Ch.2

3.9K 16 0
                                    

Manang Emilia told me something before she left that day. Binigyan niya ako ng address ng kanyang tinitirhan at sinabihang alagaan ang aking sarili, she also warned me to avoid my brothers. Matapos niyang tingnan ang aking kalagayan at mag tanong ng kung ano Anong tanong, aniya rin ay babalik siya. Hindi nga lang sinabi kung kailan.

Ilang buwan narin ang lumipas simula noong may taong huling bumisita sa akin dito. My tummy keeps on going bigger, bumibigat ito kaya mas lalo lamang akong nahirapan na gumawa ng mga Gawain.

"But it doesn't matter." Nakangiti ako habang hinihimas ang aking tyan. "Kuya Aaron said that there's a cute baby inside, he he, I can't wait to see my baby---"

"Urgh!" Mariin akong napadaing nang biglang sumakit ang aking tyan. It hurts so bad kaya napaiyak na ako. Iniwan ko ang aking nilalabhan at naglakad pabalik sa Kubo habang nakahawak parin sa aking tyan. It really hurts!

Natigilan ako sa paglalakad nang may kung anong naramdamang lumabas sa akin, I can't really see my thighs because of my tummy kaya napahawak na lamang ako dito, it was water.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit hindi ako tuluyang nakapasok sa Kubo at napasigaw na lamang sa sakit habang napa-luhod na. "It hurts!! Urgh! Kuya! Hurgh! Kuya!...AHHHH!!"

"Young lady!"

I don't know who it was, sapagkat nakapikit lamang ang aking mga mata dahil sa labis na sakit. The owner of the familiar voice help me get inside the cabin at ipinahiga ako sa kama.

Hindi ko narin alam kung ano na Ang nangyari matapos noon sapagkat hindi na ako makapagisip ng mabuti dahil sa labis na sakit ng nararamdaman. I keep on calling my brothers, ngunit katulad ng dati, kahit na isa sa kanila ay hindi dumating.

Noong magising ako, iyak ng isang bata ang umalingawngaw sa aking tainga. Nanlalabo pa ang aking paningin at nanghihina ang katawan.

"Young lady, ito na po ang baby ninyo oh, ang cute Po."

"...baby..." Kahit na malabo ang aking nakikita at matamis akong napangiti habang lumuluha ang mga mata. Marahang hinaplos ang mukha ng umiiyak na baby na nakahiga sa aking tabi. "...baby ko..."

Napagtanto ko rin na si manang Emilia ang tumulong sa akin. Nanatili din siya dito sa Kubo kasama Namin ni Baby. Kwento pa niya ay dumaan daw siya sa ibang daanan papunta dito, mabuti na lamang daw ay nasaktuhan niyang manganganak na ako, inaasahan kasi niyang sa susunod na araw pa daw.

My brothers won't let her come back, kaya labis akong nagtataka. Ngunit kahit na magtanong pa ako kay manang, she won't disclose any information, hindi daw rin niya alam.

Lumipas ang mga araw at linggo, paminsan-minsan na umaalis si manang upang bumili ng mga kailangan ni baby, nagdadala din siya ng mga gamit ng baby na minsan ng nagamit ng kanyang mga anak.

She also told me not to let my brother know about the existence of my baby, kaya naalala ko ang sinabi ni Kuya Aaron noong araw na iyon, he won't let me have my baby. Kaya mahigpit akong napahawak Kay baby na karga-karga ko. I won't let them take my adorable baby away from me, she's mine! My baby Camella is mine!

...

Lumipas ang isang taon. Hindi narin ako umasa pa na bumisita ang aking mga kapatid, ayaw ko rin naman na Makita nila ang baby ko. Manang Emilia taught me many things, kaya maswerte ako at kasama ko siya.

"Lily, anak. Ako na dyan, siguradong pagod ka na." Lumapit sa akin si Manang Emilia na karga si Baby. Matamis na lamang akong napangiti.

"Okay lang po ako." Nagpatuloy ako sa pag-kuha ng mga kamote sa ilalim ng lupa, malalaki na kasi ang mga ito.

Three In OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon