Nasa mall na kami ngayon ,kaya hinatak ko siya sa sa bookstore para magbasa .May hawak akong libro ngayon pero sa kanya ako nakatingin nag ikot ikot lang din siya pero hindi siya nag babasa ,kaya nasabi kong hindi niya gusto dito gusto niya lang talaga ko samahanNagbasa lang ako at siya nag iikot ikot pa din pero minsan humahawak siya ng libro at tinitigan ito.ganon lang nangyari saming dalawa pagtapos non, na bored siyaa kaya inaya na niya ko kumain kaya sumunod na din ako dahil gutom na din ako, nakita niya naman nako ng walang mask kaya pumayag nako.
Ano sayo?tanong niya sakin habang nasa malaking screen kami kung san pwede mag order.
Mix and match ,eto oh bayad ko
Bayad?treat ko toh
Sige na ,50/50 tayo
Kinuha niya nalang dahil wala siyang magawa dahil nakipag titigan ako sa kanyaa.Humanap lang kami ng upuan at hinintay na tawagin yung number namin.Alam kong date na tong nangyayari samin dahil nahahalata ko na.
Hinihintay ko nalang siya umamin ,ilang buwan na ding kaming nag uusap kaya nasasanay na kami sa presensiya ng isa't isa.Kaya normal na sakin yung gantong magkaharap kami pero ngayon nya lang ako nakitang walang mask kaya nahihiya pa din ako .
Kain ka lang dyan,sabi niya pagtapos niya I arrange yung straw ng float ko at pag halo ng spag ko.
Thankyou ,ikaw din
Pinicturan niya ko habang kumakainn,kaya pinicturan ko din siya para makabawi ,
Hoy ano ba, wag kasi saway ko at kinuhaan ko din siya para fair.
Oy haha ,gaya gaya ka ah tawa niya sakin kaya mapatawa nalang din ako
tawa kami ng tawa parehas dahil parehas kaming nahiya sa mga pinaggagawa namin,at dahil din nakatingin yung ibang tao samin sa loob ng mcdo kaya yumuko nalang kami habang pinipigil yung tawa.
Inubos lang namin yung food namin tapos dumiretso kami ng arcade para mag laro ,pinanood ko lang siya mag basketball tapos nung matapos siya ako naman pinalaro niya ,gulat siya kasi mas marami pakong nashoot kaysa sa kanyaaGrabe ang dami nashoot ,pati sa puso ko nagkapoints ka
Hoy haha tawa ko na medyo kinikilig dahil sa banat niyang corny.
Naglaro lang kami nang iba pang laro hanggang sa mapagod kami kaya nagpahinga kami saglit pagtapos umuwi na.
Tara sakay na tayo ,aya nya sakin.
Oh,pamsahe ko abot ko sa kanyaa ,kaya tinanggap nya agad dahil sinamaan ko siya ng tingin.
Manong ,dyan lang po sa kanto sabi ko sa driver bago bumaba.
Ingat ka ,tapik ko kay jholo bago ako bumaba ng jeep.
@eumiegonzalez
Nakauwi nako ,thankyou for this day , I really enjoy the day with you.Nagutom ako sa paglalaro namin kaya kumain ako Pagtapos ko kumain nag phone lang ako at hindi ko namalayang nakatulog nako sa pagod.Pag gising ko inopen ko lang yung laptop ko para pag aralan yung html na tinuro samin kanina ni sir leo.Mahirap sakin toh dahil bago lang sakin at teacher ang kinukuha kong kurso.Pagtapos ko mag html gumawa lang ako ng animation gamit yung PowerPoint,Tinapos ko lang yung billiard animation tapos natulog nako ulit.Sabado na ulit bukas ganonn lang kabilis yung araw at wala naman akong gagawin ngayon dahil nakapag laba na ko nung nakaraang araw.Ginawa ko nalang yung mga hobby ko tulad ng pag kanta habang tumutogtog ng gitara.
Nag strum lang ako habang tinutugtog ang isa sa mga paborito kong kanta ni rico blancoClose your eyes,dry your tears
Cause when nothing seems clear
You'll be safe here
From the sheer weight
Of your doubts and fears
Weary hearts,youll be safe hereStrums ko habang dinadama ang bawat kanta na binibigkas ko kasabay ng hangin sa labas habang nakaupo sa terrace namin.Tumugtog pako ng iba pa ,tulad ng honey my love so sweet,palagi at kung ano ano pa hanggang sa bumalik nako sa higaan ko dahil nakaka ramdamm nako ng pagod ,nagpahinga lang ako saglit tapos nag open ako ulit ng laptop nanood ng mga kung ano anong mga kdrama na makita ko sa YouTube.Kumuha lang ako ng makakain sa pantry namin ng pwede makain habang nanonood ,kumuha lang ako ng pop corn at tubig tapos dumiretso nako sa kama para ipagpatuloy na ang binabalak.
Habang nanonood ako ay puro kilig ang nararamdaman ko dahil sa mga bida sa kwento , feeling ko ako yung babaeng bida kaya ang ingay sa kwarto ko dahil sa mga tili ko.Halos naka dalawang palabas ako kaya inabot nako ng 5 am kaya pinatay kona yung laptop ko at dumiretso sa kusina para ilabas na yung mga ginamit ko at makapag handa na din ng dinner .Pagtapos ko kumain ay naligo nako dahil hindi ako nakaligo dahil sa panonood ko ,nag open ako ng socials pero wala ako natanggap na chat mula kila yanna or kay jholo siguro ay mga busy sila kaya pinatay ko nalang ulit yung phone ko at nanonood ulit sa laptop ko.Sa kapapanood ko umaga nako nagising nakatulugan konaaa yung pinapanood kong go back couple.Kaya bumangon nako agad para makapag hilamos at maka kain na,wala mga parents ko lumuwas sila kasama mga kapatid ko at si papa naman ay nasa work na kaya ako nalng ang natira sa bahay mag isa.
Nag luto lang ako ng egg at ham para sa breakfast at syempre himdi mawawala ang kape sa umagahan.Dahil ako lang ang tao sa bahay ay nag linis nalang ako ng buong bahay pati ang mga kwarto at cr ,naglampaso ako at nagwalis at nag spray na din ng disinfectant na spray . Nakakapagod ang araw kaya pagtapos ko ay nagpahinga na ako at naligo na para matulog saglit , nagising nalang ako ng dumalaw si lola samin at hinahanap sila mama at papa.
Apo,nasan ang magulang mo?
Lala ,lala ang tawag ko sa lola ko dahil noong maliit pa lamang ako ay hirap ako sa pag bigkas ng salita kaya hanggang sa tumagal lala nalang ang tawag ko sa kanyaa
Lala,umalis po si mama kasama sila cj si papa po nasa work
Ah ganon ba,may dala ako halika bumaba ka riyan at saluhan mo ako.
Opo lala
May dala si lala na cake , pasalubong niya raw dahil naisipan niya kami bilhan,hindi raw siya kumakain ng matamis kaya ibinigay nalang sa amin pero ako lang umubos dahil wlang tao dito sa bahay mabuti na nga lang at mahilig ako sa sweets lalo pagdating sa cake.