawakan ang puso ko dahil sobrang bilis ng takbo ng puso ko.

"OMG."

yun lang ang lumabas sa bibig ko.

What is does it mean?

Napahawak nalang ako sa mga pisngi ko dahil nag-iinit na naman sila.

~End of Flashback

"Mababaliw na ako Miss." bulong ko sa sarili ko.

Porsché! My Devoted Solicitor [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon