Aleina
Mabilis lang natapos tong mga klase namin ngayong hapon.
"Jana samahan mo muna ako ha, magpapaprint ako ng flyers ko" sabi ko kay Jana kasi pababa na kami ng building.
"Yes madam" sagot nya naman.
Pumunta lang kami sa print shop tapos nagpaprint na ako.
Medjo nagtagal nga lang kami kasi ang dami kong pinaprint na flyers.
After non, umuwi na kami.
"Mommy I'm here na" sigaw ko pagpasok ng bahay.
Nakita ko naman si mommy na nasa kusina at humarap sakin, ngumiti naman sya at tumango kaya umakyat na ako ng kwarto ko.
Kumuha rin ako ng gunting para gupitin na yung mga flyers ko.
Sobrang dami, pero wala naman akong choice gago ginusto ko to eh.
Inopen ko muna ang phone ko para manood ng video sa youtube para di ako antukin.
Hindi pa ako nagsisimula guys tinatamad na ako.
Tapon ko nalang to tapos magbackout sa paghabol.
Joke ayaw!
*ting*
Mula sa papel ay umangat ang tingin ko sa phone.
Ano naman to??
Kinuha ko yung phone ko tapos tinignan sa notification bar yun.
Chester Tanyag sent you a friend request.
Ay GAGO!!!
NAGADD NGA ANG TARANTADO??!?!???!!!
Nakatunganga lang ako sa phone ko for 2 minutes straight.
Iaaccept ko ba??
Baka isipin nito bet ko sya.
Maya maya nalang.
Inscreenshot ko nalang yung request nya.
Online ba si Jana? chat ko nga sakanya to!!
Janana 🍌
• active nowgirl
GIRL
GUESS WHATGIRL
ano meronhulaan mo
ate di ako manghuhula
ano ba meron?!?!sent a photo.
GAGO!!
CRUSH KA NYAN FOR SURE!!oa nito
nagadd lang ehsus
igrab na ang chance
mas pogi naman yan kesa kay kyle.
punyeta yung lalaki na yun naiinis na rin ako sakanya!!!hayaan mo sya HAHAHA
Pagkitapos ko ichat si Jana, binalikan ko naman ang friend request ni Chester.
Accept ko ba?
10 minutes ago na.
Accept ko nalang.
Accepted.
Pinatay ko agad ang phone ko tapos naggupit na ulit ng flyers.
Tarantadong yan.
Nakangiti ako????
Teh????????
Kinikilig ata ako gago.
Okay lang ba magkacrush?
Eh nagloko naman si Kyle, isa pa di ko naman talaga gusto yun.
Ang kulit kasi kaya binigyan ko nalang ng chance.
Dalawa yung account ko, isang main na para sa school and isa na pangkalat account.
Sa kalat account ko kinakausap si Kyle, ron ko rin sya blinock.
Inunblock ko sya para ichat.
Tutal sa chat naman naging kami, sa chat nalang din kami magbbreak.
Kyle Aquino
• active 3 mins agosorry ayoko na.
Yun lang chinat ko, tapos dinelete ko na yung account na yun, para di na sya makapagreply.
Tigas nalang ng muka nya kung mangungulit pa sya.
Binigyan ko na nga sya ng chance tapos magloloko???
Aba ay tarantado masyado!!
Tinuloy ko nalang ang paggugupit ng flyers ko hanggang sa magdinner na kami.
After non, natulog na ako, may campaign pa kami bukas.
Kailangan ko matulog ng maaga kasi buong campus yung iikutin namin.
Grade 12 representative ang position na hinahabulan ko.
Nanalo ako last last year as grade 10 representative, di ako humabol nung grade 11 dahil nagvolleyball ako.
Ngayon last year ko na, kaya itatry ko ulit.
Naging maganda naman ang performance ko nung grade 10 ako.
Nung grade 11 naman maayos din ako as player.
Kaya weird naman kung matatalo pa ako this year.
Pero okay lang, last year naman na.
Kung di ako mananalo, magvvolleyball nalang ako ulit.

YOU ARE READING
Our story
RomanceI have loved you ever since, and i will love you until our last breath. This, this is our story.