CHAPTER II

0 1 0
                                    

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER II

Habang hindi pa nagsisimula ang klase ay nag-ta-trabaho si Ligaya sa isang fast-food chain. Gusto niyang makatulong kahit papaano sa kayod-kalabaw niyang ama. Suot-suot niya ang uniporme sa kaniyang pinagtatrabahuhan at dahil alas siete pa lang ay nagbubukas na sila, maaga din talaga siyang dumadating.

Habang wala pang tao ay pinupunasan niya muna ang mga mesa at naglilinis muna siya roon.

Mabilis ang takbo ng oras at unti-unti ng nagkakaroon ng tao sa chain. Bumalik na siya sa kung saan siya naka-assign at ginawa ang kaniyang trabaho.

Todo ngiti pa rin si Ligaya sa kabila ng pagod niya, at magaling din siyang makipag-usap sa kanilang mga customers. Kahit saglit pa lamang si Ligaya roon, ay nagu-gustu-han siya kaagad ng mga tao dahil sa kabutihan at maayos na pakikitungo niya sa mga ito.

Hanggang alas siete ng gabi ang duty ni Ligaya. No'ng una ay tutol ang kaniyang ama rito, ngunit kalauna'y pumayag din dahil sa puspusang pamimilit niya.

Naglalakad lamang si Ligaya kapag umuuwi para makatipid. Hindi siya nawawalan ng paniniwala sa Diyos at may katiyakan ang kaniyang isipan na saan man siya magpunta, ay binabantayan siya nito.

Naisipan ni Ligaya bumili ng ulam na manok, para sa kaniyang ama at kapatid. Mayroon siyang natirang pera mula sa kaniyang trabaho at hindi niya nais na tipirin ang pamilya. 'Di bale na ang sarili niya, basta't makita lamang niyang masaya ang ama, lalong-lalo na ang kaniyang kapatid na si Sinta.

Langhap na langhap ng batang si Sinta ang mabangong amoy ng kanilang ulam ngayon. Malawak ang kaniyang ngiti sa pasalubong ng Ate at tila ba isa itong surpresa sa kaniya.

"Ang sarap naman nitong dala mo, Ate!"

Ngumiti si Ligaya, "Oo naman Sinta. Basta para sa'yo!"

"Matagal-tagal na rin po akong hindi nakakatikim ng ganito. Puro na lamang kasi gulay ang pinapakain sa akin ni Papa."

Mistula pang nahiya si Sinta ngunit tinapik ni Manuel ang kaniyang ulo, "Ikaw talaga... Siyempre para naman 'yon sa ikabubuti mo. At sa ika-lu-lusog ng puso ni Sinta..."

Hinawakan ni Manuel ng marahan ang baba ng kaniyang anak.

"Pakinggan ko nga ang puso ni Sinta..."

Inilapit ni Ligaya ang kaniyang tainga sa puso ni Sinta at naririnig niya ang mabagal nitong pag-pintig.

Katulad ng dati, ay gano'n pa rin ang puso ni Sinta. Hindi nais ni Ligaya na ipakita ang kaniyang lungkot kaya hinarap niya si Ligaya na may abot-taingang ngiti.

"Oh, bumubuti na pala ang puso mo, Sinta! Kaunting gulay na lang at mag-gu-gulay pa tayo ulit!" biro ni Ligaya dahilan para matawa silang tatlo lalo na si Sinta.

Nagkatinginan si Ligaya at Manuel. Makahulugan ang mga titig ng mag-ama sa isa't-isa. Titig na nagpapalakas sa kani-kanilang mga pangamba ngunit kinukubli ito sa pamamagitan ng tawa.

Si Sinta ay sampung-taong gulang pa lamang ngunit mayroon siyang karamdaman sa puso.

Hindi na nila ito naipagamot pa ulit sa doktor dulot ng kakapusan ngunit inabisuhan sila sa mga kailangang gawin upang maalagaan ng mainam si Sinta.

FRAGMENTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon