Chapter 4

0 0 0
                                    

Nasa bahay nako ngayon ,pero hindi pako inaantok kaya nag phone nalang muna ko.Hindi na din ako makakapag guitar dahil late na din kaya nag basa nalang ako.Nag scroll lang ako sa wattpad para mag hanap ng pwede basahin,natapos kona kasi lahat ng nasa library ko pati yung mga books ko,hindi pako makabili dahil kinakapos ako sa baon.

TOMORROW MORNING ,maaga ako nagising kahit sabado ,nasanay na yung body clock ko na gigising ng maaga .Nag laba nalang ako dahil weekends naman ,at para malinis na din yung bahay pag uwi nila .Ang daming labahin kaya natagalan ako inabot nako ng tanghali sa paglalaba at pag lilinis ng bahay , nakalimutan kona mag breakfast kaya 1 pm na ,mag bebreakfast palang ako,kaya pag tapos ko agad naman akong kumain ,pagtapos ko kumain ,naligo na din ako dahil basa ako at nag lalagkit na dahil sa sabon na napunta sakin .pagkatapos ko maligo humiga lang ako saglit para mag pahinga pero di ko namalayan na nakatulog nako.

Pag gising ko gabi na ,napahaba yung tulog ko pero ayos na din at nakapag pahinga nako .Wala akong magawa kaya naisipan ko nalang mag review ng iba naming lesson para hindi ko makalimutan pagkatapos nag pahinga lang ako saglit tapos nag phone.Habang nag po- phone ako naalala ko sa monday na pala yung birthday ko ,kaya nag picture picture nalang ako para may maipost ako sa socials ko.Hinintay ko lang mag 12 bago ko pinost. 11 pm palang kaya mag pipictorial muna ko.
12 am na kaya pumunta nako sa timeline ko para mag post.

Legally age is running ‼️

Caption ko kaya marami na din ang bumati.Sunod sunod na happy birthday ang natanggap ko ,pati sila ara at yanna bumati na din.Akala ko nakalimutan na nila ko after all e haha..

GIRLS 💋

@yannaks
Babae happy birthday,ganda gandahan ka ngayong araw ah , gandaa parang may something,nakakita kana ba ng mapapangasawa mo dyann?

@tulipgirly
Mapapangasawa ka dyan! Baliw ,syempre para maganda naman ako sa birthday ko noh,kahit ngayon langg

@aramina
Hey girls ,imissyou ,happy birthday eumie ,i wish all the best for you mwaa

@tulipgirly
Thankyou ara,loveu

@yannaks
Kabog ka diyan ah ,pa english english kana.

@aramina
Well haha

@tulipgirly
Thankyou for greeting me guyss iloveyou,mahal ko kayo imissyouu.

At dun na naputol usapan namin dahil inaantok nako ulit ,kulang yung pahinga ko pero hindi pa man humahaba yung tulog ko,ginising nako nila mama para pumunta sa lamay ng pinsan ko .Hindi kasi nila alam na pumunta na ko don kahapon pano kasi tulog sila nung pumunta ako.Kaya sumama nalang ako kaysa pagalitan pa nila ko ,ganon lamg din ginawa ko tumulong ako ulit na mag gawa ng kape tsaka mag pamigay ng tinapay sa mga nakilamay ,nagbigay na din kami ng mga candies sa mga nag lalaro ng bingo.

Napagod ako mag pamigay kaya naupo muna ko sa tabi ni mama,na ngayon nakatingin sa mga nag lalaro.Maya maya pa nangawit nako sa panonood sa kanila ayoko matutunan yung nilalaro nila kaya nagpaalam na ko kay mama na uuwi na at inaantok nako.

Sunday ngayon,kaya napag pasyahan ko mag punta ng simbahan para mag pasalamat sa panibaging araw at ipagdasal nadin ang pinsan ko.Nakikinig lang ako kay father hanggang matapos ang misa.

Pagkatapos ng misa medyo maaga pa kaya naisipan kong dumaan muna ng mall at magbasa sa bookstore dahil wala pakong pambili.ganon lagi ginagawa ko kapag umaalis ako at ayaw pa umuwii ,nagiging routine kona yun dahil tumitingin din ako kung may bagong book at mababa lang ako presyo Kuripot ako e.

Nang matapos kona malibot yung bookstore,umuwi na din ako dahil nagugutom nako.
Pag kauwi ko ng bahay ,nagpahinga lang ako at kumain tapos nag shower na din.
Pagtapos ko mag shower ,nag suot lang ako ng simpleng damit para comfortable ako,
Humiga muna ko sa kwarto ko at nag open ng phone .Pag open ko ng socials ko marami pa din ang bumabati kaya napagod ako sa kaka thankyou sa comment section.Habang nag tha-thank you ako sa mga bumabati sakin may biglang nag chat.

@jholoramirez
Hey! Happy birthday,enjoy your day ganda

@eumiegonzales
Uy haha,thankyou.

@jholoramirez
Wala bang Shanghai dyan?

@eumiegonzalez
Hahaha wala e,di ako naghahanda kapag birthday ko.

Oo hindi ako naghahanda kasi alam kong busy ang parents ko para mag abala pa tsaka nakasanayan ko na din ,dahil ganon din noong junior high school palang ako.Laging ganon kaya nag cecelebrate ako mag isa..Maaga pa naman kaya pumunta muna ko sa 7/11 at dun na nag celebrate mag isa,hindi kona inaya si yanna baka busy din siya sa school works niya o kaya sa bahay nila ,lalo naman si ara malayo siya samin kaya no choice ako ,ako nalang mag isa ,nag muni muni nalang ako sa 7/11 ,hindi na masakit sakin na mag celebrate mag isa kaya wala nang luha kapag ako lang mag isa nag cecelebrate ng birthday ko.
Pagtapos ko mag muni muni ,bumili lang ako ng pizza at ice cream sa tapat pasalubong ko sa mga kapatid ko.
Jc,Cj tawag ko sa mga kapatid ko,tatlo kaming mag kakapatid at nag iisa lang akong babae ,limang agwat ang pagitan namin ni Cj habang si Jc naman ay pitong taon ang agwat ko sa kanya ,kaya bata pa siya

Cj ,kunin mo toh at maghati kayo ni jc ,wag kayong mag aaway ha ,ubusin nyo yann.Bilin ko sa kanila bago ako umakyat ng kwarto para maligo dahil umulan kanina.Nag quick shower lang ako at inayos ko na yung bag ko kasi monday na naman bukas.

Kinagabihan,umuwi na sila mama ,ni hindi man lang nila naalala na birthday ko ngayon at tinitigan niya lang ako sa hapag kainan .Pero naiintindihan ko naman na marami silang iniisip ni papa ,kaya pagtapos ko kumain bumalik na din ako sa kwarto ko at natulog na dahil maaga pa pasok ko bukas.

UNEXPECTED LOVE Where stories live. Discover now