1

4 0 0
                                    

Aleina

"Tarantado yung Kyle na yon ah? Talagang nagawa pa nyang magcheat sayo??" bulalas ni Jana pagkapakita ko sakanya nung convo ni Kyle at gbf nyang ahas.

"Ewan ko rin Jana, ang gulo gulo" sagot ko.

Andito ako ngayon sa room nila Jana, hindi kasi kami magkaklase.

Si Kyle naman, iba rin ang section nya saamin.

Bwiset!

Bwiset talaga ang lalaking yun!!

Kaya pala ayaw ipakita saakin ang account nya, may tinatago pala.

Mind me, dalawa pa ang gbf nya kuno na yun!! At alam nya sa sarili nya na parehas nagkagusto sakanya.

Bwiset na lalaki talaga.

"Anong gagawin mo nyan?" tanong ni Jana bago inabot pabalik ang phone ko.

"Makjkipaghiwalay ako syempre"
"You seemed to forget what I'm capable of" nakangisi kong sagot.

Paano ko nga ba nahuli si Kyle na nagccheat?

Paano kasi, pauwi na kami kahapon, nakikiopen sya saakin kasi magpapahintay daw sya sa tropa nya.

Eh wala akong load, yung account nya naka data mode.

Edi naiwan sa phone ko yung account nya.

Paguwi ko kahapon, nag-connect agad ako sa wifi para maopen yung account.

Iaalis ko na sana sa pagkakalog-in, tapos tanginang yan nagnotif yung yung chat nung babae na yon!

Kita raw sila mamaya, punyeta sila.

Magsama sila.

"Ayoko na mastress, kailangan ko pang intindihin yung paghabol ko as student council, bahala na sya jan"

Inoff ko nalang ang phone ko, blinock ko si Kyle kagabi, at ngayon hindi naman sya pumasok.

Tarantadong yun talaga eh no??

5 minutes nalang, patapos na ang lunch break kaya nagpaalam na ako kay Jana na babalik sa room.

Magkatabi lang naman ang room namin, magkatabi lang ang pinto kaya mabilis lang akong nakalipat.

Pagpasok ko, sobrang ingay.

Nagkakasatan ang mga kaklase kong lalaki.

Umupo nalang ako sa pwesto ko at dumukmo.

Hindi naman ako nasasaktan, nadisappoint lang ako.

Kasi, sya ang unang nagkagusto saakin, sabay ganon???

Walang hiya check.

Hintayin nya akong gumanti.

Sinasabi ko sakanya!

Grade 12 naman na kami, last year ko na sa school na to, last year ko na ring titiisin ang mga hinayupak na tao dito.

Okay na rin siguro na maghiwalay kami non ni Kyle.

Magfofocus nalang ako sa pagaaral, pati sa paghabol ko as student council.

Wala rin namang naidulot saakin yung lalaki na yun.

Sa lahat ng date namin, ako ang gumagastos, ako pa nagpaplano kahit sya ang nagaaya.

Ako pa ang nanunundo sa bahay nila.

Ako ata yung lalaki eh.

"Sino raw may index card guys??" tanong ni Hera na nasa pinto, may kausap na students.

"Ikaw Phillip? ikaw? ikaw Frela?" halos isa isahin nya na mga kaklase namim kakatanong ng index card.

Mga walang dala, alam nilanh first week of school mga walang dala, tapos magsisihingi pag kailangan mga bwiset!!

"Ako meron" salita ko bago dumukot ng dalawang index card sa bag ko.

"Yown" rinig kong salita nung lalaking matangkad sa labas, grade 11 ata to kung di ako nagkakamali?

Tumayo ako mula sa upuan at lumakad papunta sa pinto.

"Oh" sabay abot ko, nakangiti naman nyang inabot mula sa kamay ko yung index card.

"Thank you teh ha"
"Pre oh" sabay abot nya sa kasama nya.

Gago mga ate ko.

Ang pogi ng kasama nya.

Matangkad, makapal kilay, pero mukang masungit.

Hmm parang may bago na akong crush ah?

Joke!!

Magfofocus na nga pala ako sa mga school shits.

Tinanguan ko lang sila tapos ngumiti bago tumalikod.

"Ay teh" tawag ulit nung lalaking inabutan ko ng index card.

"Bakit?" sagot ko pagharap.

"Ano pangalan mo? add ka raw sa fb nung kasama ko" nakangiting tanong.

Aba?? binigyan na nga ng index card? pati pangalan ko gusto??

Pero teka, hahabol ako ng student council di ba?

Advantage rin to.

"Aleina, Aleina Crisostomo" nakangiting sagot ko naman.

"Ito teh, si Chester Tanyag accept mo sa fb ha"

Yung lalaking si Chester daw, parang wala namang pake kasi nasa likod lang, nagpphone habang nakasandal sa may railings, di naman ata kami naririnig.

Tumango lang ako ulit bago sila umalis.

Mas masaya pa ata yung kasama ni Chester, baka naman sya talaga yung magaadd hindi si Chester, ginamit nya lang.

Baliw.

"Oy Alei ano yun?" agad naman akong napaharap kay Jana na nakasandal sa may pinto nila.

Kanina pa ata nakatingin.

"Naghingi index card" sagot ko bago lumapit sa may pinto nila.

"Weh? may patanong pa ng fb ha" asar nya bago sinundot yung tagiliran ko.

"Sus, yaan mo sila, syaka okay lang yun, para maalala nila yung pangalan ko pag botohan na ng student council" sagot ko.

"Alam mo parang familiar yung nasa likod yung kausap mo kanina" salita nya, pagharap ko naman sakanya ay may hinahanap to sa phone nya.

"Sino? si Chester?" tanong ko.

"Yon! si Chester, Chester Tanyag"

"Oh anong meron?"

"Tignan mo, oh di ba"
"Friend ko sa fb, nireto sakin dati yan"

Ay nireto kay Jana, tarantado, pogi pa naman pero wag na siguro.

"Ay weh?" tanging sagot ko.

"Oo pero di ko tinanggap, inadd ko lang sabay di kami nagusap" patawa nyang sagot.

Yun... Di naman pala nagusap...

Eh anong pake ko???

Muka namang walang pake yung Chester sa akin, ni di naman ako tinitignan.

Maya maya nagring na yung bell kaya pumasok na talaga kami ni Jana sa mga room namin.



Our storyWhere stories live. Discover now