Chapter 6 : Last Chat.

12 0 0
                                    

VIATRIX

Third week pa lang nang pasukan ay sabog na ako. Apat na araw na rin ang nakalipas noong umalis sila ate, may natitira pang tatlong araw na magkakasama kami ni Caelum. Bosit.

" Hey, can you pass me the peppers? " tawag niya sa 'kin at itinuro 'yung lalagyan ng paminta. Umirap muna ako bago tumayo at kinuha ang lalagyan ng paminta.

" Ito madam. " mataray kong sagot at ibinigay ito.

" What's wrong with you? Are you still upset because of what I've said? Na hindi ka maganda? " his brows collided with each other as he stared directly into the depths of my eyes.

Noong monday, after namin maka-uwi ay pinag-usapan namin kung bakit ko siya ini-ignore. Sinabi ko sakaniya na dahil ito sa sinabi niya saakin noong umaga. He laughed at me and said sorry. Pero, hindi ako naniniwala. At saka, kailan pa kami naging close para I-baby talk niya ako? Yung tuno niya kapag nag-uusap kami ay nag-iba simula noong pinatulog ko siya sa kuwarto ko.

Is he a pervert?

Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa niluluto niya, ramdam ko pa rin ang titig nito sa akin. " Huy, kapag yan masunog ikaw ang susunugin ko. " sumbat ko at inilayo niya na ang paningin sa akin.

“ Mas nakakasunog nga iyang titig mo kapag galit ka eh. Why don't you stare at  these fried eggs, para maluto. ” halakhak nito na may bahid na pagiging sarkastiko.

“ Bwesit. ”

“ You're welcome. ” huling sagot niya bago pa man ako umalis sa harapan nito. Baka maisubsob ko yung mukha niya sa kawali.

DING!

Ring ng cellphone ko.

DING! DING! DING!

Luh? 4 messages agad?

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa. I checked the notification bell and saw something... Or rather someone unexpected.

─────────────────────
  Nate sent you a message...
─────────────────────

I almost throw my phone out of shock as I saw his name. Hindi ako mapakali, para akong nababaliw. Sa kilig? O sadyang nasisiraan na ako ng bait.

“Aahhhhh! ” I shouted unconsciously as another message popped up.

─────────────────────
  Nate sent you a message...

“ Hi... Good morning. Can you please reply? :> ”
─────────────────────

Hindi ko na maitago ang kilig ko nang nahampas ko yung dining table at tumalon sa tuwa. Naagaw naman ang atensiyon ni Caelum at mariin akong tinitigan.

“ What the hell? ” he frowned.

“ Yes hell ” pakanta kong sagot at pumasok na nga sa aking kuwarto.

Humiga ako sa kama ko at bahagyang tumalon ang buo kong katawan dahil sa kaagad kong pagbagsak sa kama.

Nate Cruz (Active)

Loving You Is A Great Sin ( Glimpses Series #01 ) Where stories live. Discover now