Ch.4

2.4K 11 4
                                    

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you."

Nakatayo ako sa gitna ng napakaraming tao, ang kanilang mga tinig ay unti-unting humihigpit sa aking pandinig habang sabay-sabay silang umaawit ng masiglang kantang iyon. Ang mga ngiti nila ay tila nagliliwanag sa paligid, pero sa kabila ng lahat ng iyon, ang aking mga labi ay nanatiling tahimik, hindi maitanggi ang bigat sa aking dibdib. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha,

isang patak,

dalawang patak,

Hanggang sa tuluyan nang bumuhos.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Bakit bumalik ako sa araw na ito? Ang araw na pilit kong binabaon sa limot, sapagkat dito nagsimula ang lahat ng sakit at pagdurusa. Ramdam ko ang mas lalong paninikip ng aking dibdib, para bang ang bawat paghinga ko ay tinik na nagmamarka ng kirot sa aking kaluluwa. Napapikit na lamang ako, mariin at mahigpit, umaasang maglalaho ang.....ako.....at mga alaala.

Sa harapan ko, naroon sina Kuya, mga kamag-anak, at mga bisitang nakangiti, lahat sila'y masaya. Ngunit 'di ako naaabot ng saya na iyon, as if happiness is avoiding me.

Ang damdamin ko’y tila isang bagay na sinakal at pinagkaitan ng karapatang huminga, hanggang sa bumaliktad na nga ang aking sikmura. Hindi ko na napigilan, sumuka ako sa gitna ng lahat, at sa sandaling iyon, bumigay ang lahat ng mga pinipilit kong itago't pigilan.

"Lily!!"

Parang malabong panaginip ang lahat ng ito. Pero nang unti-unting nag sink-in sa akin na bumalik nga ako sa nakaraan, bumagsak ang aking mga tuhod, nanghina. Ang buong katawan ko’y nanginginig, at ang mukha ko’y namutla. Ang mga kamay ko’y nanlamig, para bang hinigop ng oras ang init ng aking katawan.

Parang isang pelikulang paulit-ulit na pinalalabas sa aking isipan, bumalik ang bawat sakit, bawat pangyayari. Ang mga ngiti nila’y naging mga anino ng nakaraan, at ako’y muling natangay sa alon ng mga damdaming pilit kong tinatanggi at kinakalimutan.

Sa harap ng lahat ng ito, nag-iisa akong nakatayo, walang kalaban-laban sa isang piraso ng alaala na matagal ko nang gustong kalimutan, ngunit hindi ko magawa.

Paulit-ulit ulit ulit ulit akong nagtatanong sa nasa itaas kung bakit pa niya ako kailangan pahirapan ng ganito, hindi pa ba sapat lahat ng paghihirap ko? Bakit....

Bakit...

...Bakit...

...Ba....kit....sumuko na nga ako eh...

Grabi naman po kayo sa akin...ayow ko na Po, Tama na....

"Lily! What's wrong?!"

"Haaa..." Pwersahan kong binawi ang aking braso na kasalukuyang hawak ni Kuya Raiko. Pasimple kong pinunasan ang aking bibig gamit lamang ang aking kamay, bago binigyan ng blankong tingin si Kuya Raiko. "Fuck off."

"...?!"

Batid ko ang gulat niyang ekspresyon, at siguradong ganoon din ang reaksiyon ni Kuya Jerome at Kuya...Aaron. Ngunit hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin.

Kusa kong iniangat ang sarili hanggang sa muli ng makatayo. Blanko parin ang aking mga mata, na tila ba ay tuluyan ng nawala sa akin ang kakayahang makadama ng emosyon. Pagod na ako...

Humakbang ako papalapit sa mesa at kinuha ang isang bago ng red wine bago nakangiting humarap sa lahat na ngayon ay tahimik na, may mga matang nagtataka, nandidiri, at nanghuhusga.

"...li...ly..."

"I apologize for what happened. A toast for everyone, please enjoy the party!" Nakangiti ang aking labi at itinaas na ang aking hawak, ngunit ang aking mga mata ay ganoon parin. Matapos kong magsalita ay marahan kong itinagilid ang baso dahilan upang mabuhos sa sahig ang red wine. Kaya mas lalong nagtaka ang lahat sa kakaibang inaakto ng prinsesa ng mansion.

Three In OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon