FEVER

1.2K 9 0
                                    

Maagang tumayo si Kianna upang magluto ng makakain ng kaniyang Asawa. Masama ang kaniyang pakiramdam, mataas ang kaniyang Lagnat marahil ay dahil sa naging sugat niya sa kaniyang likod. Nang matapos Siya magluto at naghain na Siya bago katukin ang Asawa.

"Morning, naka prepare na ang Breakfast mo."
Marahang katok ni Kianna sa Pinto ng Kwarto ni Dwayne.

Nang narinig ng Dalaga na bumangon na ito ay bumalik na siya sa Dining Table dahil nais ng kaniyang Asawa na andoon siya nakatayo sa Likod nito sa tuwing kakain ito.

Katulong na katulong talaga!

"Ahmn, Dwayne lalabas ako para sa Stocks ko sana."
Paalam ni Kianna habang nagsasalin ng Juice ng Asawa sa Baso.

"Wala akong pakialam!"
Sigaw ni Dwayne.

Hindi na kumibo ang Dalaga sa pagsigaw ng kaniyang Asawa. Pangit ata ang gising nito.

"Bukas ay ikaw na ang magiging Secretary ko, ipapa deliver ko dito ang Uniform mo. 6 AM dapat ay naroon ka na sa Opisina at ang uwi mo ay 11 PM para matapos ang lahat g Trabaho."
Imporma ni Dwayne kay Kianna.

"Sige." Sagot na lamang ni Kianna.

"Make sure na hindi mo mapabayaan ang Bahay, maglinis at magluto ka bago ka umalis at sa paguwi mo."
Dagdag pa ni Dwayne.

Kailangan talaga niyang magpalakas ng katawan sa isip ni Kianna, patayan ang gustong gawin sa kaniya ng kaniyang Asawa.

Ganoon na naman ang nangyari sa tirang Pagkain ni Dwayne, pinakain na naman nito sa mga Aso nito ang mga iyon.

Nang matapos ang Dalaga na maglinis ng Bahay at ng pinagkainan ng kaniyang Asawa ay naligo na ito at umalis na upang bumili ng mga Gamit at Stock niya.

Kumalam ang kaniyang sikmura marahil ay wala pa kasi iyon maayos na kinain.

Kumain na muna siya sa paborito niyang Karendirya, nagkamustahan din Sila ng may-ari nun na si Madam Myrna.

Iyon ang kaibahan nila ng kaniyang Kambal, si Kianna ay mahilig sa mga simpleng bagay lamang kahit na kumikita na Siya ng Sarili ng Pera.

Habang ang kaniyang Kambal ay mahilig sa Luxury things. Lahat na ata ng Restaurant ay nakainan na ng kaniyang kakambal maging ang mga mamahalin na Bag at mga Alahas.

Samantalang si Kianna?

Ayos na siya sa Karendirya, Nike Rubber Shoes at mga Bags na Sponsor pa ng mga Endorsers niya.

Simpleng White T-shirt at Pants ay okay na kay Kianna. Hindi din mahilig sa mga Alahas kaya ginawa na lamang niya na Investments iyon.

Mas bumibili pa si Kianna ng mga Lupa, Bahay at Condo na may Clea Title. Investments niya iyon dahil praktikal Siya.

Kaya nga nagkalat na ang mga Properties niya na galing sa Sarili niyang bulsa dahil matipid naman siya.

Matapos niya Kumain ay nag Grocery a Siya ng kaniyang mga Stocks, dinamihan na niya ito dahil baka mawalan na Siya ng Oras sa susunod sa sobrang Busy.

Sa Palengke na rin Siya namili ng kaniyang Foam at mga kailangan sa pagluluto. Maging ang mga Plato at Utensils, gamit pang ligo.

Nang makompleto na niya lahat ay nilagay na niya sa Compartment ng kaniyang Kotse at umuwi na sa Bahay nila.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now